Allen Dizon produces "Paupahan" after disappointment in car-trading venture

by Cesar Pambid
Jun 19, 2008
"I was very disappointed. Nagtiwala ako sa kanila, pero ginamit lang pala nila ako. Masakit na yung inaasahan mong tunay na kaibigan ang siya pang sasaksak sa iyo nang patalikod. Basta pera, lumalabas ang tunay na kulay ng tao," complains Allen Dizon.

Nang nag-decide ang sexy actor na si Allen Dizon na i-produce ang pelikulang Paupahan, kasalukuyan pala siyang dumaraan sa matinding krisis sa ilang kasosyo sa car trading business. Umabot pa nga raw sa demandahan ang kaso at malaking halaga ang sangkot sa nasabing gusot.

"I was very disappointed. Nagtiwala ako sa kanila, pero ginamit lang pala nila ako. Masakit na yung inaasahan mong tunay na kaibigan ang siya pang sasaksak sa iyo nang patalikod. Basta pera, lumalabas ang tunay na kulay ng tao," himutok ni Allen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Binawi ni Allen ang sosyo niyang pera sa nasabing negosyo, bagama't hindi pa naibabalik sa kanya ang kabuuan, pati na ang kinita nito.

"Ayokong magdetalye," sabi ng aktor. "Payo ng abogado ko, hangga't hindi pa maayos ang lahat, e, manahimik muna ako. Kaya hindi ako magbabanggit ng pangalan. Ipinapasa-Diyos ko na lang ang lahat."


Ilang panahon ding depressed ang award-winning actor kaya nag-lie low siya sa car trading at nagdesisyon siyang mag-produce na lang ng pelikula. Kaya nabuo ang Paupahan, na initial venture ng kanyang ATD Entertainment Productions. Ang nasabing kumpanya ni Allen ang nagprodyus ng dalawang musical plays niya sa Music Museum, ang Hipo at Private Parts.

Continue reading below ↓


Natapos nang walang aberya ang pelikula. Nakuha niya ang serbisyo ng powerhouse cast: Ms. Gloria Romero, Snooky Serna, Angelu de Leon, German Moreno, Krista Ranillo, Joseph Bitangcol, Kirby de Jesus, at Jay Manalo.


Maganda ang feedback sa pelikula ng mga nakapanood ng unang screening. Nakakuha ito ng Grade "B" mula sa Cinema Evaluation Board (CEB); at klasipikasyong R-13 without cuts sa MTRCB.


Masaya si Allen dahil nakapag-produce siya ng matinong pelikulang alam niyang magugustuhan ng marami.


"Maibalik lang ang puhunan, saka kumita ng konti, baka tuluy-tuloy na ang pagpoprodyus ko. Nakakapagnegosyo na ako, nakakapagbigay pa ng trabaho sa mga kasama natin sa industriya. It's my way of paying back sa mga naitulong sa akin ng showbiz," pahayag ni Allen.


Nakabangon na si Allen at mag-isa na lamang siya sa kanyang car trading business. Bawas nang sakit ng ulo, mas kumikita pa siya. Lumalago na rin ang food chain franchise niya sa Pampanga.

Continue reading below ↓


Active pa rin ang kanyang showbiz career na hawak ng Viva Artists Agency. Naging regular siya sa nagtapos na Kung Fu Kids ng ABS-CBN, na balitang may sequel. Nakasama rin siya sa pelikulang Ikaw Pa Rin (Bongga Ka, Boy) nina Robin Padilla at Ai-Ai delas Alas ng Viva Films. Kasalukuyan siyang nagsu-shoot ng Room 213 with Gwen Gaci sa direksiyon ng New York-based director na si Keith Sicat under Viva Films.


Excited na si Allen sa Paupahan na may red-carpet premiere night sa Hunyo 22 sa SM Megamall at Hunyo 30 sa SM Pampanga. Regular showing nito sa July 2 in selected theaters nationwide.


Mula ito sa panulat ni Dennis C. Evangelista, director of photography ang beteranong si Romy F. Vitug, at sa direksyon ni Joven M. Tan.

Read Next
Read More Stories About
Allen Dizon
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I was very disappointed. Nagtiwala ako sa kanila, pero ginamit lang pala nila ako. Masakit na yung inaasahan mong tunay na kaibigan ang siya pang sasaksak sa iyo nang patalikod. Basta pera, lumalabas ang tunay na kulay ng tao," complains Allen Dizon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results