Tessie Tomas headlines movie about 69-year-old grandma who wishes to finish grade 6

Dream come true para sa beteranang aktres at komedyana na si Tessie Tomas ang mapili siya bilang bida sa Old Skool. Ito ay isang pelikula na nagkukuwento sa buhay ni Lola Fely, isang senior citizen na nais na makatapos ng elementarya.


Dream role para sa aktres at komedyanang si Tessie Tomas ang karakter na ginampanan niya sa Old Skool.

Kuwento niya, “Dream role for any actress ang pag-portray kay Lola Fely. May mga pinagpilian siguro sila pero ipinagdasal ko na sana mapunta sa akin ito.

“Kasi ganyan ako, selfish ako sa magagandang movies. So, tuwang-tuwa ako noong nakuha ko.”

Ang pelikulang Old Skool ay tatalakay sa buhay ni Lola Fely, edad 69 na nagdesisyong bumalik sa pag-aaral sa elementarya matapos pumanaw ang asawa nito.

Sa kanyang edad, hindi madali ang mag-aral muli sa grade 6 at makipagsabayan sa mga bata.

Naranasan niya sa paaralan ang pambu-bully, ang panlalait, at kung anu-ano pang masasakit na salitang ibinabato sa kanya.

Pero, nagsumikap si Lola Fely upang makamit niya ang kanyang pangarap na makatapos ng elementarya.

Kuwento pa ni Tessie, “Hindi lang ito pang-seniors kundi sana mabuksan ang isip ng mga younger people na maunawaan nila yung dreams ng mga nakakatanda.

“Kahit na tumatanda tayo, ay meron tayong mga pangarap. Hindi pa huli ang lahat para sa mga gusto nating matupad.”

Kasama ng beteranang komedyana sa pelikula si Buboy Villar na gaganap namang kontrabida kay Lola Fely.

Kalaunan, malalaman ng matanda kung bakit ganun na lamang ang ipinakitang ugali ni Buboy dahil sa pagmamaltrato nitong naranasan noong kanyang kabataan.

Ayon sa direktor ng pelikula na si Cia Hermosa-Jorge, hango daw ito sa totoong buhay pero hindi niya nakilala ng personal ang pinagbasehan niyang karakter sa kanyang obra.

Ipapalabas ang Old Skool sa darating na November 4 sa lahat ng SM cinemas sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN