24th Star Awards for Movies to be held this Friday, June 27


(From left) Mariel Rodriguez, Piolo Pascual, and Ms. DawnZulueta will host the 24th Star Awards for Moviesorganized by the Philippine Movie Press Club (PMPC). It will be aired onABS-CBN this Sunday, June 29, at 10 p.m.



Sina Piolo Pascual, Mariel Rodriguez, at Ms. Dawn Zuluetaang mga kumpirmadong hosts sa 24th Star Awards for Movies ng Philippine MoviePress Club (PMPC), Inc. Si Piolo ang nagwaging Star Best Actor last year(ka-tie si Jericho Rosales), at nominado rin siya ngayong taon para sapelikulang Paano Kita Iibigin. Si Dawn naman ay past Star Best Actressawardee rin.

Gaganapin ang star-studded 24th Star Awards for Moviesngayong Biyernes, June 27, 6:00 pm sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo DeManila University (Quezon City). Handog ng GARP Events Productions, ang awardsnight na ito ay mapapanood sa ABS-CBN ngayong Linggo, June 29, sa ganap na10:00 pm.

Trivia hosts naman ang two-time Star best actor na si AgaMuhlach (nominado rin this year), kasama sina Angel Locsin and Best SupportingActor nominee Luis Manzano.

May theme na "Musical Moments at the Movies," mapapanood satrivia portion ang biggest stars of Philippine cinema na umaawit o sumasayaw sakanilang past films tulad nina Fernando Poe, Jr., Nora Aunor, Vilma Santos,Sharon Cuneta, Dolphy, Regine Velasquez, at Maricel Soriano.

Ang mga performers sa Gabi ng Parangal ng PMPC ay ang mga sumusunod: Openingdance showdown nina John Pratts at Gabriel Valenciano, with La Salle Dancers atManouvres. Hahataw sa isang sexy production dance number ang dalawang BestSupporting Actress nominees na sina Ara Mina at Maja Salvador, kasama ang Mochaat Sexbomb Dancers.


Para sa tribute kay Mr. Rudy Fernandez bilang recipient ng Ulirang Artista LifetimeAchievement Award (Posthumous), aawit sina Erik Santos, Gian Magdangal, at siMs. Pops Fernandez. Isang maigting na finale song number naman ang gagawin ngfour-time Star Best Actor na si Mr Christopher de Leon kasama ang Pop Diva nasi Ms. Kuh Ledesma.


Magpapatalbugan sa mga kasuotan ang mga celebrities and nominees na aattenddahil apat na "special awards" with cash prizes ang ipamimigay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN