Pokwang's movie inspired by Joey de Leon’s past “mukhang aswang” joke

In 2008, Direk Wenn Deramas (left) saw how affected Pokwang was because of the "aswang" joke made by Joey de Leon. This incident served as inspiration for the Wang Fam movie that will be shown this November 18.



Bago mapanood ang kanyang 2015 Metro Manila Film Fest entry na Beauty and the Bestie, muling masusubok ang pagiging box-office director ni Wenn Deramas sa latest project niya under Viva Films, ang Wang Fam, na ipapalabas this November 18.

Paano niya naisip ang ganitong proyekto para kay Pokwang?

Sagot ni Direk Wenn, “2008 nu’ng nagkaroon ng isyu-isyu si Joey [de Leon] at si Pokwang, nu’ng tinawag ni Joey de Leon na aswang, nag-iiyak si Pokwang.

“Nade-depress pa siya, e. Sabi ko sa kanya, ‘Bakla, huwag ka nang ano, gawin nating pelikula. Aswang ka.’

“Na-inspire ako sa sinabi ni Joey kay Pokwang.

“Oo, kasi nga yung mga sinasabi naman ni Joey de Leon ay hindi rin naman ‘yan seryoso, di ba?

“E, di gawin mong katatawanan, pagkakakitaan mo, oo.

“At saka for sure hindi rin naman mini-mean ng masama ni Joey ‘yan.

“So yun. Ganoon lang ang buhay natin.

“Huwag nating seryosohin. Huwag tayong umiyak-iyak. Huwag tayong mang-away. Bati-bati.

“So, from there, ginawa ang script. Pero hindi pa naman talaga script, story pa lang.

“Tapos hindi natutuloy. Kapag sinabi ko sa Viva na hingin ninyo na si Pokwang, biglang hindi natutuloy.

“Kesyo may gagawing ganito, may gagawing ganyan.”

(READ: Pokwang reacts to Joey de Leon's "mukhang aswang" joke)�

Seven years ba siyang naghintay kay Pokwang para sa Wang Fam?

Tugon ni Direk, “Hindi, kasi siyempre meron ding time na, ‘Huwag na nga,’ ganoon. ‘Kung ayaw nila, huwag.’

“But, kahit sinasabi nina Boss Vic [del Rosario], ibigay kay Ai-Ai [delas Alas], bigay kay Uge [Eugene Domingo], hindi pa rin.

“Hindi ko pa rin ibinibigay. Kasi nga, si Pokwang naman ay wala namang atraso sa akin dahil kung siya ang masusunod gustung-gusto niyang gawin, yung ganoon.

“Tapos noon, noong ginagawa namin yung The Amazing Praybeyt Benjamin, nandoon si Kris Aquino, di ba?

“Nandoon si Bimby. Dumalaw si Pokie [Pokwang]. Nagdala ng food.

“Tapos nagulat ako kasi alam ni Pokwang na ako yung direktor doon.

“Meron siyang ulam para sa akin na hiwalay.

“Kung kunwari nagpakain siya sa maraming tao, sabi niya, ‘May binigay akong adobo. Hiniwalay ko na kasi baka magalaw pa kung dito tayo kukuha.’ Yung ganyan.

“Na-touch ako kasi hindi nagbabago yung tao.

“Ganyan ‘yan ano pa lang, yung Maid in Heaven. Nagdadala ng pagkain sa akin, yung suman, sa Antipolo.”


BACK TO WORK WITH AI-AI. Mas mahal na ba ni Direk Wenn si Pokwang kesa kay Ai-Ai?

“Ay, huwag naman tayong ganoon. Huwag naman. Hahaha!

Nami-miss na ba niyang katrabaho si Ai-Ai?

“Naman! At eto ka, kumapit ka muna,” biro ni Direk Wenn.

Dugtong niya, “Magbabalikan kami ni Ai-Ai sa 2016, sa Regal [Films].

“Hindi pa ako pumipirma pero nag-usap kami ni Mother [Lily Monteverde].

“Ano’ng petsa tayo ngayon? Noong bday ni Ma’m Charo [Santos-Concio], a-bente [October 20]?

“Doon kami nag-usap ni Mother Lily ng buong magdamag.

“At eto ang sinabi ni Mother Lily, ‘Ako tipid-tipid, ha. Maraming pelikula maliit.

“’Pero dahil ikaw ito, bigay ko lahat ang pera. Mayaman ako. Ako hindi tipid sa ‘yo.

“’Ako hindi post-dated [checks] sa ‘yo!’”

Ano ang sinagot niya kay Mother Lily?

Tugon ni Direk Wenn, “Sabi ko, ‘Mother, kahit ano pa ang sabihin mo, kailangan ng pangalan ko ang Regal Films sa filmography ko.

“So, kahit ano’ng mangyari kailangan ko’ng gumawa sa Regal Films because sabi ko, lumaki ako na ‘yan ang pinapanood ko.

“At nakakagulat kay Mother, kinukwento niya ang mga pelikula ko’ng pinapanood niya.

“Siyempre, masarap [sa pakiramdam]. Pinaka-favorite niya na pelikula ko yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy and Praybeyt Benjamin.

“Sabi niya ang Praybeyt Benjamin, twice niyang pinanood.

“Ay, sa mga hindi nakakaalam, noong 2006 pa nagne-negotiate na kami ni Mother.”

Ano ang title ng movie na gagawin ni Direk Wenn sa Regal Films?

Pag-iwas niya, “Huwag muna, di ba?”

Pero may concept na siya?

“Meron! May dalawa ako’ng Ai-Ai movie, e. So, kung ano yung matutuloy.

“Kaya hindi muna ako nag-iingay kasi originally Viva [Films] yun, e. So kailangan kong ipaalam kay Boss Vic [del Rosario, chairman and CEO ng Viva Films]. Tetyumpuhan lang natin na malamig ang ulo ni Boss Vic.”

Posible bang magco-produce ang Viva and Regal?

Sagot ni Direk, “Maganda, first time. Viva and Regal di ba?

“Pero ako naman, mas gusto ko nang ibigay sa Regal Films lamang.”

Ano ang feeling na si Ai-Ai pa rin ang bida ng pelikula niya sa unang pagtapak ni Direk Wenn sa Regal Films?

Sagot niya, “Hindi ba maganda yun?”

Sino ang nag-suggest kay Direk Wenn na movie with Ai-Ai ang una niyang gawin sa Regal?

“Si Ai-Ai. Bakit, akala niyo ba wala kaming contact ni Ai-Ai?”


ALONZO MUHLACH LAUNCHING MOVIE.
Right after MMFF, isu-shoot ni Direk Wenn ang Butsoy, launching movie ng child star na si Alonzo Muhlach.

Hindi ba gagawa uli ng teleserye si Direk Wenn?

Tugon niya, “Meron, kasi kakapirma ko pa lamang ng bagong kontrata para sa another tatlong taon with ABS-CBN, the Kapamilya network. Forever ako diyan.

“Ngayon kasi ang ginagawa ko, Wansapanataym. After Wansa, may dalawa ako’ng ipi-pitch na teleserye. Sana ma-approve.”

Kumusta na ang Claudine Barretto-Piolo Pascual movie na niluluto niya?

Tugon ng direktor, “Kaya nga kasi hindi ko pa naman talaga napi-pitch kay Piolo kaya ayoko munang kumuda nang kumuda diyan.

“Basta definitely, sabi ni Tita Malou [Santos, head of Star Cinema], sabi ni Boss Vic, ‘Gawin na ‘yan!’

“So, it’s a co-prod thing.

“Kausap ko sa movie nila na Pinilit Kong Limutin Ka ay ang Viva. Bahala silang mag-usap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN