Dennis Trillo works with Solenn Heussaff and Kit Thompson for environmental/romantic film Lakbay2Love

Dennis Trillo on working with Solenn Heussaff: “Masuwerte ako na nakasama ko siya sa pelikula at naging parte kami ng pelikulang ito. Nakasama ko na siya dati and alam ko na talagang dedicated talaga siya trabaho.”



Matapos ang Felix Manalo, isang indie film naman ang bagong pakaaabangan kay Dennis Trillo.

Ito ang environmental/romantic film na Lakbay2Love kung saan makakasama niya ang GMA-7 actress na si Solenn Heussaff at ang ABs-CBN star na si Kit Thompson.

Sa February 2016 tinatayang ipapalabas ang pelikulang ito sa direksiyon ni Ellen Ongkeko-Marfil.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News sa Kapuso actor, sinabi nito na hindi masyado mabigat panoorin ang pelikulang ito.

“Dito sa pelikulang Lakbay2Love, iba siya sa mga previous kong ginawa. Hindi siya mabigat, magaan lang siya panoorin.

“Ibang klaseng interes naman yung ipapakita naming dito tungkol sa biking, sa environment, at sa pag-ibig na nangyayare sa ordinaryong tao.”

Masaya si Dennis na maging bahagi ng proyektong ito kaya naman hindi na rin nito itinuring na trabaho ang kanyang ginagawa sa tuwing nasa taping ng pelikula.

Sabi pa niya, “Unang-una, hilig ko yung biking. Mahilig ako mag-bike dati pa. ‘Tapos lalo na, nung ginagawa namin yung pelikula parang hindi ako nagta-trabaho, para lang akong namamasyal.

“Ine-enjoy ko lang nang husto ‘tapos maaga kami natatapos kami palagi dahil puro day effect.”

Ano nga ba ang karakter na gagampanan niya sa pelikulang ito?

“Isa siyang environmentalist, nagta-trabaho siya sa La Mesa Dam ‘tapos mahilig siya sa biking ‘tapos may kaibigan siya dito si Macky na si Kit Thompson naman yung gaganap.

“‘Tapos si Kit meron siyang girlfriend, ex-girlfriend niya si Solenn.

“‘Tapos ayun, magkakaibigan kami dito at merong mamumuong mga conflict and yun, maganda, simple lang yung kuwento niya.”


Ginanap ang panayam matapos ang kanyang recording session nitong Huwebes, October 29, para sa gagamiting official theme song ng pelikula.


SOLENN AND KIT. Ikinatuwa din ni Dennis na si Solenn ang nakatrabaho niya sa pelikulang ito lalo’t alam nito ang dedikasyon ng aktres pag dating sa trabaho. Unang nakasama ni Dennis sa pelikulang Boy Pick-Up: The Movie si Solenn kasama ang dating Kapuso singer-actor na si Ogie Alcasid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dennis,“Masuwerte ako na nakasama ko siya sa pelikula at naging parte kami ng pelikulang ito.

“Nakasama ko na siya dati and alam ko na talagang dedicated talaga siya trabaho.”

Ibang klaseng Solenn din daw ang mapapanood ng ng mga tao sa pelikulang ito at hindi tulad ng madalas na napapanood ng mga tao sa telebisyon man o pelikula.

Paliwanag ni Dennis, “Talagang iba yung pinakita niya dito. Hindi do’n sa usual na napapanood niyo na nagpapasexy siya, sumasayaw. Dito iba, parang normal na Solenn yung makikita niyo. Yung totoong taong Solenn.”

Hindi naman daw nahirapan si Dennis at Solenn sa pagbuo ng kanilang onscreen chemistry sa tulong na rin ng kanilang director na si Ellen Ongkeko-Marfil.

“Magaling yung director namin e, kaya na-guide niya kami ng mahusay sa eksena.

“Bawat eksena talagang tinutukan niya and inalagaan para mag-work yung camaraderie at saka yung buong eksena mismo."

Lakbay2Love BTS ŸÅ½ŸÅ½ @dennistrillo @solennheussaff #Lakbay2Love #BikeMovie #IndieFilm

A photo posted by TomDen Ÿ’Ÿ’Ÿ’ (@ilovetomden) onJul 22, 2015 at 12:26am PDT


Unang beses naman makatrabaho ni Dennis ang Star Magic talent na si Kit Thompson at pinuri din nito ang husay ng teen actor.

Pahayag ni Dennis, “First time ko siya makatrabaho, okay naman yung ano, mabait siya. Mabait na bata pero ano, malaki, matangkad siya.

“Kala ko nga ano...yun pala bata lang pala siya. Pero magaling siya, kaya niya mag-adjust dun sa character na binigay sa kanya and pleasure working with him.”

ADVOCACY. Maituturing na rin ni Dennis na advocacy niya ang pelikulang ito lalo’t marami siyang natutunan tungkol sa kalikasan habang ginagawa ang pelikula.

Aniya, “Siyempre, natutunan ko din yung ibang mga bagay na hindi ko alam no’n tungkol sa environment. Kung papaano yung mga kailangan mong gawin para panatiliing ligtas yung kalusugan mo.”

Sa isang eksena, hindi daw napigilang bumigat ang kalooban ni Dennis nang matunghayan ang tunay na kalagayan ng ating kalikasan.

Kuwento pa ng Kapuso actor, “Meron kaming pinuntahan dun na ano e, denuded na forest talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Makikita mo isang malaking lugar na puro putol na mga puno na ‘pag nakita mo siya talaga parang ang sakit sa, ang bigat sa kalooban mo na makakita ng ganun na hindi mo alam na ganito pala yung nangyayari sa kalikasan, sa mga bundok natin, nauubos yung mga puno.

“Kaya nagkakarooon ng mga baha dahil sa mga ganun at marami pang ibang sakuna.”

Anu-anong lugar kaya ang kanilang binisita para sa pelikulang ito?

“Lagi kami nasa outdoors, sa bundok. Nag-Benguet na kami, nag-Baguio, Timberland, La Mesa Dam. Kung saan-saang mga bundok inikot namin talaga.

“Makikita niyo napaganda talaga nung pelikula visually ‘tsaka yung istorya niya.

“Napapanahon ‘tsaka magaan lang siya panoorin ‘tsaka feel good para maiba naman.”

Hinihikayat din ni Dennis ang bawat Pilipino dahil hindi lang kilig ang dala ng kanilang pelikula ngunit maging tamang impormasyon tungkol sa pagbabago ng kalikasan.

Paliwanag niya, “Importanteng mapanood nila ito dahil makikita nila kung anong nangyayare sa kalikasan ngayon, kung ano yung status.

“And kung ano yung mga puwede nilang gawin para ma-prevent yung paglala ng kondisyon na yun, ‘di ba, kung ano man yung nangyayari sa environment natin.

“And siyempre, maganda rito, makikita nila yung kahalagahan ng biking, ano yung natutulong nito sa kalikasan.

“Ano yung mapapala mo kung ginawa mo yun? Sinu-sino yung mga klaseng taong makikita mo, makakasalamuha mko, at yung mga lugar na mapupuntahan mo.

“So para ka na ring namasyal, nag-biking 101, ‘tapos yun para sa lahat talaga yung pelikula.”

Abangan ang Lakbay 2 Love! #dennistrillo #Lakbay2Love

A photo posted by Cezar B. Longboy Jr. ( CEDEN ) (@ceden127_dt) onSep 26, 2015 at 6:06pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN