Felix Roco shoots rape scene for Andi Eigenmann's Angela Markado

IMAGE Mark Atienza

Felix Roco is part of the 2015 Cinema One Originals entry Mga Rebeldeng May Kaso. He is also cast as one of the rapists in the remake of Angela Markado, starring Andi Eigenmann.



Masaya si Felix Roco na may nagawa siyang pelikula para sa 2015 Cinema One Originals Film Festival na magaganap mula November 9-17. �

Ito ay ang Mga Rebeldeng May Kaso na idinerehe ng premyadong direktor na si Raymond Red at tampok din sina Nicco Manalo, Epy Quizon, Earl Ignacio, at Angela Cortez.

Ang mga entries ng Cinema One Originals ay ipapalabas sa mga sinehan ng Trinoma, Glorietta, SM Megamall, at Resorts World Manila.

Ang mga competing entries ay: Baka Siguro Yata ni Joel Ferrer, Bukod Kang Pinagpala ni Sheron Dayoc, Dahling Nick ni Sari Dalena, Dayang Asu ni Bor Ocampo, Hamog ni Ralston Jover, Manang Biring ni Carl Joseph Papa, Miss Bulalacao ni Ara Chawdhurry, at The Comeback ni Ivan Andrew Payawal.

“It’s a story about how independent films started here,” paglalarawan ni Felix sa nasabing pelikula nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ABS-CBN compound.

“First time ko to work with Raymond Red.� Pero wala naman akong naramdamang pressure.

“Actually to work with him is really comfortable.� Enjoy naman kami.

“Ang role ko ay isang filmmaker.� Actually naging madali na for me na i-portray ‘yong character ko since nasa film naman ako.

“’Yong nahirapan lang kami was… it was set in the 80’s kasi, e.� So ‘yong lingo [language] namin, do’n lang kami nahirapan.

“Medyo comedy ito pero hindi ‘yong role ko. Nagmukha lang comedy,” sabay ngiti ni Felix.

Gaya ng kanyang ama na si Bembol Roco, magaling ding aktor si Felix at pati na rin ang twin brother niyang si Dominic.� May laban kaya para sa acting award ang performance niya sa Mga Rebeldeng May Kaso?

“Tuwi namang may ginagawa akong roles, hindi ko naman iniisip ‘yong award.� I think hindi naman dapat isipin ng mga aktor ‘yon, e.

“So… it’s not on my mind.� Kung magkaka-award ako… if it happens, it happens di� ba?� We can’t predict what’s gonna happen.”


ANGELA MARKADO REMAKE. Bukod sa Cinema One entry
na ito, may iba pa ba siyang project na nagawa?

“May ginawa kami ni Epy for Carlo J. Caparas, ‘yong Angela Markado.� Isa ako sa rapists ni Andi Eigenmann [na siyang title character sa nasabing pelikula].”

Ang original movie na Angela Markado ay pinagbidahan ni Hilda Koronel noong 1980.

Talagang sobrang brutal at grabe ang rape scene na ginawa sa naturang pelikula na ang director ay ang National Artist for Film Lino Brocka. �

Ani Felix tungkol sa brutal rape scene, “Oo.� Pero ngayon, medyo hindi na gano’n ka-grabe kasi R-13 ang rating so medyo ang daming hindi puwedeng gawin.”

Kaibigan niya si Andi.� Hindi ba siya nailang nang i-shoot ang rape scene sa aktres?

“Okay lang. Kasi since close ko na si Andi, nag-usap naman kami.

“Gano’n naman kami, e.� Nag-aalalayan kami ng mga co-actors.� That’s the way it should be.”

Bukod sa Angela Markado, may iba pang siyang project?

“May ginawa ako para kay Brillante Mendoza.� Pero hindi pa yata puwdeng sabihin ‘yon, e.”

Wala ba siyang soap opera?

“Wala.� Ayoko munang mag-TV.”

Bakit?� Nakapapagod?

“Wala lang.� Hindi naman nakakapagod.

“It’s just redundant.� ‘Yong… ako kasi as an actor, I just want to evolve.� Hindi ‘yong stuck on ano lang, one formula of a show.

“Nawawala kasi ‘yong versatility ng actor kapag gano’n.”

Meron ba siyang dream role?

“Oo naman.� ‘Yong sa Maynila Sa Kuko Ng Liwanag,” pagtukoy niya sa critically acclaimed film na ginampanan noon ng ama niyang si Bembol Roco.

“Kung iri-remake ‘yon, gusto kong gawin.� Oo naman, without a doubt.

“Do’n sumikat ang daddy ko, e.� Napanood ko ‘yon.� Magaling siya sa pag-portray ng character niya as Julio.”

Kumusta naman ang estado ng kanyang lovelife ngayon?� Parang wala pa siyang sunod na nakarelasyon matapos siyang maugnay kay Glaiza de Castro noon.

“Wala.� Wala.� Trabaho lang.

“Hindi ko lang siya hinahanap sa ngayon. Darating at darating din naman ‘yon, e.

“Kapag hinahanap mo, mas laong hindi mo mahahanap ‘yon, e.”

Kahit pareho silang nag-aartista ng kakambal niyang si Dominic, hindi naman daw sila nagkakaroon ng sibling rivalry. �

Nananatiling maganda ang samahan nilang magkapatid.

“Ang maganda sa may kakambal, may kakampi ka parati.� Hindi ka mawawalan kahit ano ang sasabihin mo.

“Iba ‘yong bonding ng magka-kambal, e. And nakasuporta lang kami lagi sa isa’t isa.”

Hindi rin daw siya nakakaramdam ng professional jealousy kahit sa ngayon ay mas maraming nagagawang projects si Dominic.

“May contract kasi siya, e.� Under contract siya ng GMA.”

Kumusta ang kanilang relasyon sa daddy nila?

“Okay lang.”

Do they get to see often?

“Barely.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN