After helming One More Chance sequel, director is asked: will John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo movie sequel follow?

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo (both in photo) as Popoy and Basha in director Cathy Garcia-Molina's certified box-office hit One More Chance, which was shown in 2007.



Certified box-office hit ang pelikulang One More Chance nang ipinalabas ito noong 2007.

Dahil dito, naging bukambibig ang mga pangalang Popoy at Basha, ang mga karakter na ginampanan nang mahusay nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Kahit noon pa lamang, marami sa mga fans nina John Lloyd at Bea ang nagtanong sa posibilidad ng pagkakaroon ng sequel sa kanilang love team.

Ngayong kumpirmado nang ipapalabas sa November 25 ang A Second Chance, sequel ng One More Chance, matutuloy na kaya ang matagal nang inaasam na “forever” ng Popoy-Basha fans?

Ayaw na sanang buhayin pang muli ni Direk Cathy Garcia-Molina, direktor ng One More Chance at A Second Chance, ang kuwento nina Popoy at Basha.

Inamin ito ng direktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang panayam sa set ng A Second Chance kamakailan.

“Nagdalawang-isip ako. Actually, ayoko talaga.

“I thought tama na yun. Tama na, tama na yung success ng movie.

“Tama na yung kuwento na naibigay natin kila Popoy at Basha. Okay na yun.

“There was really one movie lang na I really wanted to do, an anatomy of a marriage.

“Parang when we are thinking about it, when we were creating the characterizations, parang naisip ko, 'What if marriage na lang ni Popoy at ni Basha ang ikuwento ko?'

“Tinanggap ng management. They gave it a go signal. Nabaliw na ako after that.

“Me and my big mouth! Bakit ko ba tinanong? Bakit ko ba na-suggest? Bakit ko ba naisip? Ngayon, di na ako maka-back out. So hayun.”


GENERATION MOVIE. Para kay Direk Cathy, ang A Second Chance ang isa sa mga pinakamahirap na pelikulang ginawa niya.

“Difficult, maybe the most difficult film that I did.

“When we did One More Chance, we just wanted to tell another love story.

“Sobrang suprising na natanggap siya ng marami even long after it has been shown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagugulat ako na may mga kabataan ngayon who will come up to me, telling me that it was their favorite.

“And I would be thinking na, 'Sandali, parang mga bata pa kayo noon, so paano ninyo napanood?'

“Even though ngayon lang nila napanood yun, nagustuhan siya.

“Some will call it a generation movie.

“Kumbaga, ang laki na ng naabot ng pelikulang yun.

“Doing a sequel to it is actually a very big risk kasi hayun na siya, e.

“Narating na niya ang puwede niyang marating.

“Ngayon, pag dinadagdagan mo, it’s either you fail them or mas maganda.

“Siyempre, we would always want na sana mas maganda. Pero sobrang hirap yun na gawin kasi yung expectations na yun, sobrang taas.

“Siyempre ganun naman. Kapag may binigay kang maganda, ine-expect na yung susunod, mas maganda dapat. And if you fall short of it, patay na.”


ACTING CHALLENGE FOR BEA AND JOHN LLOYD. Ayon kay Direk Cathy, matagumpay na nagampanan nina Bea at John Lloyd ang roles nila sa A Second Chance.

Pero may mga eksena kunsaan nahirapan silang ibigay ang mga hinihingi ng kanilang karakter.

Patuloy pa ni Direk Cathy, “Alam naman nating lahat na magaling na yung dalawa, dati pa.

“This is a bigger challenge for them because they are going to embark on a point in their lives that they have not taken in their personal lives.

“They were never married, so I posted as a challenge to the both of them na I know that this going to be very difficult.

"Hindi pa sila kinasal ever, hindi pa nakipag-live in talaga nang matagal. So this is kind of alien to them.

“Naka-rely lang sila sa script. Naka-rely lang sila sa akin at sa mga kuwento ng mga magulang nila, ng mga pamilya at kaibigan na kinasal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila, as first-hand experience, wala pa.

“So malaki ang hinihingi ko sa kanila na pag-arte, pag-perform. Kasi definitely, iaarte nila 'yan at alam mo naman tayo, ayaw natin na umaarte sila.

“Yes, ano lang, di ganung kadali.

“Parang you will say na, 'Bitin tayo, kaunti pa, dagdag pa.'

“Tapos, ie-explain mo maigi, ikukuwento ko sa kanila yung buhay.

"Huhugutin mo, ihahawig mo, mag-e-example ka nang hawig sa kanila na emotions.

“Ganun siya katrabaho. Kasi ipapaintindi mo sa kanila ang isang bagay na di pa nila napagdaanan. So mahirap.”



UNMINDFUL OF ACCOLADES. Kahit na itinuturing siyang isa sa mga pinaka-matagumpay na direktor sa local showbiz, inamin ni Direk Cathy na hindi siya kumportable sa ganitong titulo.

“Sobra. Minsan I don’t like yung naitatabi sa pangalan mo [ang titulo] kasi lumalaki ang expectations sa bawat pelikula na gagawin mo.

“Parang you have to live up to the name, na pag di mo naman tinanggap baka sabihin, 'Ano ba naman ito, binibigyan ka na nga ng credit tumatanggi pa?'

“Ang hirap niyang tantiyahin kung paano ko tatangapin.

“Natutuwa ako. Sino ba naman ang di matutuwa na tinatawag kang ganun?

“Pero at the same time, nahihiya ka kasi iniisip mo, 'Talaga ba? Baka naman nagkataon lang?'

“Ngayon, malaking ano... kasi nagpahinga ako, nag-soap ako for a while.

“After more than a year, ngayon lang uli ako nag-pelikula.

“Ganun din naman si Lloydie. Ang huli niya ay ang The Trial na di rin love story. Ngayon lang uli, ang huling-huli naming It Takes A Man and a Woman with Sarah [Geronimo], 2012. Matagal na.”


WILL LLOYDIE-SARAH SEQUEL FOLLOW SUIT? Ngayong may sequel na ang One More Chance, nabuhayan ng loob ang mga tagahanga ng mga pelikula nina John Lloyd at Sarah Geronimo na baka ituloy na rin ang fourth installment ng mga pelikulang pinagtambalan nila: ang A Very Special Love, You Changed My Life at It Takes A Man and a Woman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Direk Cathy, “Of course, sabi nga, puwede naman laging dugtungan.

“Puwede naman talaga. Sila naman siguro ang mag-asawa ngayon, or may anak na.

“But as to when, that I cannot answer. Di natin masasabi 'yan, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN