Vilma Santos on movie with Angel Locsin: "Salbahe ako diyan."


Tuloy na ba na ang pagpalabas ng pelikulang All of my Life nina Vilma Santos at Angel Locsin sa January 2016?

Sagot ng gobernador ng Batangas, “Gusto ng star Cinema, opening salvo nila for 2016. Pero pipilitin.

"Pero kasi, in a way, in a way, ako rin ang may kasalanan. Kamukha ng mga weekend na ‘to na dapat shinu-shooting ko pero hindi ko magagawa.

Darating sila Mar Roxas sa Friday, November 6, na dapat ay schedule sa shooting yun.

“'Tapos next weekend naman na dapat mashu-shoot ko yun, may mga activities ako sa Lipa kasi tatakbo nga ako.

"Aanakin ko yung apo ni Mother Lily [Monteverde], na hindi ko naman di puwedeng pagbigyan si Mother kasi may mga scholars siya rito sa Batangas. Yung ganoon ba."

Mahigit kalahati na raw ang na-shoot nila.

"May mga, pero ano na rin naman kami sixty percent. So kung may naiiwan, forty percent pa.

"Pero siyempre, may post [production] ‘yan, e. I-edit pa ‘yan. Pero ang alam ko naman, ang sabi ni Bb. Joyce Bernal, yung mga nakunan namin ine-edit na.

“Mabilis din siya, ine-edit na niya. Kaya ibig kong sabihin, less trabaho na yun kung gusto talagang maihabol. So yun lang.

"Medyo aligaga lang ako sa schedule talaga kasi may mga in-between na, e.”

Sa tagal niya sa industriya at sa blockbuster movies na nagawa niya, nakakaramdam pa ba siya ng pressure lalo pa't tila malaki ang expectation sa kanilang movie?

“Uy, sobra naman. Hindi naman. Pero maganda, something new. Baka mainis kayo sa akin diyan.

"Salbahe ako diyan.

“Ah, inspired ng ano Devil Wears Prada. Inspired but may twist din, pero ganoon din.”

Totoo ba na hindi pa nakukunan ang malalaking eksena nila sa All of My Life?

“Yung mga dulo e ang lalaki pa. May sa dulo pa na heavy [scenes].

"At saka may isa pang kukunan, yung opening na mga naka-gowns sa Cultural Center of the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Yan pa ang malalaking naiiwan.May mga naiiwan pang madugo.”

PRIORITY. Pagkatapo ng project na ito, hindi muna raw tatanggap si Vilma.

“Wala akong ini-entertain. Wala muna. One at a time.

"Wala muna ako’ng ine-entertain. Hindi ko nga matapus-tapos yung movie e di ba?

“Yun na muna, one at a time. Tingnan na lang muna natin.

“Uhm, let’s just hope for the best. Ayaw ko’ng magplano kasi 'tapos magkakagulu-gulo.

"Kamukha noon ine-expect ng Vilmanians meron akong pelikula this year pero, hindi na umabot, e. And then, next year na natin yung movie.”

Until when puwede siya puwedeng lumabas sa pelikula at product endorsements niya?

“Ang alam ko ang Congress, March, e.

"March talaga ang [start] ng campaign ng local, e. Kaya kung makakaya pa ‘yan [movie with Angel] na ipalabas ng January or February, baka kaya pa kasi March ang hinto.

"Pero ang national, February."

FAVE MOVIE OF SON RYAN. Napag-usapan din ang film restoration ng ABS-CBN, ano ang masasabi ng mga anak niyang sina LUis at Ryan? Napanood ba nila ang old movies niya?

“Siyempre naa-amuse sila, definitely.

"Pero tanungin mo si Ryan kung ano ang paborito niya na pelikula ko.”

Ano?

Darna,” ngiti ni Gov. Vi.

“Naa-amuse siya, siyempre wala pa siya noon, hindi ko pa siya pinapanganak.

"Sabi niya, ‘Mom, I didn’t expect Mom that you will be a heroine someday. You’re a hero Mom.'

“Amused na amused siya sa Darna ko. Parang ang feeling niya, superwoman ang nanay niya, hahaha!”

Naganap ang panayam na ito sa birthday party na inihanda ng kanyang constituents sa Kapitolyo ng Batangas sa mismong araw ng kanyang karawan noong Nobyembre 3.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN