Director on John Lloyd Cruz-Bea Alonzo tandem circa 2015: ''They are different, and better.''

Direk Cathy Garcia-Molina says John Lloyd Cruz and Bea Alonzo have a matured a lot as actors since their One More Chance days: "In terms of acting, they're so different now. They've improved, yes, but more than improved—they're different."



Pagkalipas ng walong taon, muling masisilayan sa wide screen ang tambalang Popoy at Basha na ginampanan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, respectively noong 2007 sa Star Cinema blockbuster na One More Chance.

Sa sequel nitong A Second Chance, muling mapapanood sa mga sinehan simula November 25 ang karugtong na kuwento ng pag-iibigan nina Popoy at Basha.

Marami ang naniniwalang nagtagumpay ang One More Chance dahil sa husay ng direktor nitong si Cathy Garcia-Molina, na siya ring nagdirek ng sequel.

Dahil tungkol sa second chances ang kuwento nito, naitanong sa mga miyembro ng cast, pati na kay Direk Cathy, kung ano ang dahilan upang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang nabigong pag-ibig.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Cathy sa prescon ng pelikula sa Dolphy Theatre ng ABS-CBN noong November 19.

Bungad ni Direk Cathy, "Oh, I believe that everybody deserves a second chance, a third, a fourth.

"Lahat kasi tayo ay nagkakamali, dahil tao lang tayo, e.

"So, bilang tao lang, hangga't dun ang pagmamahal mo, dapat patawarin mo, at bigyan ng pagkakataon—bagong pagkakataon, di ba?"


HURDLING THE CHALLENGE. Inamin ni Direk Cathy na nahirapan siya sa paggawa ng pelikula.

"Kasi nga, yung One More Chance, marami naman po ang nagmahal.

"Marami ang lumapit sa amin, para sabihing nagustuhan nila ito.

"And given that, it is so hard to think of a story that could at least equal the love story that we have given you.

"And it's not easy at all. And, in fact, it's very hard.

"Kami, I consider this as the hardest of all my films."

Medyo tumahimik muna siya sandali bago sinabing, "Sobrang hirap, sobrang hirap talaga.

"Kasi, ang expectations ay parang lampas-ulo na matangkad pa sa amin.

"E ako, ang goal ko, ay sinabi ko 'yan na... mangalahati man lang sana sa expectations niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, di ba, ang bawat pelikula ay para 'yang beauty, e.

"'It's in the eyes of the beholder.'

"As much as we want to give you the story you want, as much as we want to give the best we can, sometimes, hindi lahat ay nagugustuhan.

"Di ba minsan, bawat isa sa inyo ay may expectations? At yun ang pinakamahirap para sa amin.

"Dun siya mahirap. Kasi kami, lahat ng ginawa namin dito ay iisa lang ang gusto namin—ang dugtungan ang kuwento ni Popoy at Basha.

"Sana ay maibigan niyong lahat."


WORKING WITH POPOY AND BASHA CIRCA 2015. Paano mailalarawan ni Direk Cathy sina John Lloyd at Bea noong ginawa nila ang first installment ng pelikula, at ngayong natapos na nila ang Ang Second Chance?

Pabirong sabi ng box office director, "Eight years ago, ang tataba po nila.

"Naalala ko, ang unang film ko ay Close To You. Ang lente ko ay 85. Pero di ko magamit kasi ang taba [pagtukoy niya kay John Lloyd, na kilala rin bilang Lloydie].

"Tapos ang kuwento, di naman dapat mataba ang character. Ginawa ko na lang po na tabatsing.

"Pero in terms of acting, they're so different now.

"They've improved, yes, but more than improved – they're different."

Mas malalim na bang umarte sina John Lloyd at Bea ngayon?

Pagsang-ayon ni Direk Cathy, "Yes, yes. At dapat lang naman.

"Eight years after, maloka naman ako, kung wala silang ikina-mature, di ba?

"They took the roles differently, although. mahirap sa amin, kasi nga never been married yung dalawa.

"At yung kuwento namin is about a married couple. So it takes a lot of kuwentuhan, relate sa iba, para maisabuhay nila yung characters nila.

"But, they're different.

"Si Lloydie, hindi ko na minu-motivate halos. Hardly.

"Si Bea, ganun din. Konti."

Dugtong pa ni Direk Cathy, "Si Lloydie pala, halos di ko na minu-motivate. At si Bea, madalas ko nang nakakausap ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Bea, we have grown closer now.

"In fact, nagulat ako nung sabihin niya, 'Direk, hindi mo na ako kinausap, alam mo ba?'

"Hindi ko alam. Hindi ko alam na I never talked to her one-on-one.

"I never realized until I did this movie.

"Si Lloydie naman, di ko na kinakausap. Nagsawa na rin kami. Hahaha!

"Pero hindi... ano, relationship-wise, nothing has changed. But they're different now.

"I don't know, I can't explain.

"Maybe it comes with maturity. It comes with age. It comes with experience, but they are different, and better."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN