General Emilio Aguinaldo biopic to be shown again on December 2


Pagkatapos maging matagumpay sa box-office ang pelikulang Heneral Luna, tila na-inspire ang mga dating gumawa ng biopics na ipalabas muli sa mga sinehan ang kanilang pelikula.'

Isa na rito ang El Presidente, na tumalakay sa buhay ni General Emilio Aguinaldo, na unang ipinalabas sa Metro Manila Film Festival noong 2012.

Bida rito si Jeorge "E.R." Estregan at idinirek ni Mark Meily.

Simula sa December 2 ay mapapanood ang Director's Cut ng nasabing pelikula gamit na ang titulong General Emilio Aguinaldo: The First Philippine President.

Sa mga nakapanood ng Heneral Luna, naging negatibo ang imahe ni Emilio Aguinaldo na ginampanan naman ni Mon Confiado.

Ngunit sa pamamagitan ng pelikulang General Emilio Aguinaldo—na may labing-apat na taong extensive research, new factual dramatization, fast-paced action sequences at actions—makikita raw ang ibang bersiyon ng pangyayaring ito sa kasaysayan para mas ma-educate pa ang henerasyon ngayon.

Ang General Emilio Aguinaldo ay Graded A ng Cinema Evaluation Board at nanalo na ng 44 awards locally and internationally; kabilang na ang Best World Showcase Film at Soho International Film Festival sa New York City.

Mayroon ding 50% discount sa lahat ng estudyante at guro na magpapakita ng kanilang ID sa mga sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN