Former comedian Dinky Doo to debut as film director; narrates how he overcame sickness and financial slump

Dinky Doo recounts inspiring story about how he recovered from sickness and a financial slump. What inspired him to do his directorial debut via the movie One Day Isang Araw, I Saw Nakakita? “Through my experience with Ronnie Ricketts. Siya yung mentor ko, e. Siya yung nagga-guide sa akin.”



Excited ang komedyanteng si Dinky Doo sa kanyang directorial debut, ang pelikulang One Day Isang Araw, I Saw Nakakita.�

Bida rito ang discovery niyang seven-year-old actress na si AJ Ocampo.

“Trilogy yung pelikula. Comedy, action, at drama na puro si AJ ang bida,” pahayag niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City noong Biyernes, November 27.

Dugtong ni Dinky, “Yung first episode na comedy, kasama ako sa cast. Tatay ni AJ ang role ko.

“Drama naman yung second episode. Co-star naman niya sina Allen Dizon, Lara Quigaman, at si Ana Feliciano.

“Yung ikatlo na action, sina John Regala naman, Janelle Jaimer, at Nino Muhlach ang kasama ni AJ.

“Magkakaroon kami ng libreng screening sa December 2 sa Meralco Theater.

“Gusto kasi ni AJ na mag-invite ng mga bata mula sa isang orphanage para i-treat niya na manood ng pelikula and at the same time ay mabigyan niya ng maagang pamasko.”


MOTIVE. May pressure bang nararamdaman si Dinky sa pelikulang dinirek at kino-produce niya?

Sagot niya, “Alam mo, hindi kami after doon sa kumita, e. After kami doon sa bata [AJ] na ma-expose siya at makatulong.

“Yung mga magulang kasi niya, partners ko sa franchising.

“Minsan, napag-usapan namin na yung anak daw nila kasi hilig na mag-artista.

“Nasabi ko…'O sige, let’s try na gawan siya ng launching movie na partner tayo as producers.'”

Tuluy-tuloy na ba ang pagdidirek at pagpu-produce ni Dinky ng pelikula?

“Hopefully. God willing. Nandiyan na ‘yan, e," tugon niya.


PREPARATIONS FOR DIRECTORIAL DEBUT. Anong paghahanda ang ginawa ni Dinky sa unang pagsabak sa pagdidirek ng pelikula? Nag-aral ba siya ng filmmaking?

“Through my experience with Ronnie Ricketts. Siya yung mentor ko, e.

“Siya yung nagga-guide sa akin. Di ba, lahat ng pelikulang ginawa namin?” paalala ni Dinky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Dinky sa maraming mga isyu tungkol kay Ronnie nang bitawan niya ang pagiging chairman ng Optical Media Board (OMB)?

Tugon ni Dinky, “Masyadong straight si Ronnie Ricketts kaya yung mga nandoon sa ano… alam mo na, gagawan siya ng mga issue. Pero wala talagang ano.

“Ang nangyari kasi, pinasok siya ng mga virus sa loob ng ahensiya. Pinanggigigilan siya, e.

“Ngayon na wala na nga siya, pinanggigigilan pa rin. Itinutuloy pa rin yung issue sa kanya.

“But they cannot put Ronnie down, kahit ituluy-tuloy nila yung issue na 'yan.”

Matalik na kaibigan ni Dinky si Ronnie. Kaya suportado niya ang pagsabak nito ngayon sa politika.

Saad ni Dinky, “Nitong bago ako umalis papuntang Amerika, ako ang kinuha niyang host para sa soft launching ng kanyang kandidatura. He’s running for congressman sa Muntinlupa.”


OVERCOMING FINANCIAL SLUMP. Nakakatuwa na naka-recover na si Dinky ngayon, hindi lang mula sa pagkakasakit kundi maging sa financial aspect ng buhay niya.

Nabalda si Dinky noong 2009 dahil sa severe arthritis. Ito rin yung panahong bagsak talaga ang kabuhayan niya.

“Bedridden na ako that time. Pakiramdam ko wala na ako dahil baldado na ako.

“Naranasan ko na wala nang pambayad sa renta ng apartment na titinirahan ko at minumura na ako ng mga owners. Nandiyan na matanggalan ako ng metro ng Meralco,” pagbabalik tanaw niya.

Paano siya naka-recover?

Kuwento ni Dinky, “Basta ako, nilabanan ko siya. Ayoko nung parang namamalimos ako o binibigyan ng donasyon.

“Gusto ko ilaw. Gusto ko trabaho pa rin kasi kapag nagpatali ako sa ganoon [sa kanyang sakit] wala na, matutuluyan na ako.

“Na-Wish Ko Lang ako. Na-frame up ako ni Nadia Montenegro at Ronnie Ricketts.

“Akala ko show sa Channel 7 na magdya-judge ako ng isang comedy show na bagong show. Iyon pala… Wish Ko Lang na.

“Bandang dulo, nandoon na yung iba pang artista. Nandun si Tia Pusit, si Tado, Sammy Lagmay, at Si Mang Dolphy na… lahat sila ngayon patay na.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSPIRING RECOVERY. Taong 2011 nang bahagyang nag-recover si Dinky at nabigyan ng pagkakataong makalabas sa ilang programa ng GMA-7.

Nagtrabaho rin siya para kay Ronnie noong OMB chairman ito.

Pagmamalaki ni Dinky, “I’m his spiritual adviser at saka ako yung sa mga advocacy na anti-piracy. Nagpupunta kami sa mga schools to educate the students not to buy the pirated na mga DVDs at CDs.

“Pero parang ang nangyayari sa akin noon ay isang kahig, isang tuka pa rin.

“Nitong 2015, na-meet ko si Eric Tan, yung may-ari ng franchising ng mga food carts ng The Filpino Dream [Pinoy Pao] na nagpabago ng buhay ko.

“Dito nag-start ang blessing ko. Kumuha ako ng worth P60,000 na franchise.

“May kasama na siyang food cart. May siomai at siopao steamer na siya. May libreng uniform at seminar para do’n sa magbebenta sa food cart.

“Iyon ang traditional business na ibinigay ko sa biyenan ko na mahal na mahal ako.

“Yung non-traditional, yung nag-invite ako ng dalawang tao. Isa rito si Allen Dizon na nagustuhan yung negosyo

“Doon nag-explode ang business ko kasi nag-invite din si Allen ng mga negosyanteng may puso na gustong trabahuhin ito. Ngayon, maganda na ang takbo ng pagpasok ko sa The Filipino Dream.

“Nakabili na ako ng bahay sa Avida Residence. Tapos, may nakuha na rin akong dalawang unit sa condo building na malapit sa SM North.

“Binigyan pa ako ng company ng BMW 5 Series na kotse. And then galing din ako sa America kailan lang, dahil ipinadala ako ng kompanya to introduce The Filipino Dream sa mga Pilipino doon.

“Na imbes na pera ang ipadala sa mga mahal sa buhay dito sa Pilipinas, turuan na lang na mag-negosyo. Itong TFD food cart na lang ang ibigay nila.”


TURNING HIS SUCCESS STORY INTO A MOVIE? Inspiring ang kuwento ng mabilis na tagumpay ni Dinky sa negosyo. Puwede itong pampelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya niyang balita, “Actually, may plano na ako para diyan. Talagang pag-iipunan natin at may awa ang Diyos, e, gagawin natin.”

Sino ang gusto ni Dinky na gumanap bilang siya?

“Si Dennis Padilla o kaya si Bayani Agbayani. Kasi may mga similarities kami,” sagot ni Dinky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN