Arci Muñoz recalls her nervousness while working with John Lloyd Cruz

Arci Munoz on her experience working with John Lloyd Cruz in A Second Chance: "Sobrang kalmado niya. Grabe, ang galing niya talaga! Talagang sa mata... alam mo yung wala siya masyadong galaw, tapos mata lang talaga."



“Basang-basa yung kamay ko tapos nagkukuyakoy ako.”

Ganito inilarawan ng 26-year-old actress na si Arci Munoz ang reaksiyon niya bago kunan ang eksena nila ni John Lloyd Cruz para sa pelikulang A Second Chance.

Inamin ni Arci na nag-audition siya para sa role niya sa blockbuster film.

“Sobrang thankful ako kay Direk Cathy [Garcia], sa Star Cinema, sa napakagandang opportunity na ibinigay nila sa akin.

“Utang na loob ko yun lahat kay Direk Cathy.

“Nag-audition ako doon.

“Akala ko hindi ako makukuha kasi parang after a month pa nila ako sinabihan, as in walang abiso after ko mag-audition.

“Parang, ‘Oh my gosh! Hindi na 'ata ako nakuha kasi na-late ako sa audition!’

"Dahil galing ako sa shoot, tapos yun tinawagan niya ako, ‘Inip ka na ba?’ sabi niya [Direk Cathy].

"'Akala ko po hindi na ako nakuha, e.'"

Sabay sabi ni Direk Cathy, ‘‘Ano, mag-shoot na tayo next week?’’

“Waaah! Thank you, thank you talaga!”

Ikinuwento rin ni Arci ang experience niyang makatrabaho sina John Lloyd at Bea. Si Arci ang gumanap bilang former co-worker ni John Lloyd at magtatagpo ang kanilang landas muli sa A Second Chance.

Na-pressure ba siya sa mga makakasama niya sa pelikula?

Aniya, “No, I was really surprised. It was so easy to work with all of them.

“Even with John Lloyd, nung ka-eksena ko siya siyempre, ‘John Lloyd!!!’

“Basang-basa yung kamay ko tapos nagkukuyakoy ako.

“Sabi ni John Lloyd, ‘Okay ka lang?’

Sagot ni Arci, “Kinakabahan ako, e. Parang siya, ‘Ha, bakit?’ Tapos sobrang kalmado niya. Grabe ang galing niya talaga.

“Talagang sa mata, alam mo yung wala siya masyadong galaw tapos mata lang talaga.”

Kinuwento ni Arci na matapos nila makunan ang eksena ay napansin ni John Lloyd na kinabahan siya talaga.

Sabi ni John Lloyd, “Ayun na kinakabahan ka na talaga dahil nagkukuyakoy ka na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E nag-take na kami sabi niya, ‘Hindi ka naman mukhang kinakabahan ah?’

“Parang ako, ‘Ha? E, pawis na pawis nga yung kamay ko.’

“Siyempre John Lloyd yun, kung naka-take two nakakahiya naman talaga.”



ON BEING A MUSICIAN. Bukod sa pag-arte ay aktibo rin si Arci sa kanyang music career.

Kasalukuyang vocalist si Arci ng rock band na Philia. Busy man siya sa kanyang teleseryeng Pasion de Amor ay hinahanapan naman niya ng oras ang kanyang music.

Paano niya ba pinagsasabay ang acting career niya at ang love niya for music?

“Oo, naman siyempre hindi ko kayang iwan yun. Alam mo naman na love ko yung banda ko, love ko yung music ko.

“If you want something, you’ll always find time, di ba?

“Parang relasyon lang yan, e. Sa boyfriend mo pag busy ka, hindi pwedeng iwan ka niyan.

“Parang yung mga 'boys' ko, my brothers, my bandmates, I always make time because that’s what we love doing.

“That’s like our bonding talaga. Making music for nine years we’ve been doing that.

Ano nga ba ang mas lamang sa kanya ang pag-arte o ang pagkanta?

“Pantay naman, pantay kasi pareho ko naman gustong gawin yun, e."

“Hindi pwedeng isa lang and if you can do both at the same time why not, di ba?

“Yun talaga lagi ko iniisp, e, kaya naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN