Director Chris Martinez travels with his stars for "100"


Mylene Dizon and Chris Martinez shoot one of the moving scenes of 100, which is one of the ten full-length films competing in Cinemalaya 2008.



Si Chris Martinez ay isang mahusay at award-winningscreenwriter, theater director, playwright, commercial director, atauthor. At kahit siya mismo'y aminadongit's about time na maging direktor na rin siya ng pelikula.

Pinatawa niya ang mga manonood sa kanyang screenplays ng BridalShower nina Dina Bonnevie, Diana Zubiri, and Francine Prieto (2004) at BikiniOpen ni Cherry Pie Picache (2005). Natakot tayo sa likha niyang Sukob nina Kris Aquino at ClaudineBarretto (2006) and ang pinakahuli ay ang blockbuster Star Cinema film na Caregiverni Sharon Cuneta this year.

Bilang playwright, nag-wagi siya ng Palanca Memorial Awardsfor Last Order sa Penguin, Welcome to IntelStar, and Our Ladyof Arlegui, at ang prestihiyosong NCCA Grand Prize for Ars Poetica.

As theater artist, he directed the stage adaptation ngnakakaaliw na Temptation Island, the call center monologue Welcome toIntelStar, and he adapted Zsa Zsa Zaturnnah, Ze Muzikal ni EulaValdez, na super-hit sa larangan ng teatro.

His first short film, Bakas, won him a CCP Award forAlternative Filmmaking. He is also the author of Laugh Trip and Last Order saPenguin, which earned a National Book Award nomination.

For a living, he directs TV commercials. Ang latest na nagawa niya ay ang BearBrand Choco TV commercial ng best friend niyang si Eugene Domingo. Pagkataposng kanyang maraming proyekto, may pelikula na rin sa wakas si Chris Martinez.

Ito ay ang 100, na kabilang sa sampung full-lengthfeature films na currently showing sa Culutral Center of the Philippines (CCP),sa 4th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Bida sa pelikula si Mylene Dizon bilang isang babaeng maycancer at ano ang gagawin niya sa kanyang buhay sa loob ng 100 days bago siyamamatay. Kasama rin sa pelikula sinaEugene Domingo at Tessie Tomas.

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) siDirek Chris, na very proud sa kanyang unang-unang pelikula as a director. Umani ng malakas na palakpakan sa galascreening nito sa CCP Main Theatre no'ng gabi ng Martes (July 15).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa stars, dumalo rin dito sina Mother Lily Monteverde,Direk Maryo delos Reyes, Direk Gil Portes, talent managers Manny Valera at Bibsy Carballo, Ricky Davao, ang ex-boyfriend ni Mylene na si Paolo Paraiso,at iba pa.

Kumusta nga ba ang experiences ni Direk Chris as first timedirector?

"Noong una, overwhelming, but as we go along, nagsimulana akong i-enjoy every minute of it. Sabi ko nga sa sarili ko, 'I should havedone this a long time ago.'

"Kasi, ang 100 is a ‘big' movie, kahit naindependently produced siya. We have a lot of locations like Mt. Pinatubo,Bolinao, Manaoag. Umabot pa kami ngHong Kong. From the start, my vision for the film was to make a piece namagiging unforgettable experience for the audience. I wanted them to feel and sense what Joyce (Mylene's character)goes through the last three months of her life.

"So, talagang careful ako na paganahin lahat ng sensesng makakapanood. As a first-time director, I can say I am proud of my firstfilm. Nagpapasalamat naman ako at marami ang naka-appreciate."

How was it working with Mylene Dizon, na isa sapinakamagagaling na aktres sa kanyang henerasyon?

"Mylene has always beenour first choice. Actually, silang tatlo: Mylene, Eugene and Tessie—lahat silafirst choice ko. So, talagang happy ako that I got the actresses I wasenvisioning for the roles from the time of conceptualization and scripting.

"About Mylene, of the three actresses, siya 'yungparang hindi ko naman talaga kilala from the start. I haven't even seen any ofher films either, minsan nakikita ko siya sa TV. But I wanted her for the rolekasi may aura talaga siya ng strength which the character really calls for.Kumbaga, natural kay Mylene maging ‘astig' and that's what I wanted. And shedelivered tremendously.

"I was surprised by the emotions she can convey withthe smallest gestures and nuances that come out from her. I am more than happywith Mylene," papuri ng writer-director-producer sa kanyang lead actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman si Tessie Tomas, who plays Mylene's mom?

"Tessie is so committed to the role. At saka artist talaga siya. Shetakes acting seriously. I appreciate our talks and discussions before and afterthe take.

"The joy of working with her is that I also learned alot about the actor's craft. What's great about this movie is that I was ableto stretch and display her range—A to Z and back to A ang acting range niTessie Tomas dito. Buong buo at natural na natural," patungkol naman niDirek Chris sa beteranang actress-comedienne.

Ano naman ang masasabi niya tungkol kay Eugene Domingo? Kamakailan lang ay nanalo siya as Best Supporting Actress sa PMPC Star Awards for Movies atGolden Screen Awards for Pisay.

"Best friend ko 'yan. I have known Eugene since we were 'kids' saUP [University of the Philippines]. I have written and directed a lot of plays for her.

"Kumbaga, Eugene has always been my 'muse,' aninspiration. Sobrang versatile 'yan. She is always effective in all the rolesthat she tackles. At times, nagtataka na lang ako kung saan niya nahuhugotlahat ng emosyon niya.

"In 100, Eugene is the ‘heart' of the story. Sheis the emotional center of the film—her character takes the audience throughJoyce's last journey. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit in demand na indemand 'yang kaibigan kong 'yan—masarap katrabaho, very professional, matalino,supportive at masayang kasama sa set! All I can say is, I am so lucky to besupported by these three great actresses!" masayang pagtatapos ni DirekChris.

Ang iba pang natitirang schedule ng screening ng 100sa CCP ay July 17 (Thursday) 3:30 pm at 9:00 pm; at sa July 19 (Saturday) at3:30 pm at 9:00 pm.

Awards Night na ng Cinemalaya 2008 sa CCP ngayong Linggo,July 20, at bukas ito sa publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN