Max Collins regrets missing chance to work with Alden Richards in international movie to be shot in Qatar

Max Collins feels sad that Alden Richards has been replaced in the indie movie Footprints on the Moon: “Siguro nga everything happens for a reason. Sino ba naman ang ayaw makatrabaho si Alden ngayon, di ba? Wala namang panghihinayang because nakatrabaho ko naman na siya before pa. I guess that opportunity to work with him again, yun ang nakaka-miss.”



Masayang ibinalita ng Kapuso leading lady na si Max Collins na nagsimula na silang mag-shoot para sa international movie na Footprints on the Moon (Mga Apak Sa Buwan) na mula sa direksyon ni Jan Xavier Pacle.

Ang original title nito ay Remembering Ada.

Ayon pa sa website na rememberingada.com/blackbook:

Remembering Ada is a profound epic romance looking at the journey of love and how it can withstand the test of time.

“The couple Adeline Tanglao and Ethan Santos gave up the hope of seeing each other again, but never really gave up their love for each other when they were inevitably separated 50 years ago.

“It’s now up to Franz, an aspiring novelist to bring them back together and tell the story of the black book.”

Noong February 2014 pa nag-audition si Max para sa naturang pelikula at siya ang napili para sa lead role as Adeline Tanglao.

In-announce din last year na si Alden Richards ang makakasama ni Max sa naturang pelikula na isu-shoot sa bansang Qatar.

Gagampanan ni Alden ang role bilang ang novelist na si Franz Dimayuga.


ALDEN REPLACED. Pero bukod sa napalitan ang title, hindi na rin si Alden ang makakasama ni Max sa pelikula.

Pinalitan na siya ng indie actor na si Jess Mendoza.

“It’s my first time sana to work with Alden in a movie.

“Sa TV, nagkasama na kami sa Ilustrado and sa Sunday All Stars.

“When he was cast in the movie last year, he wasn’t as busy and as in demand tulad ngayon.

“Now, Alden is everywhere and his career really boomed because of Kalyeserye and his team-up with Yaya Dub [Maine Mendoza].

“I’m happy for what happened to Alden’s career. He is so blessed. Ang bait kasi ng taong ‘yan.

“He deserves all the blessings coming his way,” pahayag pa ni Max nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng PPL Entertainment last December 1 sa Bella Ibarra along Quezon Avenue in Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanghinayang ba si Max na hindi niya na nakasama ang Pambansang Bae sa isang international movie?

“Siguro nga everything happens for a reason.

“Sino ba naman ang ayaw makatrabaho si Alden ngayon, di ba?

“Wala namang panghihinayang because nakatrabaho ko naman na siya before pa.

“I guess that opportunity to work with him again, yun ang nakaka-miss.

“But it would have been nice to see Alden in an international movie,” ngiti pa ni Max.

Kasalukuyang nagsu-shoot na si Max at ang production team ng movie sa Ilocos Norte.

Sa second week of January 2016 ay lilipad sila to Qatar para mag-shoot ng mga eksena roon.


VIOLIN LESSONS. Para sa role niya as Adeline Tanglao, kinuwento ni Max na nag-aral pa siya tumugtog ng violin.

Sabi niya, “When I got the role, they told me that I have to learn to play the violin.

“So I hired a private teacher to really teach me how to play the violin flawlessly.

“Someone suggested that I watch the film Music of the Heart ni Meryl Streep because she played a violin teacher.

“Ang galing niya! You would really think that Meryl is a real professional violin player. And it only took her a month to learn how to play it.

“Hindi madali mag-violin. Kailangan tama ang galaw ng mga fingers mo at may tamang position parati. I am still learning.”

Tamang-tama lang daw ang pagsimula nila ng shooting ng pelikula dahil wala pang sinisimulan na bagong teleserye si Max.

Pero mapapanood naman siya sa gag show na Bubble Gang at sa weekly comedy series na Juan Tamad with Sef Cadayona.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN