"A Very Special Love" cast members visit Cebu City


John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo thrilled their fans when they performed for a mall show in SM Cebu yesterday, July 18.



Nakakabinging tilian at sigawan ang sumalubong sa mga bida ng A Very Special Love na sina John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo papasok nila sa SM Cebu sa Cebu City kahapon, July 18. Nagpunta sa Cebu ang love team para sa nationwide mall tour para sa promo ng pelikula nila mula sa Star Cinema sa pakikipagtulungan ng JSP Productions ni Josie Pereyra. Pagkalipas ng iilang minuto ay unang tinawag si John Lloyd sa stage at kumanta ng "Ngiti." Halos hindi na marinig ang pagkanta ni John Lloyd dahil sa napakalakas na hiyawan ng mga fans mula sa entertainment area sa ground floor hanggang third floor ng SM Cebu City.

Pagkatapos niyang umawit, si Sarah naman ang nagpakitang gilas with matching hiyawan ang di mahulugang karayom na crowd. At pagkatapos ay nag-duet sina John Lloyd at Sarah sa gitna ng nagkakagulong crowd. At this point, nahihirapan na ang mga security sa pagpigil sa mga fans na makalapit sa mga bida ng A Very Special Love. Ayaw paawat ng crowd.

Right after nilang anyayahan ang audience na manood ng movie, bigla na lang umakyat ang fans sa stage at dinumog sina John Lloyd at Sarah. Kahit na secure na sina John ng mga guards, hinintay pa rin niya ni Sarah na ma-secure at makapasok sa backstage ang pop star.

Pinahupa muna ang crowd bago umalis ng entertainment area sina John Lloyd at Sarah. Bago bumalik ng Manila ay nag-dinner muna ang dalawang bida at mga staff ng Star Cinema sa isang Thai restaurant sa SM Cebu City.

Mapapanood ang A Very Special Love ng Star Cinema simula July 30.

Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN