A Second Chance earns P442 million; John Lloyd-Bea-starrer considered highest grossing Pinoy non-MMFF movie of all time

A Second Chance was able to beat the record previously set by Starting Over Again. The Piolo Pascual-Toni Gonzaga movie passed the P400-million mark after a month in local cinemas. To compare, A Second Chance, starring Bea Alonzo and John Lloyd Cruz (in photo), achieved the same feat in just 10 days.



Record-breaking ang box-office gross ng A Second Chance na P442 million sa loob ng dalawang linggo.

Starring John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ito na ang tinuturing na highest grossing non-Metro Manila Film Fest movie of all time.

Ito ang in-announce ng Star Cinema sa thankgiving party ng romantic drama film directed by Cathy Garcia-Molina.

Ang previous record-holder para sa highest grossing non-MMFF Filipino film ay ang 2014 movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Starting Over Again. Naabot nito ang P400 million sa box-office matapos ang isang buwan sa local cinemas.

Kumita ang A Second Chance ng P400 million sa loob lamang ng 10 araw.

Samantala, ang record para sa highest grossing Filipino film of all time ay hawak ng MMFF 2014 entry, The Amazing Praybeyt Benjamin. The comedy movie na ito ni Vice Ganda ay umabot ng P456 million in 22 days.

Natalo nito previous record holder na Girl, Boy, Bakla, Tomboy, na entry rin ni Vice sa MMFF 2013.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kina Bea at John Lloyd sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound, hindi tinago ng dalawa ang labis na pasasalamat nila sa lahat ng nanood at tumangkilik sa kanilang pelikula.

Sa init nang pagtanggap sa pelikula, marami ang nagtatanong at umaasa na magkaroon ito ng third installment.

Good news ni John Lloyd, “Actually, pinag-uusapan na nila… according to the writers, they want to wait another eight [years].

“Sabi nga ni Ma’am Charo [Santos], ‘wag naman ganun katagal… hindi pa namin talaga alam.

“Kami naman ever since, tingnan muna namin kung ano ang pupuntahan, kung maganda ba?

“Kung tingin naming ay naniniwala kami, naniniwala lahat ng gagawa, bakit hindi?”

Dagdag ni Bea, “Ang exciting ng idea na mayrong pangatlo pero magdedepende yan… dun sa material na magagawa ng lahat.

“Sana, sana mayroon pa at sana hindi sa madaling panahon, sana after eight years uli.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL. Labis naman ang pasasalamat nina Bea at John Lloyd sa lahat ng nanood at tumangkilik sa kanilang movie na tungkol kina Popoy at Basha na ngayon ay mag-asawa na.

Ani John Lloyd, “Masaya kasi marami kaming napapasaya.

"Kung titingnan mo yun parang nagkakaroon ng higher purpose ang ginagawa mo.

“Hindi ka lang basta-basta nagre-report sa trabaho, di ka lang basta-basta bumabangon kahit mahirap.

“Parang it’s a good day para ma-appreciate ang trabahong ginawa mo.

“Di namin talaga ine-expect, kung hindi dahil sa mga nanood at nanood ng paulit-ulit…

“Ang dami kasing umulit, maraming, maraming salamat, hindi namin ito mararamdaman kung hindi dahil sa inyo.

"This is overwhelming, di namin mae-express kung ano ang gusto naming sabihin in words.

"But we really wanna thank you, Kapamilya, sa nanood at sa patuloy na nanonood.

"At sa lahat ng di pa nanonood, please don’t miss A Second Chance.”


AUDIENCE RAPPORT. Parehong naniniwala sila John Lloyd at Bea na mas matimbang pa rin ang materyal at istorya kaysa sa kanilang mga artista sa success ng kanilang pelikula.

Hayag ng aktor, “Sa totoo lang, mahirap talagang isipin… nakapag-contribute kami.

“Pero tingin ko, sinasabi ko ito ng walang pagbubuhat ng bangko ng kumpanya namin, kabisadong, kabisado na ng Star Cinema ‘yan, e.

“Kumbaga, tingin pa lang alam na nila, so you have to give it to them.

“Talagang ngayon alam nila kung paano kausapin ang audience, masuwerte lang na nagkataong kami ang nandito.”

Sangayon ni Bea, “Yung success naman ng bawat pelikulang ginagawa namin ay material driven.

“Nabibigyan kami ng magandang script, magandang theme para makagawa ng isang magandang pelikula.

“And I appreciate na sinusuportahan siya ng mga tao.

“Feeling ko isa sa mga rason niyan is Popoy and Basha being relatable to everybody.

“Ako kasi nakaka-relate ako kay Basha, yung iba kay Basha at kay Popoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And we’re very lucky na nabigyan kami ng ganito.”

PIRACY. Balita na napirata na ang A Second Chance kung saan inupload ang buong pelikula sa Facebook.

Komento ni Bea, “Nakakalungkot lang na mayroong ganun kasi pagnanakaw yun, di ba

“Sana wag nilang suportahan ang piracy.

Sabi pa ni John Lloyd, “Wala, e, masyado kasing maluwag tayo pagdating sa mga laws sa Internet.

“Kaya di talaga maiiwasang mangyari yun.”


STRESS RELIEVER. Sa laki ng kinita at magandang tinakbo ng 2015 para nkina John Lloyd at Bea, ano kaya ang regalo na gusto nilang ibigay sa kanilang mga sarili?

Ani John Lloyd, “Gusto kong mag San Benito farm, mag-detox at mag-relax, to cleanse. Kasi, di ba, at the end of the year ang ganda ng sini-symbolize nun, ang lahat ng negativity kasabay ng.. kala mo talaga mangyayari. Ideally that’s something I really want to do.”

Sagot naman ni Bea, “Wala pa, e. More time with my family. Vacation? Siguro next year pa kasi busy pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN