Gelli de Belen stars in her first indie film


Isa si Gelli de Belen sa mga artista sa pelikulang Si Tita Ang Nanay Ko.

Sina Andrea del Rosario at Nicole Dulalia ay kasama ni Gelli sa naturang indie film.

Directed by Jenny Pearl Ninalga, Si Tita Ang Nanay Ko ay entry sa Anak OFW Film Fest.

Pinakaunang indie movie ito ni Gelli sa buong showbiz career niya.

“And it’s my first film after mga twenty years 'ata,” at tumawa si Gelli. “Hindi naman, mga fifteen years or mga eighteen years!

“More than anything, naging interesado ako kasi dahil sa social relevance niya, yung plight ng mga OFWs.

“Kasi we take for granted… we only know yung nanay niya nagtatrabaho sa Riyadh o siya yung tatay na nagtatrabaho sa barko.

“It’s a norm sa ating society, sa ating kultura na ng Pilipinas.

“Nate-take for granted natin na alamin yung buhay at epekto nito dun sa mga naiiwan… na anak, asawa, kamag-anak.

“So this is a good venue for people to also be aware na, oo nga may pumapasok na pera pero eto naman ang kapalit.

“Maganda siya, it’s an eye-opener.”

Bakit sa tagal ng panahon ay ngayon lamang muli gumawa ng pelikula si Gelli?

“Bakit hindi,” at tumawa si Gelli. “Siguro ngayon lang talaga nagkaroon ng tamang timing, tamang opportunity, tamang offer.

“Oo, nangyari lang ang lahat.”

Isang overseas Filipino worker ang papel ni Gelli sa Si Tita Ang Nanay Ko, nag-interview ba siya ng mga tunay na OFWs?

“Ganito na lang, alam niyo naman na ginawa ko ang Face To Face, Face The People at lahat ng mga ganyan.

“So medyo marami-rami akong nakalap na kuwento mula sa mga pamilya ng OFW at OFW mismo.

“It’s within our society ’tsaka nagtingin-tingin din ako, kumusta ba yan, kumusta ba ang buhay talaga nila.”

Kasama rin sa Anak OFW Film Fest ang mga pelikulang ang A Better Life kasama sina Rich Asuncion, Gabby Eigenmann at Hyannah Estanislao; ang Pasaway Boys sa direksyon ng aktor na si Christian Vasquez; Confessions of Grace na bida sina Jade Lopez, Irene Celebre at Agatha Tapan-Galiza sa direksyon ni Logie Ninalga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Logie rin ang sumulat ng lahat ng short films na kasali sa naturang festival at ng Amboy’s Pigeon na bida si Daiki Ang mula sa direksyon ni Christian Halili.

Nagkaroon ng premiere screening ang mga pelikula noong December 10 at ang awards night naman ay ngayong December 15, 6 p.m. sa SM Megamall Cinema 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN