Aljur Abrenica wants to raise awareness about hero via biopic Hermano Puli set for mid-2016

Aljur Abrenica on Hermano Puli biopic: "I’m inspired to do this film to bring awareness. Sana mabigyan na rin ng final [answers] kung kelan siya ipinanganak, kung sino talaga siya, yung makilala talaga siya ng mga tao."



Masaya si Aljur Abrenica dahil sa wakas ay matutuloy na ang pelikulang Ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli.

Ito ay tungkol sa religious leader na si Apolinario dela Cruz. Mas kilala bilang “Hermano Puli” (also spelled as Pule), siya ay nagsimula ng isang religious revolt sa Tayabas (now Quezon province) noong 19th century.

Isa sana sa walong entries ang pelikulang ito para sa Metro Manila Film Festival ngunit hindi naituloy ang produksyon dahil sa pagpull-out ng kanilang producer.

Ipinakilala ng director na si Gil Portes ang bagong producer sa storycon ng pelikula.

Ang businessman na si Rex Tiri ang magpo-pondo upang maisapelikula ang talambuhay ni Hermano Puli. Si Rex ang may ari ng restaurant kung saan ginanap ang storycon ng pelikula. Bukod dito, siya rin ang nagproduce ng experimental drama film na Esoterika: Maynila na idinirehe naman ni Elwood Perez.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur, inamin nito na hindi niya kilala si Hermano Puli nang ibigay sa kanya ang role na ito.

Sabi ni Aljur, “When it was first introduced to me, hindi ko siya kilala pati yung nanay ko hindi din siya kilala…”

Kaya naman, nagbigay talaga ng oras ang Kapuso hunk na makilala ang karakter na gagampanan. Nitong nakaraang taon, inikot ni Aljur ang Quezon province nang tatlong araw upang mag-research tungkol kay Hermano Puli.

Pahayag pa niya, “It’s our profession, e. It’s like other jobs din naman, e. You research and I saw that in the character, kailangan mong puntahan kung saan siya nagmula, e.

“Kasi sa internet natin mismo, walang sapat na impormasyon, walang sapat na impormasyon para makilala mo si Hermano Puli.”

Kuwento pa ni Aljur, hindi rin masyado nagbunga ang kanyang pag-iikot dahil iba’t iba ang sinasabi ng bawat bayan sa Quezon tungkol kay Hermano Puli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Aljur, “Nung pumunta naman ako doon, may mga impormasyon pero hindi naman precise.

“Iba-iba sila ng sinasabi kada town nila, magkakaiba sila ng sinasabi at nararamdaman ko rin yung mga frustrations ng mga tao roon dahil binibigyan nila ng pansin pero ano, e, hindi nabibigyan ng awareness yung mga tao na ano ba talaga yung final.

Sa kadahilanang ito, naging inspirasyon rin ni Aljur na maipakilala sa sambayanang Pilipino si Hermano Puli sa pamamagitan ng pelikula ito.

Sabi pa niya, “So with this film, I’m inspired to do this film to bring awareness. Sana mabigyan na rin ng final [answers] kung kelan siya ipinanganak, kung sino talaga siya, yung makilala talaga siya ng mga tao.”

Nitong December, nagkaroon ng dalawang shooting day ang buong cast and crew ng pelikula. Itutuloy ang production nito sa pagbubukas ng kasunod na taon. Samantala, sa kalagitnaan naman ng 2016 ang target release date ng pelikula.

THE STORY OF HERMANO PULI. Sa kaniyang pagsisiyasat, napag-alaman ni Aljur na si Hermano Puli ang nagsiwalat ng katiwalian ng mga Espanyol na iba sa itinuturong nito sa Katolisismo.

Kaya naman, nararapat din kilalanin ang naiambag ni Hermano Puli sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol.

Kuwento ni Aljur, “Si Hermano Puli kasi, hindi nabibigay yung karapat-dapat na karangal sa kanya.

“Kung wala kasi si Hermano Puli, according po sa aking research, sa aking pagsusuri po wala pong lalabas na GomBurZa.

“Wala rin pong lalabas na Jose Rizal kasi siya yung unang-unang Pilipino na nagkaroon ng intelektuwal para maintindihan talaga ang turo ng Katolisismo mo.

“Ang turo ng Katolisismo na inimpluwesiyahan sa atin ng Espanya, siya yung unang Pilipino na tumiwalag at nagkuwestiyon sa trato sa atin ng mga Espanyol.

“Kasi ang Bibliya natin noon ay Latin, e, so kapag nagmimisa sila noon ang salita, ang linguwahe ng pari Latin so hindi naiintindihan ng mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya yung nag-aral, siya yung nagsunog ng kilay para maintindihan yung turo ng Bibliya.”

Dagdag pa ni Aljur, “Nung nalaman niya na, para bang taliwas sa ginagawa ng mga Espanyol sa atin kasi lahat tayo pantay-pantay sa paningin ng Panginoon pero hindi tayo tinuturing ng tao kung paano nila itinuturing ang kapwa Espanyol.”

“Bawal talaga maging pari ang mga indio tapos ang ginawa niya para mamulat ang mga Pilipino, para maipamahagi yung nalalaman niya, nagbuo siya ng isang Confradia kung saan ang misa ay Tagalog at naiintindihan ng mga tao.

“Kung saan ang Confradia, itinuturo talaga, ipinapaintindi niya ang turo sa Bibliya.

“Kaya ganun kalaki ang naging impluwensiya niya sa mamamayang Pilipino dahil totoo siya, sincere, at may pinanggagalingan.

“Noon wala pa tayong social media at Instagram, Twitter, Facebook na kilala natin ngayon pero siya naipalaganap niya ang confradia sa mahigit limang libong katao.

“Five thousand people na naniwala sa kanya which is pinangamba ng mga Espanyol dahil from the first place namin ang mga Espanyol hindi naman sila pumunta dito para impluwensiyahan tayo ng maganda kundi para gawin tayong alipin.

“So siya yung nagmulat.”

Samantala, dalawang pelikula pa ang aabangan kay Aljur bukod sa Ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli. Ito ang Mabalasik at Espressway na parehong idinirek ni Ato Bautista.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN