Was Shy Carlos intimidated by Lumayo Ka Nga Sa Akin co-stars Maricel Soriano and Herbert Bautista?



Si Shy Carlos ang isa sa mga next important star ng Viva Artists Agency ngayong 2016 dahil ilulunsad siya bilang bida sa isang television show at mapapanood sa Lumayo Ka Nga Sa Akin, ang trilogy parody movie na New Year's offering ng Viva Films. Ito ay ipalalabas sa mga sinehan sa January 13, 2016.

Kasali si Shy sa cast ng second episode ng Lumayo Ka Nga Sa Akin, ang "Shake, Shaker, Shakest" na pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Natutuwa ang mga producer ng Lumayo Ka Nga Sa Akin dahil umabot na sa 3.2 million views ang trailer ng pelikula.

Hindi nakadalo si Shy sa grand presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin pero nakausap namin siya sa set ng pelikula at dito niya sinabi ang sobrang kaligayahan dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang dalawa sa mga nirerespeto na artista sa local movie industry.

"Mabait po sila at very supportive sa aming mga baguhan," ang pahayag ni Shy sa PEP nang tanungin kung na-intimidate ba siya kina Maricel at Herbert.

"Hindi naman po," ang naging sagot ni Shy sa obserbasyon na malaki ang resemblance niya kay Anne Curtis, isa sa mga top star ng Viva Artists Agency.

Unang napansin ang husay ni Shy sa pag-arte at ang kanyang comedic timing sa mga eksena niya sa Para sa Hopeless Romantic, ang 2015 movie ng Viva Films na pinagbidahan nina James Reid, Nadine Lustre, Julia Barretto at Inigo Pascual. Kahit suporta siya sa mga bida, nangibabaw at napansin ng moviegoers ang performance ni Shy sa pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN