Coco Martin hopes movie with Angel Locsin pushes through; plans to direct his own indie film

Coco Martin on the possibility of a sequel for Beauty and the Bestie: "Napakarami pang journey na puwedeng puntahan yung pelikula."



Ang pagdidirek pala ang isa sa mga pangarap na gustong tuparin ni Coco Martin ngayong 2016.

"Honestly po, kung mayroon po akong isang bagay na gustong gawin ngayong 2016, gusto ko po sanang makapagdirek.

"Iyon po talaga ang pangarap ko. Kasi sabi ko nga, yung creativity ko, para mas magawa ko...

"Siguro during indie days ko hanggang ngayon po, talagang nag-aaral po ako.

"Kasi po pag nasa trabaho ako, tinitignan ko po talaga yung mga detalye.

"Kasi kung mayroon man pong mag-aalaga at magpoprotekta sa proyektong gagawin ko, iyon ay walang iba kundi ako.

"Kasi sabi ko nga inaalam ko yung gusto ng mga taong nanonood sa akin and then iyon po ang ibinibigay ko sa kanila," sabi ni Coco.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa thanksgiving presscon na ibinigay niya katulong ang Dreamscape at ABS-CBN para sa mga entertainment press na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Ginanap ito noong January 14 sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Ano naman ang gustong idirek ni Coco? Teleserye, mainstream movie o indie movie?

Aniya, "Honestly, mayroon po akong concept ng indie. So, indie po siguro.

"Kasi po kung ikukumpara ko ang mundo ng TV at mainstream movie, mas inuna ko po kasing napuntahan...mas kabisadong-kabisado ko po kasi ang indie.

"So, sabi ko indie po muna."

Ano naman ang konsept at kuwento ng balak niyang idirek na indie movie?

Lahad niya, "Drama po siya. It's about two brothers, parang ganun."

Bukod sa pagiging direktor, gusto rin daw ni Coco na siya ang maging bida sa naturang indie movie.


MOVIE WITH ANGEL LOCSIN. Matutuloy ba ang movie nila ni Angel Locsin?

Saad niya, "Depende po sa schedule ni Angel, e.

"At saka sana po mag-meet po iyong schedule namin, kasi nga po medyo mahaba-haba pa ang Ang Probinsyano [ang teleseryeng pinagbibidahan ni Coco sa ABS-CBN].

"And then sana po after matapos ko ang soap opera ko, sana po magawa namin iyong kay Angel kasi pangarap ko po talagang makatrabaho si Angel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN