Coco Martin reacts to possibility of becoming Box-Office King

Coco Martin says that with the smashing success of their MMFF movie Beauty and the Bestie, a sequel might be a strong possibility: "Napakarami pang journey na puwedeng puntahan yung pelikula."



Posibleng magkaroon ng sequel ang pelikulang pinagbidahan nina Coco Martin at Vice Ganda, ang Beauty and the Bestie.

Bukod kasi sa pagiging top grosser sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2015, gumawa rin ng panibagong record ang naturang pelikula bilang Highest-Grossing Filipino Movie of All Time.

Ayon kay Direk Wenn Deramas, P481 million na ang kinita nito, at patuloy pang kumikita dahil palabas pa rin ito sa mga sinehan nationwide.

Ano ang masasabi ni Coco sa tandem nila ni Vice na gumawa ng bagong record sa box-office?

"Siyempre kino-congratulate ko ang best friend ko.

"Talagang sabi ko, at least dere-deretso.

"Sa totoo lang, ang pressure nasa akin, natakot ako.

"Kasi lagi siyang number one, e. At itong tandem namin, natakot ako na baka dito pa siya hindi mag-number one or iyon pa iyong pinakamahinang kita ng pelikula niya.

"Nakaka-proud dahil yung pagkakaibigan namin ni Vice, hindi lang naman dahil sa proyektong ito o dahil nasa showbiz kami.

"Kumbaga yung personal naming buhay bilang magkaibigan, and at the same time tumawid siya sa trabaho namin at napagtagumpayan naming magkasama itong pelikulang ito."

Magkakaroon ba ito ng sequel o part two?

"Depende po iyan sa Star Cinema.

"Mahirap pong magsalita, pero siguro po sa ganda po ng kinalabasan at saka sa ganda po talaga nung proyekto po namin, palagay ko po baka, baka.

"Kasi noong tinatapos namin yung pelikula, kahit kami, sobra kaming na-in love sa pelikula, ayaw naming tapusin nang ganun-ganun lang.

"Kumbaga, napakarami pang journey na puwedeng puntahan yung pelikula."


BOX-OFFICE KING AWARD? Ayaw pa raw isipin ni Coco yung posibilidad na siya ang itanghal bilang Box-Office King sa Guillermo Box-Office Awards dahil sa malaking tagumpay ng Beauty and the Bestie, gayundin ng isa pa niyang pelikula noong 2015 katambal naman si Toni Gonzaga, ang You're My Boss, na kumita ng mahigit sa P300 million.

Posible kasing Phenomenal Box-Office Star na naman ang ibigay na award kay Vice.

Pag-amin ni Coco, "Hindi ko po inilalagay iyan sa isip ko po.

"Ito po, bonus na po sa akin ito sa magandang resulta ng pinaghirapan po namin.

"Siyempre, sabi ko nga, sobra talaga akong nagpapasalamat sa Star Cinema sa opportunity na ibinibigay nila sa akin.

"Nandiyan yung You're My Boss, Maybe This Time, and then ito ngang Beauty and the Bestie.

"And siyempre, salamat kay Direk Wenn, dahil sobra niya akong inalagaan talaga."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN