Beauty and the Bestie earns P502 million as of January 16

Vice Ganda thanks fans for their support for Beauty and the Bestie: "#BeautyAndTheBestie has earned more than P500M as of yesterday! At hindi pa kasali dito ang International Gross ha! Wow! Maraming maraming maraming salamat po mga Kapamilya!"




Matapos ang twenty-three days, umabot na sa P502 million ang kinita ang Metro Manila Film Festival 2015 entry na Beauty and the Bestie.

In-announce ng Star Cinema na ito ang domestic gross ng naturang MMFF 2015 entry as of January 16, Saturday.

Ginawa ang announcement kanina sa press conference ng upcoming movie na Everything About Her.

Directed by Wenn Deramas, ang action-comedy movie na Beauty and the Bestie ay pinagbibidahan nina Vice Ganda, Coco Martin, James Reid, Nadine Lustre, Alonzo Muhlach, at Marco Masa.

May Instagram post rin ang Star Cinema tungkol sa milestone na ito.

Ang buong caption ng Instagram post na lumabas sa social media accounts ng film arm ng ABS-CBN: "#BeautyAndTheBestie has earned more than P500M as of yesterday! At hindi pa kasali dito ang International Gross ha! Wow! Maraming maraming maraming salamat po mga Kapamilya! #BeautyAndTheBestie4thMEGABlockbusterWeekend pa rin and still in over 100 cinemas nationwide!"


Sa Instagram, agad na nagpasalamat si Vice Ganda sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikula.

Ang buong Instagram post ni Vice: "BEAUTY AND THE BESTIE has now set a recordbreaking Over Half A Billion Gross (not including international screenings). Thank you Madlang People! Praise to you Lord God! Congratulations Coco, James, Nadine, Direk Wenn, Star Cinema, Viva Films and to all the cast and crew. Abangan ang susunod na pagsasanib pwersa nina Benjamin at Paloma!!!"

Si Paloma ay ang karakter na ginagampanan naman ni Coco Martin sa ABS-CBN primtime series na FPJ's Ang Probinsyano. Ang tinutukoy naman niyang Benjamin ay ang karakter niya sa previous MMFF entries niya na Praybeyt Benjamin.


Tinalo ng Beauty and The Bestie sa MMFF box-office ang pelikulang My Bebe Love nina Vic Sotto, Ai-Ai delas Alas, Maine Mendoza, at Alden Richards na pumapangalawa naman sa Top 4 highest-grossing films sa 41st MMFF.

Read: Beauty and the Bestie is No. 1 in MMFF 2015; Top 4 ranking revealed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, tinalo rin ng Beauty and the Bestie ang pelikulang A Second Chance bilang highest-grossing Filipino film of all time.

Umabot naman sa P480 million ang kinita ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN