"Confessional" to be screened at IndieSine starting August 13


Jerrold Tarog (left) and Publio Briones III (right) shoot scenes for the digital film Confessional. Produced by Cinema One Originals, this award-winning film will be screened at Robinsons Galleria IndieSine starting August 13, 2008.



Ang award-winning Cinema One Originals digital film na Confessional ni Jerrold Tarog ay magkakaroon ng special one-week theatrical run sa IndieSine ng Robinson's Galleria simula sa August 13. Ang pagpapalabas ng Confessional sa sinehan ay bilang selebrasyon sa pagkakapanalo nito kamakailan bilang Best Film sa First Features Section ng 10th Osian Festival of Asian and Arab Cinema sa New Delhi, India last Saturday, July 19.

Sobrang na-impress daw ang jurors ng festival na kinabibilangan ng jury head na si Roger Garcia with his co-jurors gaya ng filmmaker na si Nagesh Kuknoor at ang Sri Lankan journalist and filmmaker na si Vimukti Jayasundra.

Nanalo rin ang Confessional sa 24th Star Awards for Movies as Digital Film of the Year, Digital Movie Director of the Year, Digital Movie Editor of the Year, Digital Movie Screenplay, at Digital Movie Sound Engineer last June 27.

Prior to this, big winner din last year ang Confessional ng Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Editing, Best Sound, at Best Supporting Actor for Publio Briones III Cinema One Originals Awards Night last November 2007.

"Well, na-surprise kaming lahat," saad ng Confessional director na si Jerrold Tarog sa presscon na ibinigay sa kanila ng Cinema One Originals, headed by Ronald Arguelles. Naganap ang naturang press conference kahapon, July 24, sa 9501 restaurant sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

Ano ang pakiramdam ng sunud-sunod na pagtanggap ng karangalan ng Confessional?

"Ah, hilo!" natatawang sabi ni Jerrold. "Hindi ko naman kasi alam na ganito karami ng matatanggap niya. Basta nage-enjoy lang kami na gumawa ng pelikula, pero yung ganito karaming awards, hindi ko ine-expect ‘to."

Pagkatapos ng magkasunod na recognition sa Confessional, ano ang plano ni Direk Jerrold ngayon? "May pini-pitch akong mga several na scripts and, hopefully, makahanap ng producer," sabi niya.

Ano naman ang magiging theme ng mga susunod niya na pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, yung isa doon sa mga pini-pitch ko, romance siya. Although yung isa naman na independent film din, ah, medyo mas ano siya, experimental ng konti. Iba sa Confessional pero pareho silang drama."

May nais ba siyang iparating na mensahe sa maga aspiring filmmakers ngayon?

"I guess, huwag masyadong seryosohin yung mga team or basta huwag masyadong maging pretentious. Yun lang ang masasabi ko. Basta gumawa lang kayo ng gumawa. And have fun doing films."

Sobrang saya raw ng mga magulang ni Jerrold sa kanyang pagkakapanalo.

"Naka-display na sa bahay [trophies niya]. Inalis na namin lahat yung dating mga trophy ko. Actually, buong clan text ng text sa akin palagi!" sabay tawa ni Ryan.

Hindi ba siya na-pressure sa Osian Film Fest na sinalihan niya ay nakalaban niya ang Pinoy digital film din na Tribu ni Jim Libiran?

"Wala naman si Jim doon, e, kaya okey lang. ‘Tsaka in the first place nga, hindi naman namin in-expect, so wala kahit na anong pressure. Nandun lang kami para i-enjoy yung time ‘tsaka yung pagkain. And then, biglang nanalo."

Ang Tribu at Confessional ay ilan sa 200 full-length feature films mula sa 40 countries na ipinalabas sa tenth edition ng Osian.

"Kaya nga it's a very humbling experience, actually. Kasi hindi nga kami nag-set para gumawa ng pelikula na ang habol namin manalo ng awards. And then, we end up having all these awards. So, it's a very humbling experience. Napaka-grateful ako doon sa mga taong nag-decide na worthy yung Confessional."

Pero madiing sinabi ni Jerrold na ang Confessional ang una at huling pelikula na lalabas siya bilang artista. Kasama rin sa plano niya ngayon ang gumawa ng isang pelikula sa mainstream. Possibly ay gawin niya ang kanyang first big break sa Star Cinema.

"O, ah, depende. Depende," biglang pigil ni Ryan sa sarili. "Ah, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Actually, may ibang mga tao pa ako na kinakausap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino naman ang gusto niyang maging first big stars sa kanyang kauna-unahang pelikula sa mainstream? "Well, depende ‘yan kung sino yung magiging producer."

Ano ang kanyang dream project?

"I guess, I want to make something na kasing complicated ng Confessional ulit. Pero this time with stars."

Sino naman ang gusto niyang stars sa pelikula niya? "Si Sid [Lucero], okay ‘yan," tapos ni Jerrold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN