Angel Locsin admits she initially hesitated to work with Xian Lim

Angel Locsin admits, "Sa totoo lang, naaawa kasi ako kay Xian, lalo na kapag may nababasa ako [negative comments] sa Instagram." 



Ipinagtanggol ni Angel Locsin si Xian Lim sa mga bumabatikos sa aktor kung bakit ito pa ang napiling leading man niya sa pelikulang Everything About Her.
 
Ito ang unang pelikula na magkakasama si Angel at ang nakatakdang future mother-in-law niya na si Vilma Santos.

May mga nagsasabing baka raw hindi makasabay ang 26-year-old actor sa husay sa pag-arte nina Ate Vi at Angel.
 
Pahayag ni Angel, "Well, alam ni Xian yun, nag-usap kami minsan.
 
"Sabi ko, 'Xian, Alam mo dati, natatakot ako na katrabaho ka kasi sa mga naririnig ko.' 

"‘Sorry, ha, gusto ko lang maging honest din,’ sinabi ko sa kanya yun direkta.
 
"‘Pero, Xian, sa totoo lang, mabait ka palang kasama… na-enjoy ko talaga yung company mo.’

“Kasi he's very humble, at kagaya nga ng sinabi ni Tita [Vilma], very educated.

“Nagta-try siyang kausapin kaming lahat."
 
Biro pa ni Angel, "Nagdyu-joke kahit hindi masyadong nakakatawa ang joke niya.”

Dugtong pa niya, “Hindi kami natawa, pero may effort talaga siya, so na-appreciate ko yun.”
 
Hindi raw mapigilan ni Angel na makaramdam ng awa kay Xian.
 
Ayon kay Angel may nakikita siyang negative comments tungkol sa aktor.  “Sa totoo lang, naaawa kasi ako kay Xian, lalo na kapag may nababasa ako sa Instagram.  

"Akala ko, sana hindi si Xian. Puwede naman nilang sabihin, bakit si Angel, di ba?
 
"Naliliitan ako sa sarili ko kasi ang dami kong sablay.

"So parang it’s very unfair for Xian kung bakit siya ang nilalagay sa spotlight.

"Parang, I think, dapat mapanood lang talaga nila itong Everything About Her para makita rin ang pinaghirapan ni Xian sa tulong nga ni Direk Joyce [Bernal]."
 
Pinuri pa ni Angel si Xian sa pagkakaganap nito sa pelikulang Everything About Her na ipapalabas sa mga sinehan sa January 27.

Lahad niya, “Sinabi ko sa kanya na kapag lumabas na ang pelikula, ipapanood niya sa mga bashers niya para ma-appreciate ang pinaghirapan niya.
 
“Kasi, he’s really good sa film na ‘to.”
 
Halatang na-overwhelm si Xian sa mga papuri at pagtatanggol sa kanya ng mga co-stars at director niya.
 
Nang magpasalamat si Xian kay Angel, nagbiro na lang ang huli nang, “Bayaran mo ako, ha.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN