What Xian Lim learned from Vilma Santos: "Hindi porke't artista ka, special ka."

Xian Lim gave this obervation about veteran star Vilma Santos: "She always discusses equality. Hindi porke't artista ka, special ka."




Walang nakaramdam sa magiging reaksyon ni Xian Lim, pero sa presscon proper pa lang ng Everything About Her, pinansin na ng PEP ang pagiging tahimik nito na malayo sa masaya at kampante niyang personalidad kapag ang pelikula nila ni Kim Chiu ang nakasalang sa presscon.

Nakangiting paliwanag naman ni Xian sa aming panguusisa kung bakit tahimik ito sa presson, "Behave naman ako palagi, katulad nga ng sinabi ko kanina, ibang-iba ang pakiramdam ko and I feel blessed.

“Gusto ko lang dugtungan yung sinabi ni Miss Vilma [Santos] at yung kay Direk Bb. Joyce [Bernal] na malaking pasasalamat talaga namin dahil even before na mag-shooting ako sa pelikula, they made sure na alam ko yung karakter ko at alam ko kung ano ang gagawin ko sa set at hindi yung doon pa lang ako magbabasa sa set. Dapat months before the shooting pinag-aralan ko na kung ano ang dapat kong gawin.

"Laking pasasalamat talaga ako sa proseso ni Direk Joyce."

Bagong team-up raw nila ni Angel kaya nailang rin raw si Xian sa aktres.

"No'ng unang araw po, katulad nga nang sabi nila, hindi kami pinaguusap.  Natatakot ako," pag-amin ni Xian.

"Tinatanong ako ni Direk Joyce, nasa elevator kami pababa ng eksena.  Sabi ko, totoo bang hindi ako magha-hi? Hindi man lang ako babati? Kasi yun ang nakasanayan ko para mas kumportableng batuhan ng eksena. Laging magri-rehearse.

"Sabi ni Direk Joyce, wala akong pakialam kahit anong sabihin nila sa iyo.  Basta, ayusin mo ang trabaho mo. Alam mo na ang gagawin mo?  Sabi ko, 'alam ko na po.' 'Sige, do it!'

"So, wala pong picture taking, wala man lamang hi?  Paano po kung magalit sa akin si Miss Vilma? Wala rin akong pakialam kung magalit man sila sa iyo.

"Kaya yung unang eksena namin na galing ako ng U.S. ay isa pong priceless moment.

"Pagkatapos naman po ng first eksena namin, day one namin. Sabi ko, puwede na po ba akong bumati Direk?  Oo, puwede na, sabi niya.  Nagpa-picture na ako, nagkabatian na kami.

"Nakakatuwa yung experienced kasi marami akong natutunan sa kanila sa pagiging professional, sa pakikitungo sa mga tao."

Nang tanungin si Xian kung ano ang natutunan niya mula kay Batangas Governor Vilma Santos, sagot ng binata, "She always discusses equality. Hindi porke't artista ka, special ka.

"She always tells me na everyone matters: from the top, ang director, ang mga artista, hanggang sa mga nagliligpit ng ilaw.

"Kasi ang nakikita lang po lagi natin ang mga stars pero lagi niya akong nire-remind niya na paano na yung mga nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay, yung mga nagbubuhat ng camera? Pagkatapos ng shooting, sila pa ang nagwawalis.

"Palagi niyang pinapa-realize sa akin na importante rin ang mga tao around you. Don't neglect them, Everyone is important."

Tinanong naman siya ng PEP: ibig sabihin ba na lalayo ka muna for a while sa teamup ninyo ni Kim Chiu?

Mabilis naman itong sumagot nang, "Ay hindi naman po.  Tungkol naman po [itong movie] sa pamilya, tungkol naman po sa relationship sa nanay at tungkol rin po sa relationship ko kay Jaica [played by Angel] bilang personal nurse ng nanay ko."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN