Cesar Montano says Claudine Barretto arrives very early for their taping; "nauna pa siya sa generator."

Cesar Montano says about his leading lady in Bakit Manipis ang Ulap: "Imposible namang hindi ka ma-attract kay Claudine [Barretto]."



Unang pagkakataon na magkasama sa isang proyekto sina Cesar Montano at Claudine Barretto.

May mga issue noon na inuugnay kay Claudine pagdating sa kanyang mga naging proyekto kaya tinanong namin si Cesar kung wala siyang naging pag-alinlangan na tanggapin ang Bakit Manipis Ang Ulap?

“I'm very confident,” nakangiting sagot ni Cesar.

"Siya, alam ko ng magaling siyang aktres sa mga pinagdaanan niya. Alam ko labas yun but she became a better person. She became a better actor."

Ito ang naging obserbasyon ni Cesar kay Claudine.

Sabi pa ng actor, "Mas dumami ang kanyang karanasan tungkol sa pag-ibig, sa buhay. Halo-halo na yun kasi, ang karanasan ang nagiging weapon, tool ng isang artista para mas maging magaling siyang aktor.”

Puring-puri rin ni Cesar si Claudine pagdating sa pagiging professional.

Ayon kay Cesar, “Katulad nga ng binabanggit ko, nauna pa siya sa generator. She was very very excited.
 
“I was very excited also. Ang call time ko, seven. I was there before seven at saka, noong second day namin, ganundin.  Na-adjust pala ang time.  Ang call time ko seven, I was there ng 6:30.

“Nine pa pala ko, in-adjust pala. I didn’t know. I was there, hindi na ko umalis.”

Madalas din na ma-link si Cesar sa mga nagiging leading lady niya.

Kaya diretsuhan itong tinanong kung wala ba itong nararamdamang attraction kay Claudine na leading lady niya ngayon.

"Attraction in a way yung pagiging professional niya, maganda si Claudine. Imposible namang hindi ka ma-attract kay Claudine. She's very adorable as a person.

"Pero ngayon, naka-focus kasi ako sa trabaho.

"Yun ang inuuna ko ngayon as a person and I think, I have all the reason bakit hindi ko gawing ganun yung focus ko. Kasi, there's so much going on in my career right now.

“Maraming pelikulang naka-lineup, maraming TV shows.  Nag-uusap kami ni Boss Vic [del Rosario]. Aside from this soap opera, may binanggit siya na game show, pati reality show."

Sa TV5 na ba siya mapapanood ng madalas ngayon?

"Well, sa takbo ng nangyayari ngayon at dahil sa offer nila, mukhang maganda yung reality show, I have to grab it."

Walang network contract sa ngayon si Cesar. Pero kung sakali man, wala raw magiging problema sa kanya.

Ayon kay Cesar, “I'm willing. I'm not closing my door."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN