Vice Ganda on Star Cinema: "Habang iniisip nila yung kita, iniisip din nila yung pelikula nila."

"Sa Star Cinema talaga, gusto nilang kumita," said Vice Ganda whose past movies with the production company have all become blockbusters. "Pero again, at the end of the day, it's still content."



Dalawa ang pelikulang gagawin ni Vice Ganda for this year at isa doon ang pagbibidahan nila ni Daniel Padilla.

Huling nagkasama sa pelikula sina Vice at Daniel sa Sisterakas na pinagbidahan din ni Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

“As far as I know, Daniel-Vice sa 2016 kasi dapat … Daniel and Vice sa [Metro Manila] filmfest,” pagri-reveal ni Vice sa thanksgiving party kamakailan para sa success ng pelikula nila ni Coco Martin na Beauty and The Bestie.

Mag-nanay ba ang role nila ni Daniel sa bago niyang pelikula?

“Huwag namang mag-nanay, magkapatid, oo.  

“Ang alam ko Daniel and Vice, noon pa nila sinabi sa akin yun.

“Aayusin ang schedule, wala pa namang confirmed anything.

“Last year pa yun, ‘Two movies ka,’ ganoon, ganoon.

“Pero wala pa namang naa-approve na concept, paano mo itutuloy yun.

“I have a meeting with Star Cinema, may ipe-present na concept, hindi ko  pa alam kung ano yun.

“Wala rin akong idea kung sino ang makakasama ko, kasi ang naka-ano sa akin, Daniel-Vice.”


UNTIRING. Ayon kay Vice Ganda, sa dami ng kanyang trabaho, wala pa siya sa puntong ma-burn out.

“Oo, katulad nitong PGT [Pilipinas Got Talent], sobra ko’ng ine-enjoy.

“Yung Showtime ang ganda ng ratings, kaya lalong nai-ignite yung ano mo, di ba?

“‘Yung GGV [Gandang Gabi Vice] ang ganda ulit ng ratings, maganda yung time slot.

“Kasi usog nang usog ng oras sa gabi, papunta na ako sa Sunday’s Best, nakakaloka.

“Pero ang pinagmamalaki namin doon, kahit yun ang pinaka-late na palabas, double-digit [rating] ka pa rin.  

“Parang hindi naman nangyari dati 'yan na late ka na pinapalabas, double-digit pa rin.

“‘Tapos high na high ako sa success ng Beauty and the Bestie.

“Kaya wala akong burnout na nararamdaman.”


ON MARIEL AND AMY. Speaking of It’s Showtime, kung nalungkot si Vice sa pagkawala ni Coleen Garcia sa show, ikinasaya naman daw niya ang pagkakadagdag dito nina Amy Perez at Mariel Rodriguez.

(Read:  Why did Coleen Garcia leave It's Showtime?)

 “Masaya, I’m so happy with Mariel and Amy,” ani Vice.

“Nakatulong, nakadagdag ng fun, nagbago na ang dynamics.

“Sabi ko nga, okay sa akin yung pasok nu’ng Mariel at saka Amy, nadagdagan.

“Pero wala silang dinuplicate kung sino man sa mga naunang member ng family.

“‘Tapos kapag wala ako sa show dahil nagpi-PGT ako, nami-miss ko talaga siya, silang dalawa.”

Sa Pilipinas Got Talent ay kasama naman ni Vice si Robin Padilla, asawa ni Mariel.
    
Kuwento niya “Sabi ko kay Mariel, ‘Noong bumalik kayo sa ABS pinalagay ninyo sa kontrata ninyo na kailangan ako ang katrabaho ninyong mag-asawa.

“‘Kapag hindi kita kasama, kasama ko si Robin.’  

“Kapag kasama ko si Mariel, topic namin si Robin.

“Kapag kasama ko si Robin, topic namin si Mariel.

“Sabi ko, ‘Nauuta na ako sa inyong dalawa.’”


ROBIN THE GENTLEMAN. Kumusta naman ang kwentuhan nila ni Robin?

“Ang bait noong Robin, napakabait.”

“Sabi pa niya, ‘Mao-offend ka ba kasi ang trato ko sa ‘yo babae, ang tawag ko sa 'yo Miss Vice?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Ay, hindi ako… it doesn’t really matter kung tawagin mo akong sir or ma'am, basta with respect.

“‘Hindi mo ako ginagago, hindi mo ako inaano.’

“Sabi ko, ‘Wala sa akin yun.’  

“‘E, kasi hindi lalaki ang tingin ko sa ‘yo, babae  talaga, okay lang ba?’

“Sabi ko, ‘Go! Syempre bet ko 'yan 'no.’

“At saka sobrang gentleman, malaglagan ka lang ng tissue, aligaga.

“‘Ako na, akong bahala, akong bahala,' yung ganoon.

“Malayo ka pa lang, padating ka pa lang, yung upuan mo inaano na niya talaga.”

Ramdam ba naman ni Vice ang haba ng hair ni Robin?

“Oo, nakakahaba ng ng hair, pati sa ilong.

“Bongga yung Robin.”

May possibility ba na Robin-Vice movie?

“Why not? Bongga rin yun 'no? Barakung-barako.

“At saka ini-enjoy ko na yung action-comedy.

“Parang mas kaya ko yung action-comedy kesa comedy-drama.”


BANTER WITH FMG. Okay din ba ang working relationship nila ng isa sa original judges ng Pilipinas Got Talent na si Freddie Garcia na kilala bilang FMG?
   
“Happy kami, love niya ako 'tapos eto yung season na pinaka-inenjoy niya raw sa lahat.

“Ang lala nu’ng banter, puro kabalastugan din ang sinasabi.

“Daldal din ng daldal ’tapos nag-offer pa nga siya, e, ‘Magpro-prod ako,’ ‘Magblo-blonde ako ng hair.’  

“Sabi ko, ‘Huh? Totoo ba ‘yan?’

“‘Oo, bakit? Why not?’

“‘Tapos sabi ko, ‘It’s time,’ ganoon, ganoon.

“Sabi ko pa sa kanya, ‘Parang nage-enjoy ka, Boss.’

“Sabi niya, ‘Eto ang season na pinaka-ini-enjoy ko.’

“Tapos sabi niya, ‘Nu’ng mga nakaraang season pinagtutulungan lang ako noong dalawa [Kris and Ai-Ai].

“‘Kaya hindi na lang ako nagsasalita, ngayon meron ako’ng kakampi.

“‘Kapag okray na, si Vice na lang mang-okray,’ ganoon, kaya ini-enjoy niya.”


MUSICAL FOR VICE? May nag-suggest kay Vice na magpasimula ng trend sa paggawa ng musical movie sa local cinema.

“Maganda po yung idea kaya lang yung musical parang hindi pa masyadong tinatanggap ng market.
     
“Trendsetter? Naku, ayan na naman ang mga pressure ninyo!

“Oo, yung mga ganyang ano, kinikiliti ako ng mga ganyang ano, e.

“Oo nga. Sige nga, i-try ko nga.  Baka mamaya i-try ko naman ‘yan.

“Nasu-surprise rin ako na yung mga bata kapag nakikita nila ako.

“Parang ang feeling siguro nila cartoon character ako.

“Nagtatalon sila, umiiyak sila.

“Dati kasi natatakot sila lalo na kapag bading.

“Kapag pa-girl ka, putok lipstick mo.

“Pero sa Showtime, yayakap, aakap sa binti mo, ayaw bumitaw.

“‘Kala siguro talaga nila cartoon character ako.”

At dapat maganda rin ang kwento?

“Korek, may kwento, e, sa Star Cinema naman lagi namang may kwento.

“Sa Star Cinema talaga, gusto nilang kumita.

“Pero again, at the end of the day, it’s still content.

“Habang iniisip nila yung kita, iniisip din nila yung pelikula nila.

“Hindi yung kikita pero basura yung pinapalabas.

“Yun lang ang mapagmamalaki ko sa Star Cinema movies.”

Sabi pa niya, “Oo, bongga rin yung musical. Kaya lang, kasi di ba sa history parang hindi nila, hindi masyadong…

“Kahit sa TV, they attempted pero it did not work out that well.”




[gallery id="9192"]


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN