Brillante Mendoza spearheads 2nd Sinag Maynila Film Fest that will run from April 21-26



Sa pangalawang taon ng Sinag Maynila Film Festival, limang bagong indie films ang hinahandog ngayong 2016 na inaasahang magbibigay karangalan sa Pilipinas, lalo na sa mga international film festivals.

Humakot ng awards sa ilang award-giving bodies sa abroad ang first batch ng Sinag Maynila noong nakaraang taon.

Ang 2nd Sinag Maynila Film Fest ay nakatakdang ganapin mula April 21-26, 2016.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Brillante Mendoza, festival director ng Sinag Maynila Film festival, masayang kinuwento ng Cannes award-winning director na matagumpay naman nilang naisasakatuparan ang layunin ng film fest kasama si Mr. Wilson Tieng.

“This is our second year, the first year was very successful because the five films that we gave grants to went to different festivals at nanalo sila.

"Maraming nag-inquire na mga distributors. I think this is one quality ng festival na ito: gina-guide namin at tinutulungan namin ang mga filmmakers na madala ang mga pelikula nila abroad for festival at the same time ma-distribute. That is very, very important na hindi lang nananatili sa festival na pag natapos na, wala na. Ito talaga nadadala sila sa ibang bansa, nananalo, nabibigyan ng awards.

"Ang gusto talaga namin dito other than giving chance to different filmmakers, directors, mabigyan sila ng venue to showcase their talent and their films is talagang to promote Filipino culture and stories na di talaga super mainstream. Yun talaga ang tina-target naming lahat, na mailabas nila sa mga festivals abroad at magkaroon ng distribution at the same time.”
 
Inisa-isa din sa amin ng pamosong direktor ang mga pelikulang kasali ngayon sa 2016 edition ng Sinag Maynila.

"This year we have a film from Adolf Alix yung MRS, Jay Altarejos film na TRO, yung kay Ato Bautista yung Expressway, kay Mes de Guzman yung Dyamper, and last yung kay Gino Santos, yung Lila."
 


(L-R) Jay Altarejos, Adolf Alix Jr., Ato Bautista, Wilson Tieng, Brillante Mendoza, Mes de Guzman, and Gino Santos



Matagal-tagal nang may independently produced films sa Pilipinas pero sa kabila nito ay iilan pa lang na indie films ang talagang sinuportahan at tinagkilik ng mga manonood. Siniguro naman ni Direk Brillante na hindi sila nakikipagkumptensiya sa mga commercial o mainstream movies.

"Kasi di kami nakikipag-compete sa mainstream at sa ibang mga festivals o ibang mga filmmakers. Ang importante dito mabigyan ng alternative ang mga viewers natin, di lang puro commercial films kundi films na may mga sinasabi na mayroong sense na pinapakita yung values natin as Filipino and our culture.

"I think that is very important na di lahat puro commercial ang pinapanood ng mga audience natin, magkaroon ng diversity at magkaroon ng mga choices. Importante yun na palagi nating name-maintain yun ganung klaseng pagpapalaganap ng mga pelikula natin."
 
Nung 2015 ay pinilahan at sinuportahan ng mga manonood ang pelikulang Heneral Luna. Ayon sa direktor ay magandang sensyales ito na nag-iiba na ang panlasa ng mga manonood ng mga peikulang Filipino.

"Ang maganda ngayon dito nagkakaroon ng awareness ang mga audience natin, awareness that there's alternative cinema na hindi lang talaga yung mainstream. Napakaimportante nun na dati ang mga pinapanood mo mga commercial box office lang, ngayon, 'Uy, mayroon palang alternative, ganito pala ang indie.'

"May awareness na 'yan, maganda ng sign yun, ibig sabihin nagkakaroon ka ng thinking audience, critical thinking audience, importante yun. Ibig sabihin nagma-mature ang mga audience natin.”
 
Isa sa kontrobersiyang naganap kamakailan ay ang nangyari sa pelikulang Honor Thy Father na na-disqualify para sa Best Picture category ng 41st edition ng Metro Manila Film Festival.

Dahil dito, naghain ng reklamo laban sa pamunuan ng MMFF dahil sa anomaly diumano sa nasabing festival. Hiningan namin ng reaction si Direk Brillante tungkol dito.

“Sa akin naman kung magkakaroon man ng mga changes sana kung anuman ang mawawala, may mapapalitan ng mas maganda, mas progresibo.

"Ang sa akin naman ang palagi namang pananaw ko, everytime na mayroong ganyang mga changes o pagbabago, it only means na ang bagong darating ay mas maganda, mas maayos. Kaya naman nagkaroon ng ganung pagbabago, ng ganung changes ay may nakitang di maganda o mali."

Ang mga pelikula ni Direk Brillante ang masasabing nakatulong ng malaki para makabalik sa showbiz si Nora Aunor. Di naman tinago ng direktor na name-miss na niyang makatrabaho muli ang Superstar.

"Movie na kasama si Ate Guy for this year, wala pa. Nami-miss ko working with her kasi magkakasunod ang mga pelikulang ginawa ko sa kanya so it only means na maganda yung collaboration namin."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN