Josh Padilla happy for success of former loveteam partner Nadine Lustre

Josh Padilla on the overwhelming success of former loveteam partner Nadine Lustre: "Well, let's put it this way… God has different plans for us."



Si Josh Padilla ang isa sa mga original na ka-love team ng sikat na aktres na si Nadine Lustre noong araw.

Naging ka-loveteam ni Josh si Nadine noong gawin nila ang TV5 series na Bagets noong 2011.

Ka-love triangle pa ng loveteam nila noon si AJ Muhlach.

Masaya naman si Josh sa nangyari sa career ni Nadine ngayon dahil naging very successful ang team-up nito with James Reid.

Ang Viva young actor ay anak ng sikat na '80s singer na si Gino Padilla.

Hindi naman daw nanghihinayang si Josh na hindi nag-take off ang naging tambalan nila noon ni Nadine.

“When Nadine and I were paired four years ago, pareho po kasi kaming bago pa.

“They were testing us kung okay ba kaming dalawa sa TV.

“When Bagets started, okey naman po. We actually had fans na.

“Tapos sila rin ni AJ may fans na rin.

“Pero when Bagets ended, it was time na iba na ang gawin namin.

“I got into hosting events and I’m also a VJ in MTV Pilipinas. Mas nag-concentrate po ako doon.

"Si Nadine, she continued acting and she got lucky when she got paired with James Reid.

“That really started her career,” pahayag ni Josh nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng pelikulang Girlfriend For Hire ng Viva Films sa SMDC.

NO REGRETS. Nakaramdam ba ng panghihinayang si Josh na hindi masyadong nabigyan ng chance ang team-up nila ni Nadine noon?

“Well, let’s put it this way… God has different plans for us.

“Yung nangyari sa amin ni Nadine, I guess it was meant to happen that way.

“I got into hosting while si Nadine, pinagpatuloy niya ang acting.

“Yung sa kanila ni James, meant to happen iyon.

“Siguro kung kami pa rin ni Nadine ang loveteam, it wouldn’t be like her team-up with James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It would be so different.

“But like what I always say, sobrang masaya ako for what is happening kay Nadine and James.

“They are both my friends at alam ko kung gaano sila kasipag sa trabaho nila.

“Wala akong panghihinayang, kasi I was able to work with Nadine noong nagsisimula pa lang kami sa pag-arte.

“Nadine will always be my first leading lady,” ngiti pa ni Josh.

SINGING CAREER. Hindi lang hosting ang pinagkakaabalahan ni Josh dahil pinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pagiging singer.

Sa katunayan ay may acoustic group kunsaan kasama siya at may gigs sila sa iba’t ibang venues.

Pag-amin niya, “Singing will always be a part of what I do.

“I enjoy performing once in a while.

“Nami-miss ko na nga po yung mga performances namin ni dad before sa Sunday All Stars.

“Now I’m with an acoustic group and we go to different events.

“Okay naman ang reception sa amin and I miss performing in front a live audience kasi.

“Okey naman po at napagsasabay naman natin lahat—hosting, singing and acting.

“Like dito sa Girlfriend For Hire, I play one of the friends of Andre Paras.

"Medyo mahaba-haba ang role ko dito ngayon, unlike sa mga past movies ko like Talk Back and You’re Dead, Tragic Theatre and Chain Mail, kakaunti lang ang scenes ko.

“I had fun working with both Andre and Yassi kasi kilala ko na sila and we’re like one big family sa shooting.”

RESPONSIBLE SOCIAL MEDIA USER. Aware si Josh sa mga kumakalat na mga videos ng mga actors na kaedad niya. Kaya naman maingat daw siya pagdating sa kanyang social media accounts.

Sa tanong kung nasubukan na niyang gumawa ng sariling video out of curiosity, mabilis na sumagot ito ng “hindi po.”

Ano ang puwede niyang ma-comment sa mga aktor na hindi naging maingat sa kanilang ginawang videos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sometimes po kasi, we don’t think of the consequences, di ba?

“Basta if we feel na okay siya at masarap gawin, we do it without even thinking na baka may makakita nito o baka may makialam ng laptop ko o baka may mag-download nito at i-post sa kung anumang site sa internet.

“I think it’s also being human lang.

“Natural na nangyayari ang mga ganyang pakiramdam sa atin.

“We just have to learn how to control ourselves and think of what might happen kung gagawin natin iyon.

“Better to be safe than sorry.

“Ako naman po kasi, I have social media accounts but I am very careful of what I post and comment.

“Definitely no videos of me naked or doing something that might put my career in trouble or malagay ang family ko sa kahihiyan.

“I know my limits and malakas lang po ang resistance ko sa temptation.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN