Will Coleen Garcia have kissing scene with Piolo Pascual for upcoming movie?



Matapos maging lead star sa mainstream movie na Ex With Benefits at Cinemalaya entry na #Y, mapapanood si Coleen Garcia sa upcoming movie nina Piolo Pascual at Ms. Dawn Zulueta.

Sa press conference para sa last four weeks ng Pasion de Amor, nakausap ng press si Coleen Garcia tungkol sa upcoming Star Cinema movie sa ilalim ng direksyon ni Gino Santos.


Noong nalaman mo na makakasama mo sina Dawn Zulueta at Piolo Pascual sa movie ano yung naging reaction mo?

Coleen: “So, so, so, so excited, hindi ko ma-describe yung kasiyahan ko, kaya nga nung nalaman ko na hindi na ako part ng It’s Showtime, hindi rin ako nalungkot kasi I really want to concentrate talaga on this movie, pagbubutihin  ko talaga. I think, it’s just a fact na that I’ve been working with Ms. Dawn and Piolo, kailangan ko talagang ibigay ang lahat, it would  be such a disrespect to them if I cannot give my all.”


How was the storycon and look test niyo? Ano ang feeling mo na kasama mo na sila at tuloy na talaga yung movie mo with them?

Coleen: “Well, sa storycon, ayun, magkakatabi lang kami, nagusap-usap kami ng kaunti. Mas excited ako noong look test na namin, kasi I observed na ang cute-cute talaga ng character ni Ms. Dawn dito, she is so charming. Napakahusay niya sa look test pa lang. Kasi may mga eksena na kami dun, e, and I  really feel that yung bonding namin dito as best friends in this movie ay grabe.

“Kakaiba yung role niya rito, alam mo yung para siyang Tita of Manila, slowly, she will mingle with Manila's socialites and then makikilala niya yung mga mas bata at bagong generations ngayon at mag a-adjust sya sa generation na yun.

"It’s a feel good movie, may drama, may comedy but all-in-all you will feel good after watching it.

“Nag look test kami kahapon, grabe sobrang excited talaga ako. I really love the story, I love my role. Si Ms. Dawn Zulueta naman, she is very cute, ang cute ng role niya rito. Kaabang-abang talaga."


Please tell us something about your role sa movie.

Coleen: “Isa akong socialite, bale may 'unlabeled' relationship kami ni Piolo, parang we’re dating, we’re just dating, parang walang masyadong emotional attachment, hanggang sa mai-in love ako sa kanya. Si Ms. Dawn naman, magiging mag best friend kami and then in a way, magfo-fall na rin siya kay Piolo. Aagawin niya sa akin si Piolo. Actually, hindi siya love triangle kasi wala namang nabuong relationship sa amin ni Piolo, e. May mas relationship pa nga kami ni Ms. Dawn, e."


How would you compare yung character mo rito sa naging character mo sa huling movie mo na Ex With Benefits? Daring din ba ang magiging role mo rito?

Coleen: “My role in the movie is very edgy but not daring as my role sa Ex With Benefits, hindi siya sexy. Siguro masasabi ko na verbally daring siya, kasi yung character ko rito ay very modern,  so may mga dialogue siya na medyo out-of-the-box pero physically daring, hindi naman!”


May aabangan bang kissing scene kayo ni Piolo dito?

Coleen: “Hindi ko pa alam, kasi di ko pa nakikita yung script.”


Are you willing to have a kissing scene with Piolo?

Coleen: “Bakit naman hindi kung kailangan naman sa eksena. Saka Piolo Pascual yun, choosy pa ba ako?”


Ngayong wala ka na sa It's Showtime, ibig sabihin ba nito na mag concentrate ka sa acting for now?

Coleen: “Well, magkaiba siya, e, sa Showtime kahit papaano, we can be ourselves, feeling enjoy-enjoy!  Pero career wise, kasi parang I feel like, I’m really growing more as an actress, kasi iba yung feeling na pagtapak mo sa harap ng camera ay ibang tao ka na, I really look for that feeling.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN