Rochelle Pangilinan says about Tandem co-stars: "Grabe yung love scene nila Elora at JM."



Very proud si Rochelle Pangilinan sa ginawa niyang indie film na Tandem. 

Hindi pa man ito ipinapalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF) New Wave category, nababanggit na ni Rochelle sa amin ang naturang crime drama film at sobra ang pagmamalaki niya na nagawa niya ang ganitong klase ng pelikula.
 
Inulit itong muli ni Rochelle nang makausap namin siya kahapon sa Quezon City Sports Club sa presscon ng Tandem na mapapanood na sa mga sinehan sa February 17.
 
“Ang ganda-ganda ng movie. Ako si Cha na asawa ni Roman [played by Nico Antonio]. Riding in tandem talaga yung story niya at yung story niya, kung ano ang buhay ng dalawang magkapatid na riding in tandem.
 
“Kung saan tatakbo, kung bakit nila nagagawa yung mga ganitong bagay. Actually, ang tapang-tapang ng Tandem. Matapang siyang pelikula para sa akin.”
 
Unang pagkakataon lang daw kasi na makasama siya sa ganitong klase ng pelikula kaya ibang-iba ang atake para kay Rochelle.
 
Sabi nga niya, “E, kasi, para gawin ang totoong istorya ng riding in tandem, natatapangan ako sa kanya. Straight to the point siya, e.
 
“Like yung mga love scenes na ang hot. Tapos, ginawa talaga siya kung saan nangyayari ang riding in tandem sa CCTV, like sa Scout area. Dun din siya ginawa.”
 
Nilinaw naman ni Rochelle na ang may matinding love scene talaga sa pelikula ay sina JM de Guzman at Elora Espano at hindi raw siya at si JM.
 
Una sa lahat, si Nico at hindi raw si JM ang kapareha niya.
 
Ayon kay Rochelle, “Grabe yung love scene nila Elora at JM.  Ako, wala po.  Buntis na ko rito. Wala kaming love scene ni Nico.”
 
Bandang February-March daw nang gawin nila ang pelikulang Tandem at masasabi ni Rochelle na okay na okay raw si JM nang ginagawa nila ang pelikula.
 
Sabi pa ni Rochelle, “Actually, ang galing-galing niyang talaga rito. Sobrang napakagaling niya.
 
Wala naman daw ideya si Rochelle kung nasaan ba si JM dahil wala ito sa presscon nila kahapon.  May nagsasabi kay Rochelle sa mismong oras na yun na ilang entertainment press na ang balita, diumano'y pumasok muli sa rehab si JM.
 
May nagsabi naman na nakalabas na raw ito kaya nagugulat si Rochelle sa naririnig.
 
“Wala akong alam, honesly, wala talaga akong alam. Today ko nga lang nalaman.  Ang alam ko, kakalabas niya lang ng rehab noong ginawa namin ang Tandem, pero hindi ko na alam yung sinasabi ngayon.”
 
Kumusta si JM noong ginagawa nila ang Tandem?
 
“Okay siya, okay siya,” mabilis niyang sabi.
 
“At saka, napaka-normal at ang pagkakakilala ko nga sa kanyang tao, napakatahimik niyang tao.”
 
Kung totoo ang sinasabing bumalik sa rehab si JM, ano ang nararamdaman niya para rito?
 
“Siyempre, nalungkot ako para sa kanya, nanghihinayang na rin. Nakakahinayang siya kasi, napakagaling niyang artista talaga.”
 
Nakikita ba niyang makakabalik muli si JM at matatanggap sa ikatlong pagkakataon?
 
“Dapat, dapat sikapin niyang makabalik. Ang galing niya, e, sana. At sa tingin ko, makakabalik siya kung magbabago siya kasi, nasa tao lang naman yun.
 
“At saka, kahit anong push naman sa 'yo ng ibang tao pero hindi mo gustong i-push ang sarili mo, hindi talaga siya makakabalik.”
 
Naging malaking tulong naman daw kay Rochelle si Nico dahil ang huli ay talagang sanay na sa paggawa ng mga indie films.
 
“Tinutulungan niya ko sa lahat ng eksena,” saad ni Rochelle.
 
“Okay siyang katrabaho. Sobrang okay.  Siya ang unang nakipag-usap sa akin kasi siyempre, nahihiya ako, e.  Siyempre, sila yung alam ko na palaging nag-iindie. Ako yung tahimik lang at baguhan sa indie film.
 
“Sila yung nag-approach sa akin hanggang sa na relax na ko sa kanya at nagkuwentuhan ng mga buhay-buhay.  At saka, kaibigan din siya ni Art [Arthur Solinap].
 
“Yun ang naging koneksiyon namin at naka-arte ako ng tama. Although ang indie films naman kasi, hindi mo siya kailangang i-arte. Kailangan mong mag-act ng natural lang, which is, mas nahirapan ako. Walang effort, e.”
 
Nagulat nga raw siya na puwedeng magmura.
 
“Puwedeng magmura, nagulat ako. Nagulat ako sa mga co-artists ko, nagtu-throw lines pa lang,” natawa niyang sabi.
 
Ano ang pinaka-challenging na eksenang ginawa niya?
 
“Actually, first time kong ginawa na iiyak ka lang ng napakasakit dahil kailangan mong intindihan ang nangyayari sa buhay mo na puwede mong sagutin ng paano, paano na tayo, anong nangyayari sa atin? Hinahabol na sila ng pulis, buntis pa ko na walang lines.
 
“Kailangan mo siyang ideliver ng natural.
 
“Ang hirap, pero nag-enjoy ako,” lahad niya.
 

ON ANINO SA LIKOD NG BUWAN. Bilang magkapatid sila ni LJ Reyes sa PPL Entertainment Inc, naitanong kay Rochelle kung kakayanin din ba niya ang ginawa ni LJ sa pelikulang Anino Sa Likod ng Buwan na talagang napaka-daring ng ginawa nitong love scene at nagpakita rin ng boobs.
 
“Hindi, hindi yata,” natatawang sabi ni Rochelle.
 
“Hindi ko pa napanood, pero hindi yata. Sa kanya na yun,”sabi niya.
 
Sexy ang imahe niya mula pa sa pagiging Sexbomb Dancer, pero consistent siya sa pagsasabing sa eksena, hindi niya kaya ang love scene o magpakita talaga ng pribadong bahagi ng katawan niya.
 
“Sorry talaga, ayoko talaga. Hindi ko talaga kaya,” saad niya.
 
Nasabi niya rin noon na hindi niya kayang mag-FHM, pero nagawa niya rin.
 
“Yun naman, picture lang yun,” saad niya.
 
Kung si Arthur mismo ang ka-eksena niya?
 
“Lalo, lalong hindi ko kaya,” natawang sabi niya.
 
“Masyado ba akong nagmamalinis? Nanlalamig ako, pero hindi ko talaga kaya. Inaamin ko, hindi ko talaga kayang gawin. Siguro kahit magkano, hindi ko kayang gawin.”
 
Binigyan pa si Rochelle ng ilang scenario na kung gagawa siya ng ganung eksena, posibleng makasungkit siya ng acting award, mapa-local at international.
 
Sabi ni Rochelle, “Okay na ko, hindi ko kaya, e.
 
“Bakit ko tatanggapin ang isang trabaho na hindi ako makakapag-deliver ng tama?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN