Kiray Celis no tampo with ABS-CBN but says: "Never ko pong na-feel na special ako, so wala pong dapat ikatampo."

Kiray Celis clarifies that she doesn't feel bad that she never got any "special treatment" from her home network: "Sabi ko wala [akong tampo], kasi never naman po akong naging priority. Like, ba't naman ako magtatampo? Kung ginawa na nila akong bida dun, baka, "Bakit ganun, bakit hindi nila ako binibigyan [ng launching movie]?' Pero never naman po akong... never ko pong na-feel na special ako, so wala pong dapat ikatampo."

 



Hindi pa man naipapalabas ang pelikulang Love Is Blind nina Kiray Celis, Derek Ramsay, Kean Cipriano at Solenn Heussaff ay pinag-uusapan na ang launching movie ni Kiray na I Love You To Death ng Regal Entertainment, Inc.

May nagbiro nga na Regal pa ang magbibigay ng launching movie ni Kiray at hindi ang home studio nito.

“Show nga, hindi nila ako nabigyan, ano ‘to,” ang tumatawang reaksyon ni Kiray.

“Well, may nagtanong nga sa akin, sabi niya, 'Nagtatampo ka ba sa home network mo or sa network mo na parang kung ano yung ano nila dun, production nila sa movies?'

“Sabi ko wala [akong tampo], kasi never naman po akong naging priority.

“Like, ba't naman ako magtatampo? Kung ginawa na nila akong bida dun, baka, 'Bakit ganun, bakit hindi nila ako binibigyan [ng launching movie]?'

“Pero never naman po akong... never ko pong na-feel na special ako, so wala pong dapat ikatampo."

Dagdag pa ng 20-year-old actress, "Dun po sa bagong movie, siyempre mas pressure na naman po, 'eto na naman.

“Sabi ko nga, hindi pa napapalabas yung movie na isa, may bago na naman?

“Sabi ko, hindi ko nga alam kung okay ba ito,” at tumawa si Kiray, referring to Love Is Blind, kung ano sa palagay niya ang magiging pagtanggap dito ng publiko sa showing ng Love Is Blind sa Miyerkules, February 10.


GRATEFUL FOR BIG BREAK. Sa pananalita ni Kiray, sa Regal niya naramdaman na special siya.

“Sobra! I mean grabe ang Regal,” pagpapasalamat niya.

Sa palagay ba niya ay kaya na niyang magdala ng sarili niyang pelikula?

“Hindi ko po… ayoko pong magyabang pero kaya. Wow, kaya,” at tumawa si Kiray.

“Hindi, ano po… sana! Alam mo sabi sa akin ni Kuya Derek, huwag akong mag-alala or ma-pressure.

“Sabi niya sa akin magdasal lang daw ako. At iyon ang lagi kong pinagdadasal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba niya ay tamang panahon na para magkaroon siya ng sarili niyang pelikula?

“Siyempre iyon ang pangarap ko. Sana ito na ang tamang panahon.

“Sa tagal-tagal ko pong naging artista, ang tagal ko rin pong hinintay ang panahon na ‘to.”


EXCITED FOR LAUNCHING MOVIE. Malamang ay sa April simulan ang I Love You To Death na isang horror/comedy movie. Excited na si Kiray para sa solo launching movie niya.

“Pero hindi ko pa po iniisip kasi nandito pa po yung feeling ko sa Love Is Blind.

“So Love Is Blind po muna yung feeling ko. Baka po sumabog po ako at hindi niyo na ako makita pag inisip ko pa po iyon,” bulalas ni Kiray.


COMPARING HERSELF TO SOLENN. Tinanong naman si Kiray, sa presscon ng Love Is Blind na ginanap sa Luxent Hotel, ano ang meron siya na wala si Solenn?

Nag-isip muna si Kiray bago sumagot.

“Ano ba’ng meron ako?

“Siguro yung ano… funny ako. Iyon!

“Inisip ko kasi kung meron akong boobs, wala pala!”

Puwede namang palakihin, biro namin sa kanya.

“Ayoko! Ayoko. Gusto ko yung proud ako sa sarili ko kung ano ako at hindi pinagawa kung kani-kanino.”


DREAM SCENARIO WITH ZAC EFRON. Tinanong naman si Kiray, in relation pa rin sa pelikula nilang Love Is Blind, kung meron siyang gagayumahin, sino iyon?

“Si Sam Milby po,” at tumawa si Kiray.

Bukod kay Sam?

“Alam mo ano, sige, si Zac Efron na lang.”

Pag nagayuma na niya si Zac, ano ang gusto niyang mangyari?

“Gusto ko mahalin niya ako. Kahit hindi kami mag-kiss.

“Kahit hindi kami mag-tsuktsakan. Ganun!”

Kahit si Zac na ang usapan, ayaw pa rin niya ng tsuktsakan?

“Hindi batayan ang sex sa pagmamahal, para sa akin. Hindi porke sine-sex kita, mahal kita.

“At hindi porke hindi ko ibibigay sa 'yo yung sex na gusto mo, hindi kita mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kitang mahalin ng wala akong binibigay sa 'yo na ganun.

“At puwede mo akong mahalin, na kahit hindi ko ibibigay sa ’yo, mamahalin mo ako.”

So hindi siya makikipag-sex kay Zac?

“Hindi! Takot ako,” at tumawa si Kiray.

“Pramis, takot ako sa mga ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN