Is Arci Muñoz willing to shoot love scene with Gerald Anderson?

Is Arci Muñoz willing to shoot love scene with Gerald Anderson for the movie Always Be My Maybe? "Why not, di ba?"



Labis-labis ang pasasalamat ni Arci Muñoz sa pagkakasama niya sa teleseryeng Pasion de Amor ng ABS-CBN.

Sobrang magaganda ang mga natanggap niyang blessing dahil sa paglabas niya sa late afternoon drama-series ng Kapamilya network.

“Kaya nga hindi ko talaga makakalimutan ‘tong show na ‘to, e,” simula ni Arci during our exclusive interview sa kanyang dressing room pagkatapos ng finale presscon ng Pasion de Amor kamakailan.

“Dahil ito yung nagbukas talaga ng lahat ng pintuan para sa lahat ng opportunities na dumarating ngayon para sa life ko.

“Si Direk Ruel [Bayani, Business Unit Head] na nakatrabaho ko sa GMA, kinuha niya ako...noong nalaman niya na wala akong ginagawa.

“Kaya malaki ang utang na loob ko po kay Direk Ruel. Si Direk Ruel ang nagbigay ng unang trabaho sa akin after StarStruck. Pinag-audition niya rin ako."

Inamin ng 27-year-old actress na dumating ang panahon noong tinatanong niya ang sarili niya kung gusto pa niyang manatili sa showbiz.

“May mga time na inisip ko ayaw ko na talagang mag-artista. Hindi ko alam kung ano na lang ang gagawin ko sa buhay.

“Pinatawag niya ako para mag-audition. Sobrang thankful talaga ako. Hindi ko makakalimutan, actually, masasabi ko na ito [Pasion de Amor] ang pinaka-paborito kong show na nagawa sa buong buhay ko, hindi ba?

“Marami na rin po akong show na nagawa, e. Nag-GMA ako, nag-TV5 ako. Ang masasabi ko lang, eto ang pinaka-memorable na show na ginawa ko,” paglalahad ni Arci.

Ano ang lessons na natutunan niya sa paggawa ng Pasion de Amor?

“Marami, actually, isa du’n yung mas maging professional ako sa trabaho ko. Sobrang sarap katrabaho ni Jake [Cuenca], lalung-lalo na si Jake, since siya yung palagi kong kaeksena.”

Naging close ba talaga sila?

“Sobra,” diin niya. “Kasi ang galing niya. Doon ko nakita kung gaano kahusay na artista ni Jake na nadadala niya ako. Ganoon naman po yun, e, sa bawat eksena. Sobrang blessing na siya ang katrabaho ko dahil ginagabayan niya talaga ako.

“Hindi siya madamot na artista. Yun lang ang masasabi ko, hindi siya madamot.”

Naging close rin ba sila ng mga female co-stars niya sa Pasion na sina Coleen Garcia at Ellen Adarna?

“Oo naman po, kami yung magkakasama palagi sa tent, ganyan, nagkwe-kwentuhan. Parang ganoon din kami. Ganoon kami ni Ellen. Kami kasi ni Ellen lumalabas kami, ganyan. Si Coleen kasi siguro iba yung trip niya. Pero kapag nasa set  kami, okay naman kami. And then, yung trip niya ng siguro outside ano, showbiz.”

Ano ba ang trip nilang gawin ni Ellen?

“Mga baliw kami ni Ellen. Hahaha!”

Saan sila pumupunta ni Ellen?

”Wala, shopping kami, ganyan. Shopping kami, tapos kwentuhan.”

Pinaguusapan ba nila tungkol sa mga boys?
“Oo, boys, haha! Mga kabaliwan namin, wala, ‘yun lang.”

Sino ang mami-miss niya after ng last taping nila sa Pasion?

“Lahat, lahat-lahat, kasama [ang production] staff, yung araw-araw, ganoon naman, e. Kapag nandiyan sabihin mo pagod ka na, ‘Sana, ganito.’ Kapag nawala na talagang mami-miss mo. Araw-araw ko kasama ang mga ‘yan, e.”


FIRST LEAD ROLE. Grateful si Arci dahil habang ginagawa niya ang Pasion de Amor saka dumating ang offer na lumabas siya sa A Second Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Magiging bida pa si Arci sa soon-to-be-released movie nila ni Gerald Anderson under Star Cinema, ang Always Be My Maybe.

“Opo, hehe. Biglaan po yun.”

Ano ang role niya sa Always Be My Maybe?

“Ibang-iba ang role ko du’n. Isa po ako’ng make-up artist sa movie. Gumagawa ako ng make-up tutorial. Yun yung contest. Si Gerald naman ay isang beach bum na medyo player, ganyan.

“So ako, alam mo yung the usual na babae. Kapag babae ka, a time will come that you really want to settle down, di ba, ganyan lalo na if you are certain about the guy that you are with.

“So, parang ganoon yung character ni Tintin doon. So, ano, hopya [hoping] siya, e, hopeless romantic. Tapos 'etong boyfriend niya, hindi niya actually boyfriend dahil wala naman silang label.

“But since mahal niya, saka two years, three years na silang dating pero yung guy ayaw mag-commit, ganoon yung story, e, about commitment.

"Di ba parang nakaka-relate, marami talaga ang makaka-relate dito. As in yung mga linyahan namin ni Gerald, girls versus boys.

“Actually, from sa set namin ng movie, straight ako rito sa presscon. Nag-shooting kami. Tapos yung tinake pa naming sunrise. So, alas-syete nandoon pa ako. E, alas-syete kailangan na ako rito, four hours ang travel time. Kaya medyo na-late ako.

“Ang ganda ng istorya and, of course, ang nag-direk sa amin si Direk Dan Villegas which we all know ay famous sa mga flicks ng mga hugot.

“As in, detalyado pagdating ng script sa amin ni Ge. Nakaka-relate talaga ako sa movie na ‘to. As in, natural yung batuhan namin. Makaka-relate ka talaga

“As in kami mismo ni Ge kapag ginagawa naming, ‘Ay, oo nga.’

Hindi kaya may mabuong special friendship sa kanila ni Gerald while doing the movie?

“Ang gwapo nga ni Ge, hahaha! Ang gwapo nga niya.

“Pero hindi, hindi po 'ata pwede. Hahaha!

Dahil sa boyfriend niya na si Bones Frankenstein?

“E, baka may girlfriend din si Ge, di ba? Hindi lang ako, di ba? Hahaha!

“Hindi, work lang po talaga saka kumportable  lang kami sa isa’t isa.”        
   
Ano ang nararamdaman niya kapag naiisip niya sunud-sunod ang mga gwapo at sikat na leading men sa Kapamilya Network ang mga nakakapareha niya ngayon?

“Ang haba-haba naman ng hair ko. Hahaha!

“Oo, syempre po naiisip ko yung ganoon, mga nakakatrabaho kong artistang lalaki talagang mga big stars at ang gaguwapo.

“Actually, hindi ko talaga ine-expect, super! I feel so blessed. Hindi ko ini-expect, ako po kasi para sa akin kuntento ako para sa kahit na anong ibibigay sa akin, talaga. So, nung binigay po sa akin yung movie hindi po talaga ako makapaniwala.

“Saka hindi mo ako makapaniwala na binigyan ako ng lead [role]. First time ko po ‘to. Kahit nung nasa GMA ako wala. Lahat nga po, e, sunud-sunod.

“I am pressured but of course, for as long as I know na ibibigay ko yung best ko and uh, maganda yung material, e. Confident ako sa material.”


COMFORTABLE WITH GERALD. Kumusta si si Gerald as a leading man?

“He’s really easy to work with. Pleasant personality, wala akong masabi. Alam mo unang araw pa lang na magkasama kami, ‘Hi, Ge,’ ganyan. Tapos ano ‘yan, ‘Hello.’ Then, sabi ko, ‘I’m Arci.’

“First time naming nagkita? Look test. Tapos nag-storycon kami, that same day nag-shoot kami. Sobrang, sobrang nakakahiya. Pero I feel very comfortable with him agad.  He’s a gentleman. Alam mo siya, very generous. Lagi siyang nagpapakain sa set. Sobra, ang bait!

“Kaya hindi na ako nabibigla kung bakit ang daming girls na patay na patay at ninanasaan siya. Hahaha!”

How does it feel to be the next bankable leading lady ng Star Cinema?

“Naku, sana nga po. Napakagandang opportunity po ang binigay sa akin ng Star Cinema. Hindi ko po talaga alam kung paano koi e-express ang gratitude ko dahil sobrang nagpapasalamat ako sa knaila s atiwang binigay nila sa akin.

“Isipin ninyo magsa-sampung taon na ata ako, ngayon lang ako nabigyan ng pelikula. Utang ko rin kay Direk Cathy [Garcia-Molina] dahil binigay niya sa akin yung role na yun, yung part na yun sa movie nina John Lloyd and Bea [Alonzo] sa A Second Chance. Sobrang ginabayan ako ni Direk Cathy doon.

"Sobrang kabado ako, ka-eksena ko John Lloyd, grabe yung kaba ko talaga.

“More or less po, pero hindi pa po kami matatapos. Kasi may playdate na kami, e. So, nira-rush talaga siya. Hopefully, actually, hindi po ako nakaka-keep track ng shooting namin. Pero enjoy po,” excited na kwento niya.

Na-shoot na ba ang kissing scene nila ni Gerald sa movie?

“Wala pa, pero meron naman. Meron yun sigurado. Abangan na lang nila.”

What about yung love scene?

“Hindi ko lang po alam. Hindi ko pa po nakikita yung buong script, e.”

Papayag ba siya na mag-shoot ng love scene with Gerald sa movie?

“Hindi ko pa rin alam. Pero why not, di ba? Ganoon naman yun, e.

“Saka professional naman kami. Wala lang naman yun sa amin ni Ge, d’yosko.”

Post-Valentine offering ba ng Star Cinema ang movie nila ni Gerald?

“Yes, it is!

“Hindi ko talaga alam what to expect but for me and Ge talaga we’re just giving out our best and ano, hopefully talaga mararamdaman ng tao yung mga eksena namin sa movie. Saka kasi magaling yung director, kailangan abangan talaga nila.”

Paano kung i-bash siya ng fans ni Gerald?

“Sa ngayon naman wala. They’re very supportive. Ganoon nila kamahal si Ge na siguro kahit sino pa ang maging leading lady niya susuportahan nila, di ba? Kasi kapag nagpo-post kami ni Ge ang daming nagta-tag sa akin. Nire-repost nila, e.

“Wala, wala naman. I’m very thankful po sa fans ni Ge. Hindi naman sila nangba-bash sa akin and they’re very, very supportive.

“Sana magkakakilala sila ng supporters ko rin ‘coz I don’t really consider my fans, my fans. I meet up with them. I hang with them kasi wala naman ako rito kung wala sila, e, di ba?

“At nag-start talaga yun sa Pasion, nung napanood nila doon yung sa amin ni Jake,” pagtatapos ni Arci.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN