Sancho delas Alas to play pimp while mom Ai-Ai portrays prostitute in indie film



Gaganap na isang bugaw si Sancho delas Alas sa indie film na Area (Magkera naka, Magkanu). Ayon sa panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas, hindi siya nagdalawang-isip sa maselang role na ito dahil ito ang una niyang serious project bilang actor.

“Hindi po ako nagdalawang isip, actually ngayon po ay parang lahat ng bagong role or any role po na ibinibigay po sa akin, nae-excite po akong trabahuhin.

“Since kaka-start ko lang po sa showbusiness and ito po ang unang serious role ko po,” pahayag ni Sancho.

Nakapanayam ng PEP.ph ang binata sa launching ng tatlong pelikula ng BG Productions International na ginanap recently sa Horizon Hotel. Ang event na ito ay nagsilbing birthday celebration rin ng producer nitong si Baby Go.

Sancho, sa tingin mo challenging and exciting ang role na bugaw?

“Opo, kasi paano ba maging isang bugaw? Ano po bang criteria ng isang bugaw. So medyo kailangang mag-research po ng kaunti.

“Siguro maghahanap din po ako ng isang bugaw para may magga-guide sa akin na pwede kong gayahin. Usually po ang bugaw na nakikita ko ay puro babae din, e.”

Pero ang role ba ay bading?

Sagot niya, “Lalaki po. Ako po ang kanang kamay ni manager, si Kuya Allen [Dizon].”

Na-experience mo na ba na maka-encounter ng bugaw?

“Opo, I mean may nakausap na naman po akong bugaw noon. Kumbaga, tulad ng sabi ko kanina, familiar naman po ako kung paano tumatakbo iyong ganoong klase ng trabaho po.”

Ilang taon ka noon, high school ka pa lang ba noon?

“Sa Quezon Avenue po, high school po ako noon,” natatawang tugon niya.

Doon ka nabinyagan, sa babae sa Quezon Avenue?

“Ay hindi po, kapitbahay po namin. Hahaha!”

Ilang taon ka nang nadevirginize nang kapitbahay nyo?

“Ahh…” bantulot na simula ni Sancho. “Hahaha! Thirteen po ako noon!” pahalakhak na sagot pa niya.

Ilang taon iyong babae?  

“Twenty five po.”

Alam ba iyon ng mommy mo?

“Alam po, alam po,” nakangiting sagot ni Sancho. “Parang barkada ko po kasi si Mama, e. Kaya alam niya lahat ng kalokohan ko, mula ulo hanggang paa.”

Ang indie film na Area na tatampukan ni Ai-Ai at pamamahalaan ni Direk Louie Ignacio ay ikatlong pelikula na ni Sancho.

“Iyong una po kasi, parang nag-extra po ako sa Ronda, pero sobrang bilis lang po niyon. Unang mainstream ko po is My Bebe Love, tapos eto po.”

Hindi ba siya nag-aalala na baka intrigahing package deal sila ng mommy niya kaya siya nagkaka-project?

“Okay lang po,” nakangiting tugon ni Sancho. “I mean wala naman po sa akin kung package deal kami or whatever. Kumbaga, ang akin lang po, gusto ko talagang gawin ang trabaho na dapat kong gampanan.”

Inusisa rin namin siya kung sinong actor ang gusto niyang makatrabaho in the future.

“Si Kuya Dennis, Dennis Trillo. Kasi, fan niya ako, e, at parang gusto ko rin maging dramatic actor and si Kuya Dennis, isang napakagaling na actor pagdating sa drama. Hindi lang sa drama actually, kumbaga, very flexible siya bilang isang artista.”

Nararamdaman mo ba ang pressure ng pagiging anak ni Ai-Ai?

“Ang dami pong nagsasabi niyan, pero hindi naman po ako nagpapa-apekto kasi si Mama po nasa taas na siya, e. Kumbaga isa na siya sa … kumbaga, senior sa mga celebrity.

“So, feeling ko po iyong mga tao, nag e-expect sa akin ng something na tulad ng kay Mama. Pero as much as possible po, hindi ko naman po inilalagay iyong sarili ko sa linya kung nasaan si Mama.”

Anong klaseng support and encouragement ang ibinibigay sa iyo ng mommy mo?

“Basta kapag sa set po, kailangan daw ay lagi kang nakikisama. Kumbaga, huwag kang maging pabigat, huwag mong hayaan na iyong mga kasama mo ang nag-a-adjust para sa iyo kung kaya mo namang mag-adjust para sa kanila.”  

Since manager mo rin ang mommy mo, napapagalitan ka ba niya?

“Puro advice po, as in kapag lumalapit naman po ako kay Mama, “Mommy, ganito, e, ano ba ang dapat gawin?’ Ano naman po, right away ay magbibigay naman siya ng advice. ‘O anak, ganito kasi iyan…’

“Kumbaga ang lagi naman pong sinasabi ni Mama, ‘Isipin mo muna nang paulit-ulit, bago ka gumawa ng anumang desisyon.’”

Naiilang ka ba kapag ka-eksena mo ang iyong mommy?

“Hindi po, actually, lagi po akong excited kapag alam kong makaka-eksena ko siya. Kasi feeling ko po ay mas madali. Kumbaga, kahit anong maging role ni mama, like kunwari ay boss ko or friend, kumbaga parang lahat po kasi iyon, feeling ko magiging madali para sa akin.

“Since ang relationship naming dalawa ay sobrang tight. Feeling ko ay maaalalayan niya ako at dahil kabisado ko na ang mommy ko,” saad ni Sancho.

Sa indie film na Area, si Ai-Ai ay gaganap bilang aging prostitute sa pelikula na ididirek ni Louie Ignacio.

Sa hiwalay na interview ng PEP kay Ai-Ai, sinabi niya, "Sino ang mag-aakalang lead ako bilang isang masyondang [matandang] pokpok?

“Kaya nga ang peg ko rito ay ang idolo kong si Ms. Vilma Santos.

“Remember, yung ginawa niyang Tagos Ng Dugo at Miss X, ganun na ganun ang gusto kong gawin."

Okay lang ba kay Sancho na magpaka-daring ang mama mo?

“Okay lang po, yes. At saka siguro, ito yung hindi pa niya nagagawa bilang isang artista. ‘Tsaka ayaw ko naman pong maging hindrance…”

Iyong wish ng mama mo na sana ay magka-award sa movie na ito, ipagpe-pray mo bang matupad?

“Opo, kasi matagal na pong gusto ni Mama na magkaroon ng International award at saka Urian. Napakalaking bagay po niyon para kay Mama, bilang aktres. Gustong-gusto po niya talaga iyon.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN