Gerald Anderson on love scene: "Nagka-allergy si Arci dahil sa [stubble] ko."

Gerald Anderson recounts funny blooper of Arci Munoz who fell asleep in the middle of a scene: "Hindi ko alam kung itutuloy ko pa yung eksena or ano kasi wala nang sasagot, e. So hindi ko na alam kung itutuloy ko so ginising ko na lang [si Arci]."



Unang beses na magkakapareha sina Arci Munoz at Gerald Anderson para sa post-Valentine’s Day offering ng Star Cinema na Always Be My Maybe.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald at iba pang cast members ng pelikula sa grand presscon nito noong nakaraang Biyernes, February 12.

Sabi ni Gerald, “Ako personally, excited ako kasi alam ko maganda yung movie at saka magaling si Arci doon. Basta, I’m sure everybody… talagang pinaghirapan namin ‘to and si Direk Dan, napakagaling, staff and crew."

Pabiro pang dagdag nito, “Lahat kami napuyat, natutulog na yung iba sa eksena pero I’m sure siguradong mag-e-enjoy lahat.”

Ang tinutukoy ni Gerald na nakatulog sa eksena ay ang kanyang leading lady.

Natatawang kuwento ng Kapamilya actor, “Hindi ko alam kung itutuloy ko pa yung eksena or ano kasi wala nang sasagot, e.

“So hindi ko na alam kung itutuloy ko so ginising ko na lang [si Arci].”

Agad namang ipinaliwanag ni Arci na buong gabi rin silang nagte-taping noon kaya naman hindi nito napigilang antukin. Naging busy siya noon para sa teleserye na Pasion de Amor.

Hindi naman naubusan ng papuri si Gerald sa kanyang co-star lalo na’t nang gawin nilang ang kaabang-abang na love scene sa pelikula.

Saad ni Gerald, “Well, unang-una nagulat ako kasi sobrang professional ni Arci kasi mahirap po yung ginawa niya, e. Medyo daring talaga siya dito and yung eksena shinoot po namin nang napaka-tagal din, ilang hours.

“Isang buong araw, yun lang po yung eksena namin, yung love scene na yun. And she was really sobrang ganda niya, lahat na… Ang eksena kasi siya yung magti-tease kay Jake, sa akin.

Dagdag pa niya, “Basta napakagaling niya talaga and yung sexiness niya, talagang whole scene.

“Lalabas talaga sa screen, mararamdaman po ng lahat.”

Masasabi rin nitong ito na ang pinaka-“intense” na love scene na kanyang ginawa. Paliwanag ng Kapamilya hunk-actor, “Kasi ito yung pinaka-intense na love scene na nagawa ko ‘tsaka isa sa pinakamahaba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buong araw kami nag-shoot tapos sa sobrang intense, nagka-allergy si Arci dahil sa ano [stubble] ko, ganun siya ka-intense.”

Directed by Dan Villegas, ang Always Be My Maybe ay ipapalabas sa mga sinehan simula February 24, 2016.

Ayon kay Gerald, ang character niya ay si "Jake del Mundo, aspiring photographer na medyo hirap na hirap siya sa mga relationships. Medyo malayo siya sa totoong buhay."

Si Arci naman ay gumaganap na makeup artist named Tintin. Ani Arci, ang character niya ay "laging biktima ng mga pa-fall [na guys]. Isa rin siyang paasa at siopao zoned o binola-bola ka na, asadong asado ka pa.

Tinawag pa niyang "hindi nadadala" sa pag-ibig ang kanyang character na magkakaroon ng "no-label" relationship with Jake.


[gallery id="9275"]








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN