Edgar Allan Guzman plays gay character in Pare, Mahal Mo Raw Ako

Edgar Allan Guzman plays a gay character who is in love with his best friend in Pare, Mahal Mo Raw Ako.



Ngayong gabi, February 22, ang special screening ng indie film na Pare, Mahal Mo Raw Ako na pinangungunahan nina Edgar Allan Guzman at Michael Pangilinan.

Ang premiere ng naturang pelikula ay ginanap sa U.P. Cine Adarna 

Ang titulo ng Pare, Mahal Mo Raw Ako ay hango sa kantang isinulat ni Joven Tan, na siya ring director ng pelikula. Ang naturang kanta ay napili bilang isa sa finalists ng 201 Himig Handog Songwriting Competition.

Sa pelikula, si Edgar Allan ay isang gay na in love sa kanyang best friend na ginampanan ni Michael.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sumulat ng kanta at ang writer-director ng movie version nito na si Joven sa pamamagitan ng private messaging ng Facebook.

Natutuwa siya na ang isa sa mga popular na kanta noong Himig Handog ay naisalin na niya sa pelikula.

"Masaya," lahad ng composer/director.

"Yung mga hindi ko naisama sa song, dito nila makikita. Masyadong maikli ang four minutes para maikuwento lahat.

"Dito sa movie, buong-buo na nilang makikita ang lahat."

Hindi lang daw pare sa mga "pare" ang pelikula.  Kuwento ito ng pag-ibig kaya para sa lahat.

"Para sa lahat ang Pare, Mahal Mo Raw Ako, can be your best friend, kasama, kaibigan, kapatid. Tungkol siya sa pagmamahal and love is universal naman.

"At walang pinipiling gender ang pagmamahal."

Dugtong pa niya, "Light lang ang movie. Tatawa ka, may konting iyak. Puno ng puso ang movie na lahat, makaka-relate."

Malaking bagay rin daw na para na niyang mga barkada ang mga bida ng pelikula na sina Edgar at Michael kaya naging mas magaan at madali lalo ang pagsu-shooting nila.

Ayon kay Joven, "Halos barkada ko na kasi sina Edgar at Michael kaya walang problema.

"Ito na yata ang pinakamagaan kong pelikula."

Pagkatapos ng special screening sa U.P Cine Adarna, kasunod na nito ang pagpapalabas sa regular theaters.

Inaayos pa lang daw ang final playdate nito. Pero ngayon pa lang daw, may mga natatanggap na silang offer sa ibang bansa for a special screening.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN