Barbie Forteza opens up on difficulties of playing Badjao in indie film Laut


Muling pinatunayan ni Barbie Forteza ang kanyang pagiging isang magaling na aktres nang gampanan niya ang isang Badjao sa pelikulang Laut. Ang drama film na ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Louie Ignacio.

Sa world premiere ng Laut noong February 18 na ginanap sa NCCA, Intramuros, bilang opening film ng 3rd Singkuwento Film Festival ay nakapanayam ng PEP.ph at ilang press si Barbie tungkol sa pelikulang Laut:

Paano mo pinaghandaan ang karakter mo rito bilang isang Badjao?

??Kinausap ko po ang ilan sa kanila at tinanong ko kung paano sila napunta dun, kung anong klaseng pamumuhay meron sila. Sa 8 shooting days namin sa lugar nila, nakita ko rin kung paano sila namuhay. Nakaka-proud na naging part ako ng Laut film, kasi parang advocacy na rin siya at eye opener sa gobyerno para bigyan pansin ang Sama D?? Laut [Badjao].??

Personally, paano idi-describe yung pelikulang Laut?

??Visually, napakabaho ng pelikula. Pero alam niyo, yun talaga ang goal ng Laut, na mapaamoy sa mga manunuod yung baho ng pelikula. Pero sa kabila nun ay gusto rin naming ipakita sa manunuod kung gaano kasipag at katiyaga ang mga Sama D?? Laut kahit binabalewala sila nang ibang tao, lalo na ng gobyerno.??

Kamusta yung experiences mo bilang isang Badjao dito sa pelikulang Laut?


"Grabe! Iba! Iba po siya, kasi lahat po ng nakita ninyong dumi ng tao sa pelikula ay hindi po siya props, totoo pong dumi yun, bukod po dun ay totoo pong mabaho yung lugar. Pero sa kabila po nun ay nakikita ko, yung mga tao dun ay hindi iniinda ang kahirapan nila sa buhay. Masaya sila kung nasaan sila. Kaya parang nawawala na rin yung amoy at hirap na nakikita ko sa buhay nila. At some point, medyo natuwa ako, kasi kami po yung unang proyekto na nag shooting doon sa kanila. Kaya nakita namin kung paano nila kami wi-nelcome. Madali silang sabihan, madaling pakisamahan. Hindi sila barumbado, mababait po silang lahat.??

Ano ang naging realization mo upon doing the film?

"Mayroon palang problemang tulad nito sa atin. Marami palang problema sa mundong ito. Isang maliit na part lang ito, na dapat bigyan pansin ng gobyerno.??

Nahirapan ka bang pag-aralan ang lenggwahe ng mga Badjao?

??Sa totoo lang po, yung nasa script namin ay purong Tagalog, on the spot lang na nalaman namin na may iba pala silang salita. kaya, nag-revise po kami ng script. Kaya medyo naghahalo yung salita namin dun, pero sila rin ang nagturo sa amin ng kanilang mga salita.??

Kamusta ka-trabaho si Direk Louie Ignacio sa pelikulang ito?

"First time to work with him sa film. Sobrang gaan niya katrabaho, kasi, kahit mabigat yung istorya namin, kahit hindi ganun ka komportable yung lugar kung saan kami nag shoot, pinagaan niya yung trabaho. Wala po siyang arte. Wala siyang special treatment as a director. Kung nasaan ang isa, nandun kaming lahat. Mas una niyang inaalala yung artista. Pagdating naman sa pag-arte, ini-instruct niya po kami, pero hinayaan nya rin kaming gawin kung ano yung kumportable naming gawin para sa ikakaganda ng pelikula.??

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Saang yung eksaktong lugar na pinag-shootingan niyo?

??Sa Mabalacat. Pampanga po, kung saan andun yung community nila."


Paano kayo nag si- CR dun sa lugar?

??Sa buhangin po (sabay tawa) E, ganun po talaga, e!??

Nakausap din ng PEP.ph si Direk Louie tungkol sa kanyang pelikulang ginawa at paano niya ire-rate si Barbie Forteza bilang actress dito sa pelikula:

Direk Louie: ??Ay Sus! Idol ko yan. Alam mo as a director, bihira ako humanga sa isang actress, after watching her sa Mariquina, doon ko nakita ang galing niya at siya ang naisip kong gumanap bilang bida dito sa pelikula kong ito. kinuha ko siya kaagad, walang pangalawa or pangatlo. Si Barbie lang talaga! Para sa kanya talaga ang pelikulang ito. Bagamat maputi siya ay kaya ko naman siyang paitimin, madali na yun, e, pero ang habol ko dito ay yung makuha niya yung gusto ko at nakuha niya naman.??

Bakit kailangang panuorin ng mga Pinoy ang pelikula nyong Laut?

Direk Louie: "Gusto ko na malaman ng mga Filipino na mayroon palang Sama D?? Laut na dapat din nilang kilalaning bilang isang Filipino. Huwag kalimutan ng gobyerno ang ganitong klaseng problema, kailangan nilang tingnan ang pangangailangan ng mga taong ito.??


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN