Gerald Anderson on ex-girlfriends: "With this movie na tungkol sa mga ex, alam kong pag-uusapan."

Gerald Anderson on writing a scene for his movie Always Be My Maybe: "Siguro one week, or two weeks bago namin i-shoot yun, sinabi sa akin ni Direk [Dan Villegas] na may ganun. And tulad po nung sinabi ko nung blogcon, nung tinanggap ko 'tong movie na 'to at nalaman ko yung character ko, kung ano yung mga pinagdadaanan niya bilang isang lalaki, sabi ko sa sarili ko, 'Pangit man, kung ano man ang mangyari, magiging honest na lang ako.'"



Ang romatic-comedy movie na Always Be My Maybe ay umabot na sa P60 million ang kinita sa box-office matapos ang unang linggo sa mga sinehan, ayon sa Star Cinema.

Bukod dito, maganda rin ang feedback na nakukuha ng cast members, lalo na para sa performance nina Arci Muñoz at Gerald Anderson.

Directed by Dan Villegas, ang rom-com na ito ay graded B ng Cinema Evaluation Board.

Read: MOVIE REVIEW: Arci Muñoz outshines Gerald Anderson in Always Be My Maybe


Kaya naman, marami sa kanilang mga tagahanga ay nais muling makita ang dalawa na magkatambal sa iba pang proyekto.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Gerald sa blogcon nito noong March 1 sa ABS-CBN compound.

Ayon sa Kapamilya actor, bukas siya kung sakaling bigyan ulit sila ni Arci ng proyekto.

Sabi ni Gerald, “Ako siyempre gusto ko yun, gusto ko pa makasama si Arci. Ayun, nasa kanila [ABS-CBN] na yun. Sobrang thankful na kami na bukas, almost one week na po yung [film] namin and it’s amazing, yung mga tao.

“Nag-show ako sa Albay kahapon pero, you know, ang tawag nila sa akin ‘Lab Lab’ or sa airport, may lumalapit sa akin at pinapakita pa sa akin yung ticket na nanood sila.

“So I’m very thankful, sobrang grateful ako sa outcome ng movie namin.’

Sa grand press conference ng kanilang pelikula noong February 12, nabanggit ni Gerald na may isang bahagi ng pelikula na siya mismo ang nagsulat ngunit hindi nito ibinahagi sa press kung anong eksena ito.

Ang ilang miyembro ng press, napansin ang eksena sa pelikula kung saan si Jake (ang character ni Gerald) ay gumagawa ng isang video. Tila humugot mula sa kanyang personal experiences si Gerald mula sa kanyang previous relationships upang maisulat ito.

Nang tanungin si Gerald tungkol dito, sabi niya, “Parang totoo ba? Acting lang yun, tita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni Gerald na nakarelate talaga siya sa kanyang character sa pelikula.

“Siguro one week, or two weeks bago namin i-shoot yun, sinabi sa akin ni Direk [Dan Villegas] na may ganun.

“And tulad po nung sinabi ko nung blogcon, nung tinanggap ko ‘tong movie na ‘to at nalaman ko yung character ko, kung ano yung mga pinagdadaanan niya bilang isang lalaki, sabi ko sa sarili ko, ‘Pangit man, kung ano man ang mangyari, magiging honest na lang ako.'

“Tulad po ng ginawa ni Jake dun sa movie, yun yung past niya, di ba? Pa-fall, ang dami niyang ginawang hindi maganda.

“Sige, tatangganpin ko ‘yan. I mean, bilang isang lalaki gagawin ko ‘yan at gagawin ko ng walang hesitations. So yun lang, tama po kayo, isa po yun sa mga honest na scene na ginawa ko sa movie, kung hindi, pinaka-honest…”

Tinanong din si Gerald kung bakit tila iwas ito nang tanungin ni Vice Ganda sa show na Gandang Gabi Vice tungkol sa kanyang past lovers.

Paliwanag ni Gerald, “Ayoko kasi mangdamay pa ng ibang tao na wala naman pong kinalaman sa… Mahirap yun na sinasabing na ginagawa ko lang for the promo. Yun ang pinaka-worse para sa akin.

“Tanggap ko naman na kahit anong gagawin ko, especially with this ganitong klaseng movie na tungkol sa mga ex, alam kong pag-uusapan.

“Pero kung hangga’t kaya ko, ayoko pong mandamay ng tao na nanahimik na.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN