Jake Cuenca to play transvestite in Quark Henares movie

Jake Cuenca says the performance of actors also suffers because of long production hours, "Sana puwedeng manggaling sa artista kung puwedeng mag-extend ng working hours."



Isa si Jake Cuenca sa naniniwala at sumusuporta sa isinusulong ng mga artista ngayon, kabilang na ang Actor’s Guild, na ilagay sa tama ang work hours ng television at movie production.

Sabi ni Jake, “Sana maayos, sana talaga maayos.
 
“Magkaka-text kaming mga artista, may group kami sa Viber.

“Ako, I think, it’s something that all actors really dream of. 

“Honestly, yung performance, yun rin ang reason kung bakit nagsa-suffer.
 
“Sana minsan, yung puwedeng manggaling sa artista, kung puwedeng mag-extend ng working hours.

“Like, ‘O sige, kaya ko pa, mag-extend tayo.’”

Humigit ng isang taon ang katatapos niyang teleserye na Pasion de Amor, balitang sobrang ngaragan ang naging pagte-taping nila noon at sa location pa.
 
Lahad ni Jake, “Sobrang ngaragan pero ang saya sa set.

“I mean sobrang saya sa set so… parang dinaan na lang namin  sa tawa ang lahat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Jake sa launching niya bilang Guitar shirts and underwear newest celebrity endorser na naganap sa Cities Events Place.

TRANSVESTITE ROLE. Excited naman si Jake na sa pagbabalik niya galing sa bakasyon at pagwu-workshop sa New York sa April, posibleng simulan na niya ang bago niyang indie film na kunsaan, gaganap siyang isang transvestite.
 
“Pelikula ni Quark Henares, hindi pa namin nasisimulan pero maraming malaking artistang involved sa picture.

“Para siyang comedy na parang Quentin Tarantino na movie.
 
“Something na I can play with, yung comedy ang hindi ko pa masyadong nalaro riyan, and dito transvestite ako.”
 
Nabanggit niya dati lalo na pagkatapos niyang gawin ang Lihis kasama si Joem Bascon na lilimitahan na niya ang mga gay roles?
 
“Well, masaya ‘to at saka madali rin magbago ang isip ko, basta hindi ko pa nagagawa.

“And alam niyo naman ako, wala akong limitations. I don’t limit myself to any roles.
 
“Kaya sabi ko, wow, kailangan kong gawin ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN