Cristine Reyes-starrer Elemento based on true experience of a child

Sinigurado ni Cristine Reyes na hindi mabibigo ang mga Pinoy kapag manonood sila ng Elemento, ang kanyang pinagbibidahang horror film sa darating na April 6. Sobrang ganda daw ng pagkagawa nito at maganda rin ang takbo ng istorya.

 



Masaya si Cristine Reyes dahil kahit minumulto pa rin siya ng away nila ni Vivian Velez, magandang horror movie naman daw ang mapapanood ng mga tao sa bago niyang pelikulang Elemento.

Ang Elemento ay ang offering ng Viva Films para sa mga taong mahihilig sa mga horror films.

Kuwento ito ng isang batang sinaniban ng isang tambal—isang uri ng elemento na gumaya sa anyo ng isang tao.

Kasama sa horror movie na ito sina Jake Cuenca, Elizabeth Oropesa, at Alberth Silos.

Ayon sa bida na si Cristine, wala pa naman daw siyang naranasan sa totoong buhay na multo ngunit naniniwala daw siya dito.

Sabi pa niya, “Ako po, wala po akong karanasan talaga, although noong bata pa ako, madalas yung mga pinsan ko at mga kaibigan namin, madalas kaming nagkukuwentuhan ng mga nakakatakot.

“Madalas na napapagkukuwentuhan namin ay yung mga bagay na hindi madalas na nakikita tapos nauuwi sa nagkakatakutan at naghahabulan hanggang sa kung sino yung mahuli, sasaraduhan ng pinto.

“Ganun lang po yung memory ko noong bata pa ako.

“Pero naririnig ko na po yung mga salita na creatures na mga duwende, mga elemento na nakatira sa puno, lalo na sa mga lugar na hindi masyadong matao at madilim.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Cristine sa April 1 presscon ng bago nitong pelikulang Elemento, sa isang restaurant sa Metrowalk, Ortigas, Pasig City.

(Cristine with Albert Silos, and Direk Mark Meily at Elemento's presscon)


NOT YOUR TYPICAL HORROR FILM. Ipinagmamalaki naman ni Direk Mark Meily ang kanyang kauna-unahang horror film na ipapalabas sa mga sinehan nationwide simula April 6.

Kuwento pa niya, “Kakaiba ito sa typical horror movie na napapanood natin kasi in the past na mga horror movies na napapanood ko, ang anggulo lagi retribution ‘no.

“Kaya may nagmumulto o kaya may nanakot  kasi merong injustice na nangyayari di ba? May nagahasa, merong niloko, may namatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So parang paghihiganti lagi. Sa Asian horror genre, sa Japan, sa Korea, iba actually.

“Iba ang perception, may mga bagay na nakakatakot na nangyayari sa atin hindi dahil may gustong gumanti.”

Ang kuwento daw nito ay ibinabase ni Direk Mark sa karanasan ng anak na babae 19 years na ang nakaraan.

Nangyari daw ito sa paaralan nito noong limang taong gulang pa lamang siya kung saan may mga nakikita daw itong maliliit na tao na laging pinapalo ang kanyang mga paa.

Bukod pa rito, may nakikita pa daw ito na maliliit na tao na gumagapang naman sa mukha ng kanyang guro.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN