Will Ian Veneracion reunite with Jodi Sta. Maria for a movie?

Ian Veneracion on loveteam partner Jodi Sta. Maria: "Di kami nauubusan ng pinag-uusapan, ang dami naming pinagkukuwentuhan. Kahit kanina lang, pagdating namin, wala na, tuluy-tuloy na kaming nagkukuwentuhan."



Halos magdadalawang buwan na simula noong natapos ang Pangako sa 'Yo, kung saan naging magkatambal sina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria.

Miss na miss na raw sila ng fans ang Amorado, ang pinagdugtong na pangalan ng kanilang karakter na sina Amor at Eduardo.

Sabi ni Ian nung nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa appreciation party ng Pangako Sa 'Yo, "Ako din, nami-miss ko rin si Jodi na kasama sa trabaho.

“Di kami nauubusan ng pinag-uusapan, ang dami naming pinagkukuwentuhan.

“Kahit kanina lang, pagdating namin, wala na, tuluy-tuloy na kaming nagkukuwentuhan.

“Nai-interrupt lang kuwentuhan namin pag may kailangang gawin, mag-speech or something.

“Sobrang okay kami ni Jodi, sobrang magkaibigan kami. Kumportable kami talaga talking about anything.”


NEW MOVIE. Ayon kay Ian ay isang pelikula ang sisimulan niyang gawin pero hindi pa siya makipagbigay ng anumang detalye.

May usap-usapang makakasama niya rito si Jodi.

Lahad niya, “I’m not allowed to mention details, pero yes, under Star Cinema.

“Di ko pa ma-discuss yung story, pero eventually malalaman ninyo.

“Nasa development stage pa lang.”


MORE TIME WITH FAMILY. Tulad ni Jodi, mas may oras ngayon si Ian para sa kanyang pamilya.

“Family time muna because, you know, puyatan kami dun sa PSY.

“So yun nga, medyo matagal ang tinakbo ng show.

“So yun, ngayon yung family time.

“Mahirap talaga schedule namin kasi puro for airing kami nun and almost everyday kami nagte-tape.”


BONDING WITH PSY CAST. Sa huli ay nagpaghayag ng saya si Ian sa appreciation party kunsaan nagkasama-sama silang muli ng mga katrabaho.

Aniya, “It’s nice to be here, having lunch with the people na nakasama ko the past year sa PSY.

“Parang pamilya na kami—the cast, the staff, the bosses, everyone. Nandito sila, so napakasarap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN