John Lloyd Cruz: "Kung anak lang ang pag-uusapan, I think I'm ready."

John Lloyd Cruz initially said, "Okay na akong magka-anak but not necessarily magka-asawa" but he immediately took it back.



Tripleng saya ang naramdaman ni John Lloyd Cruz sa muli nilang pagsasama ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina at ang bago niyang leading lady na si Jennylyn Mercado sa upcoming movie nila na Just the 3 of Us.

“Parang nung kinukwento ko nga kay PJ, si Piolo Pascual din na-excite,” ani John Lloyd noong makausap namin siya sa set ng Just The 3 of Us sa Clark, Pampanga last Saturday.

“Si Jennylyn is a very exciting figure in films sa panahon po ngayon. Talagang napaka-swerte ko dahil sa unang pagtapak niya sa bakuran natin, ako agad yung nakasama niya kaya napakapalad ko.

“Sana palarin kaming tatlo sa aming pagsasama,” dasal ni John Lloyd tungkol sa kanilang upcoming Star Cinema movie.

Ano ang unang eksenang magkasama sila ni Jennylyn?

“Ang first scene po namin, yung eksena sa isang convenience store. Yung sumuka siya [si Jennylyn]. Nung ginawa kasi namin yun, hindi ko pa nakikita si Jen. So, doon pa lang talaga sa mismong eksena, doon talaga kami nag-meet.”

Ano ang feeling na iniurong ni Jennylyn ang isang natanguang movie project na dapat ay gagawin na niya in favor of the Just The 3 of Us para lang makatrabaho siya ng Kapuso actress?

“Hindi ninyo po nakita? Ulitin ko ha,” kasunod ang pag-twinkle ng kanyang mga mata.

“Ayun. Hahaha!

“Siyempre po nagpapasalamat tayo kasi after some time in the business napakasarap ng pakiramdam na makarinig ng ganyan meron pang nae-excite or merong nae-excite na makatrabaho ka, di ba?

“Parang it’s always flattering and siyempre at the same time, ahh, you have manage the expectations hindi lang nung kapareha mo kundi pati yung expectations ng mga nasa labas. Yun yung medyo mas mahirap yata. Pero thank you.”

Sa tingin niya, what makes him exciting sa mga female actresses of this generation kaya gusto nila na makapareha ang isang John Lloyd Cruz?

“Ngayon kasi sa panahon ngayon parang hindi na imposibleng makatrabaho yung mga gusto mong makatrabaho kahit na nasa ibang network. Yun yung maganda kasi napakaliit lang ng industrya natin kaya ang pangit kapag may barrier. Kaya mas maganda yung ganyan di ba, nabibigyan ng pagkakataon ang mga artista na makatrabajo ang isa’t isa.

“Kasi lalo na ngayon ang bilis ng panahon, ang bilis ng transition. So, kapag may opportunity sana magawa di ba? Kung may magandang materyal sana mag-materialize, di ba?

“What makes me exciting? Ahh, well, hindi ko na po alam yun.

“Pero ako nae-excite lang ako sa fact na sa panahon ngayon madali na.

Kumbaga, hindi na siya imposible.  Hindi na imposibleng makatrabaho mo, kasi naalala ko dati noong si Iza Calzado nasa kabila pa at talagang gustong-gusto kong makatrabaho pero alam mong hindi mangyayari, e, hehe. Alam mong imposible talaga. Pero ngayon hindi na siya ganoon ka-imposible.

“‘Yun pong bakit ako exciting na makatrabaho [ng mga gusto ako makapareha], hindi ko alam. I really don’t know,” sagot ni John Lloyd.

Sa trailer ng Just The 3 Of Us, ang character ni Jennylyn ay lumapit kay John Lloyd at sinabing siya ang nakabuntis sa kanya.

What if may isang stranger na biglang nilapitan siya and confidently tells him na siya ang ama ng ipinagbubuntis niya, how would he react?

“Alam ninyo kanina tanghali lang, over lunch pinaguusapan namin yun. Ah, kaharap ko yung director ko, yung aming key staff. I was talking to my DOP [director of photography], si Noel Teehankee.

“Halos magka-edad po kami and nasa isang restaurant kami punung-puno ng mga bata. May mga kumakain na puro pamilya and napaka-random, I told Noel, sabi ko, ‘Alam mo, pare parang okay na nga ako magka-anak, e.’

“If it will present itself to me, yung sitwasyon and siguro gaya ng tanong ninyo kung merong kumatok sa akin, ah, kaya lang parang I don’t see it a possibility. Pero kung sakaling mangyari yun, sabi ko kay Noel, ‘Oo, okay na ako.’

“Okay na akong magka-anak but not necessarily magka-asawa, magka-pamilya kung sakaling may lalapit at sabihin akin yun kahit na imposible sa pananaw ko, e, tingin ko kasi parang wala naman po talaga.

“Pero kung mangyari lang, yeah, kaya ko nang tanggapin. Kaya lang hindi pa natatapos ang lunch namin, nagbago agad ang isip ko. Hahaha!          

“Kasi yung mga kasama namin sa table meron silang kasamang mga anak nila sa kabilang table, siyempre kailangang asikasuhin yung mga bata. Sabi ko, ‘Noel, parang huwag na lang pala.’ Hahaha!"

Seryosong pagpapatuloy ni John Lloyd, “Hindi, ah, yeah, I think I’m ready. Kung anak lang ang paguusapan, yeah, I think I’m ready.”

Ayon kay Direk Cathy, ginawa nilang “baliw” ang character ni Jennylyn sa Just The 3 of Us. Nahirapan ba siya to portray ang kanyang role na may karelasyong baliw sa movie?

“I think we have to put in into context yung pagka-baliw kasi baka mamaya iba na....

“Yung pagkabaliw na sinasabi nila is part of her character’s humor in approaching the problem. Kasi medyo I’m a tough case here, e. Talagang hindi ako, kumbaga, alam ko kung ano yung tama para sa akin.

“E, siya, galing sa kanyang pinanggalingan, sa kanyang values, sa kanyang personal life, yung character parang kailangan niyang magpaka-baliw meaning, kailangan niyang ipasok ng konti ang kanyang humor kasi kung hindi wala kaming maaabot para doon sa bata, so to speak, para sa kanyang sinapupunan. Yun lang naman.

“Medyo mahirap kasi, well, yeah, kahit naman sigurong lalaki na hina-harass ng kahit na sinong babae mahihirapan, e, sa kahit na anong paraan, di ba?”

Paano naman niya ide-describe ang chemistry niya with Jennylyn sa first movie nila?

“I think malalim and maganda yung potential na pwede pang takbuhin ng tandem namin. And ah, kapag inisip ko having so much potential, ibig sabihin, hindi lang, I don’t think ito lang ang magagawa namin.

“I’m excited to see and to discover kung ano pa yung pwede naming magawa lalo na sa pelikula because siguro mas mabibigyan kami ng pagkakataon doon, because magkaiba nga ang aming network.

“But ah, I’m really hoping na sana eto lang yung simula because ang dami, tingin ko, sa nararamdaman ko sa maing dalawa kung ano yung kaya naming ibigay, parang walang boundaries, e.

“So, yun, nakaka-excite.”

Anu-ano ang mga na-discover niya kay Jennylyn as a person and not as co-star sa set ng movie nila?

“Kasi medyo may pagka-ano, tahimik kami pareho, e.

“Oo, unless, hindi kami, unless mag-start kami ng kwentuhan parang wala kaming malalaman sa isa’t isa. But ah, we have similar interests like photography. Uhm, mahilig siyang kumanta. I love music pero hindi ako magaling kumanta, si Jennylyn is a fantastic singer.”

Sakaling walang special someone si Jennylyn ngayon, may posibilidad ba na maging sila in real life?

“Parang kwe-questionin ko naman ang pagkalalaki ko kapag sinabi ko na wala akong inisip na ganoon or hindi, parang I’m just a guy standing right in front of a girl, hahaha!

“No, I mean, I think she’s a fantastic character, si Jennylyn.

"Like you said, very inspiring single parent siya. That’s true.

“At sa rami ng ginagawa niya, sa sikip ng calendar niya at schedule niya naipapasok pa rin niya ang kanyang isang passion which is triathlon.

“Para sa akin ibang breed yung triathletes, e. Para maipasok mo pa yun na sa hirap ng schedule at trabaho na meron tayo, and plus, yun nga, again, single parent.

“Parang, she’s amazing. Parang walang dahilan para hindi mabighani ang isang lalaki sa ganyang klase ng babae, di ba?”

Confirmed na ang line-up ng mga TV shows sa ABS-CBN na pupuntahan ni Jennylyn to promote their movie.

What about him? May chance ba na mag-promote rin siya sa GMA7 ng Just The 3 of Us?

“Ako, I’d love to go over the bakod para makilala ko rin yung mga, kasi alam ninyo napakaliit na industry natin and kung pupwede naman bakit hindi?

“I mean, para hindi naman yung siya lang yung, grabe naman lahat, di ba added schedule, nakakahiya rin naman kay Jen kung siya lang.

“I mean, siyempre that’s a business matter. That’s a business call para sa management, para sa mga boss namin.

“Sila na po ang bahala diyan na mag-ayos. Kami naman sumusunod lang po.”

Samantala, may gagawin ulit na indie movie si John Lloyd pagkatapos ng Hele Sa Hiwagang Hapis.

Aabutin ba ulit ng walong oras ang next indie movie niya?

“Hindi ko po maipapangako,” ngiti niya.

“Pero meron pa, meron pa akong ginagawa. Tatapusin lang muna ‘tong pelikula. As soon as na matapos ito, naka-schedule na yung mga pitching, naka-schedule na yung mga meeting para sa mga susunod ko pong gagawin, both on TV and film.”

Under Lav Diaz ba ulit?

“Ay, hindi ko po alam,” pagtatapos ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN