Phillip Salvador returns to Viva Films via "Baler"


"Matagal akong hindi nakagawa sa kanila. Namataysi Ate Mina [del Rosario], ‘tapos medyo nag-lay low sa paggawa ng malalaking pelikula angViva. Ang tagal ko rin hindi gumawa ng pelikula. I only appear on televisionoccasionally ‘tapos napunta ako sa teleserye. And now, I am doing a movie,isang malaking pelikula and I am working with great actors like Jericho Rosalesand Anne Curtis," says Phillip Salvador about working again for Vi



Nagbabalik-pelikula ang award-winning actor na si PhillipSalvador via Baler, ang entry ng VivaFilms sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre. Mula sa direksiyon niMark Meily, tampok din sa epic movie na inspired by true events ng Siege ofBaler sina Jericho Rosales, Anne Curtis, Carlo Aquino, Desiree del Valle, BaronGeisler, at Mark Bautista.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Phillipsa story conference ng pelikula na ginanap sa Viva Office noong July 31.Nagpahayag ng kasiyahan ang premyadong aktor sa muling pagbibigay ng break sakanya ng Viva Films na magbalik-pelikula. After all, sa Viva Films niya ginawaang ilan sa award-winning movies niya, tulad ng Balweg: The Rebel Priest, GabiNa Kumander, at marami pang iba.

BACK TO VIVA. The last movie he did was Kaaway Hanggang Hukay (2001), with EduManzano and Ina Raymundo. Matapos nito aylumalabas-labas siya sa TV. He was part of the teleserye MagingSino Ka Man at huli siyang napanood sa anniversary episode ng Maalaala Mo Kaya,opposite Gretchen Barretto.

Kuwento ni Phillip, "Magsu-shooting pa lang ako sa For TheFirst Time. Cameo role lang ako roon. Magsu-shooting ako bukas [August 1] as the father ofKC. This was announced at the presscon of For The First Time na ginanap kahaponsa 14th floor ng ABS-CBN.

"Tingnan ninyo kung gaano kabait sa akin si Lord. Nag-umpisa akosa Viva. Kung naalala ninyo, si Kuya Vic [del Rosario, Viva top honcho] at siAte Mina [del Rosario, ang yumaong kapatid ni Ipe at partner ni Boss Vic] angnagbigay sa akin ng break to do action-drama movies. Sa Viva rin ako gumawa ngtrue-to-life movies tulad ng Balweg, Boy Negro, Afuang," pahayag ni Ipe, ashe is fondly called in showbiz circles.

"Matagal akong hindi nakagawa sa kanila," patuloy niya. "Namataysi Ate Mina, ‘tapos medyo nag-lay low sa paggawa ng malalaking pelikula angViva. Ang tagal ko rin hindi gumawa ng pelikula. I only appear on televisionoccasionally ‘tapos napunta ako sa teleserye. And now, I am doing a movie,isang malaking pelikula and I am working with great actors like Jericho Rosalesand Anne Curtis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've worked with Anne in a teleserye [Maging Sino Ka Man]. I'veworked with Echo in Panday, pero hindi naman kami nagkasama sa eksena. So thistime, magkasama sa isang malaking pelikula. And, at the same time, first timekong magiging director si Mark Meilly. First time din siyang magiging directornina Echo at Anne. At ang pinaka-blessing ko, ibinalik ako ni Lord sa Viva,"mahabang pahayag ni Ipe.

FIRST TIME. Two weeks ago lang niya nalaman ang tungkol sa project naBaler. Pero sa presscon ng MMK ay nabanggit na ni Ipe na mayroon siyangdarating na malaking project.

"If it's God's will, it will happen," sabi niya. "'Taposmayroon din akong cameo role sa Richard Gutierrez and KC Concepcion movietitled For The First Time. Si Boss Malou [Santos] naman ng Star Cinema angkausap ko sa project na ito. Magiging director ko si Bb. Joyce Bernal. Ditonaman sa pelikulang ito, umaatikabong Inglisan naman!" natatawang pahayag ngaktor.

"Sabi ko nga, it's another challenge. Kasi sina Joe Pring,Balweg, Afuang, Lucio Margallo, Kumander Dante, hindi naman Ingles ang dayalog.‘Tapos first time ko rin makakatrabaho si KC. Mas una pa nga kamingmagkakatrabaho ni KC kesa ang mommy niya [Sharon Cuneta]. Hindi pa kaminagkatrabaho ni Sharon. First time ko rin makakatrabaho si Richard, althoughnakatrabaho ko na ang daddy [Eddie Gutierrez] niya in some of my movies."

First time ding makakatrabaho ni Ipe si Direk Joyce Bernal, nanaging film editor ng marami sa kanyang past movies. Kaya kabisado na rin siyani Direk Joyce.

"Alam ninyo, ang lahat ng ito ay blessing para sa akin. Iconsider it my blessing. Natutuwa ako, nagsimula ito sa MMK. Actually, doon pasa Maging Sino Ka Man nag-start na ang pagdating ng blessings sa akin. ‘Taposang MMK episode ko with Gretchen. If I may say so, napakaganda ng episode naminni Gretchen. If I may say so, it's one of my favorites sa mga nagawa ko. Kasinoon lang ako gumawa ng role ng isang mayor and, at the same time, pinaputi paang buhok ko," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali at muli siyang bibigyan ng pagkakataon nalumabas sa MMK, buong-puso raw itong tatanggapin ni Ipe. Blessing din daw sakanya si Malou Santos. Siya lang daw ang lumingon sa kanya at nagbigay muli ngpagkakataon sa kanya to act again.

CHALLENGING ROLE. Going back to Baler,nabasa na raw niya ang first and second draft ng script na isinulat ni RoyIglesias. May room for improvement pa raw ito at may ilang revisions pa nakailangang gawin.

"I find the role very challenging. I believe it's a goodrole. If I feel hindi naman bagay sa akin ang isang role, why would I push it?The role would only suffer if I don't think I can do justice to it. It's a bigchallenge for me because I call it my comeback.

"It's a big movie. It's producedby a big company na pinagkatiwalaan ka. Kung may pressure man on my part, Iwill leave it all up to God. Si Lord na lang ang ipe-pressure ko. Sabi nga,'Come to me all you who are burdened and I will give you rest'.

"Exclusive ako kay God when it comes to work. Open ako satrabaho," pagwawakas ni Phillip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN