Three Filipino films honored in 49th WorldFest-Houston IFF

(From upper left, clockwise) Allen Dizon, Ronwaldo Martin, and JM de Guzman star in the movies Iadya Mo Kami, Ari: My Life With A King, and Tandem which were honored during the 49th WorldFest-Houston film fest in Texas.



Tatlong Filipino films ang nakapasok sa katatapos lamang na 49th WorldFest-Houston International Film and Video Festival.

Ito ay ang Iadya Mo Kami (Deliver), Ari: My Life With A King at Tandem.

Ginanap ang WorldFest-Houston IFF sa Houston, Texas, U.S.A noong April 8 hanggang April 17.

Napanalunan ng Iadya Mo Kami (Deliver Us) ang Silver Remi Award sa Spiritual Section ng naturang festival. Bida rito si Allen Dizon bilang pari na nakabuntis sa dati niyang girlfriend (played by Diana Zubiri). Kasama rin sa pelikula sina Ricky Davao, Aiko Melendez at Eddie Garcia.

Ang tumanggap ng award ay ang producer ng pelikula na si Baby Go ng BG Productions International.

Samantalang ang Tandem nila JM de Guzman at Nico Antonio ay nakuha run ang Silver Remi Award para naman sa suspense-thriller section. Sina JM at Nico ay gumanap bilang magkapatid na riding-in-tandem hitmen.

Napanalunan naman ng Ari: My Life With A King ang award na Best First Film Director para kay Carlo Catu. Bida rito si Ronwaldo Martin (ang kapatid ni Coco Martin) pati na rin sina Jonalyn Ablong, Policarpio Batac at Francisco Guinto.

Nakakuha naman ng individual nominations sina Aiko Melendez (best supporting actress), JM de Guzman and Nico Antonio (best supporting actor) at Ronwaldo Martin (best male star).

Ang WorldFest-Houston International Film Festival ay isang event na dedicated sa screening ng independent films, feature films and short films.

May competition rin ito para sa TV Production, Documentary, Corporate & Business Films, Student & Experimental, TV Commercials, Film & Video Production, Music Videos, New Media (Interactive & Web Sites) at unproduced Screenplays.

Tuwing April, 500 international filmmakers and video makers ang nagtitipon sa Houston, Texas.

May 12 major competition categories and 200 sub-categories, kasama na rito ang Remi Awards and Honors for film and video.

Nabigyan na ng parangal ng WorldFest-Houston IFF ang mga filmmakers tulad nina Steven Spielberg, George Lucas, Ang Lee, Ridley Scott, The Coen Brothers, John Lee Hancock, David Lynch, Randall Kleiser and Brian de Palma, among others.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN