Martin Escudero names male celebs he's willing to have kissing scene with

Martin Escudero on portraying gay roles: "Hindi ko pa nata-try yung seryosong gay role, puro comedy pa lang yung ginagawa ko ngayon. Pero kung maganda naman yung material, siguro gagawin natin. Lalo na kung tipong pang-award."


Gusto ni Martin Escudero na maging aktibo ulit sa paggawa ng pelikula.

Kaya naman natutuwa siyang dalawang pelikula agad ang ginagawa niya ngayon — ang Something Called Tangana at ang indie film na Lady Fish.

“Lagi ko namang ipinagdadasal iyan, habang maaga pa sa taon na ito, makagawa ako ng magagandang pelikula.

“Bungad pa lang naman ng taon, simula pa lang ng taon at binigyan na ako ng magagandang linya ng projects.

“So, sana etong taong 2016, magtuluy-tuloy at maraming mga magagandang projects na dumating,” pahayag ni Martin nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Music Box Timog, Quezon City, kamakailan.

Matatandaang mas nakilala si Martin sa pelikulang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington na pinagbidahan niya noong 2011.

Sa pelikulang ito rin kinilala ang galing ni Martin at nanalo siya ng dalawang Best Actor awards – sa Golden Screen Awards ng ENPRESS at Gawad Tanglaw.

Ayon kay Martin, “Iyong sa Regal ang title ay Something Called Tangana, comedy siya.

“Kasama ko rito sina Direk Eric Quizon, Kean Cipriano, at iba pa.

“Si Direk Joel Lamangan ang direktor.

“Actually, nagsimula na po kami sa Regal, hindi pa lang kumpleto talaga yung cast.

“Iyong isa pang movie ko ay Lady Fish ang title, comedy rin.”

Patuloy niya, “Parehong transgender ang role ko sa dalawang movie na ito.

“Ayun yung usual na mabait, tapos gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya…

“Maganda ito, comedy.” 

GAY ROLES. Umaasa rin si Martin na magiging mainit ulit ang kanyang career tulad nang ginawa niya ang pelikulang Zombadings.

Saad niya, “Sana, sana… Kasi matagal din akong naghintay na makagawa ng ganoong character.

“Siguro pinagpala lang talaga tayo nang todo ngayon, kasi dalawang sabay yung ginawa natin ngayon.

“Sana tangkilikin ng mga manonood katulad noong Zombadings.”

Ayon pa kay Martin, sakaling may seryosong pelikula na gay ulit ang role niya, wala raw kaso ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa nata-try yung seryosong gay role, puro comedy pa lang yung ginagawa ko ngayon.

“Pero kung maganda naman yung material, siguro gagawin natin

“Lalo na kung tipong pang-award.

“Kasi, iyon naman talaga ang habol ko, yung award talaga, ang mabigyan ulit tayo ng award.”

Game din daw siya kahit sumabak sa matinding kissing scene sa kapwa niya aktor, basta kailangan lang talaga sa pelikula.

“Basta kung ikagaganda talaga ng pelikula, kasi makikita naman natin ‘yan kung dapat ba o hindi dapat, e.

“Kumbaga, kung highlight ng pelikula, kailangan talaga at basta artistic pa rin siya.”

Sinong actor ang okay sa kanyang maka-kissing scene?

Sagot ni Martin, “Alam mo, maraming magagaling kasi ngayon, e.

“Nakikita ko si Jake Cuenca, mahusay din yun sa mga ganoong character.

“Si Dennis Trillo, mahusay din sa ganoon.

“Siguro sa mga indie, isa sa mga idolo ko talaga si Pen Medina.

“Kaya yung magkakapatid na Medina [Alex and Ping Medina], okay sa akin, magagaling sila.”

STILL WITH TV5. Under contract pa rin si Martin sa TV5 hanggang February next year, kaya inusisa namin siya kung ano ang masasabi sa paglipat ni Ritz Azul sa ABS-CBN.

Pahayag niya, “Siyempre masaya ako para sa kanya.

“Malaking move para sa career niya yun, at sana magtuluy-tuloy na si Ritz doon.”

Ayon pa sa aktor, puwede rin naman daw siyang mag-guest sa ibang TV network.

“Puwede naman daw, pero ipinagpapaalam pa rin.”

Pero sakaling may offer sa iyo sa ibang TV network, game din ba siyang mag-ober the bakod?

Sagot niya, “Sa totoo lang, wala naman akong masamang tinapay sa kahit na ano…

“Pero kung saan tayo mabibigyan ng mas magandang oportunidad, siyempre doon tayo.”

Dagdag pa ni Martin, “Ten months pa ang kontrata ko sa TV5, pero mabilis na lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN