Scandal-filled "Eskandalo" opens on August 27

by Rose Garcia
Aug 6, 2008
Emilio Garcia (left) and Andrew Schimmer (right) bring life to scandals in the indie film Eskandalo. Directed by Joven Tan, this sexy film will open in theaters starting August 27, 2008.


Sari-saring balita ang naglalabasan sa iba't-ibang babasahin tungkol sa iba't-ibang eskandalo tulad ng may pinutulang ari ng isang lalaking pinagtaksilan ng lover niya, kung saan sangkot ang mga miyembro ng third sex, atbp. Maging sa YouTube marami ring eskandalo ang makikita tulad ng nangyari sa isang hospital sa probinsiya na ibinalita pa sa telebisyon.

Ilan lang ang mga ito sa matatawag na scandal sa panahon ngayon na puwedeng sabihing itinatakbo ng pelikulang Eskandalo.

Bida sa pelikulang Eskandalo sina Emilio Garcia at Andrew Schimmer.

Si Emilio ay kagagaling lamang sa pagka-panalo sa dalawang pagkakataon sa dalawang award giving bodies ng Best Supporting Actor for his last year's performance sa pelikulang Selda. This time, mas daring, mas kakaibang Emilio pa ang mapapanood ng mga tao bilang isang bading na maituturing ng late bloomer pagdating sa kalandian.

Sa kauna-unahang pagkakataon na susubukan na sana niyang makipag-sex o bumigay sa tawag ng kalandian, natapat pa siya sa isang partner na maliit lang ang sex-organ at dito na magsisimula ang eskandalo ng pelikula.

Continue reading below ↓

Considered as Andrew's boldest role ang gagawin niya sa Eskandalo dahil hubo't-hubad niyang pagmamasdan ng actress na si Snooky Serna sa isang kaabang-abang na eksena. Nandiyan pa ang eksenang pareho silang nakahubad na naliligo ng sabay ni Emilio at siyempre pa, ang isa sa mga highlight ng pelikula kunsaan, isang marker ang ipinasok sa butt ng isa sa mga bida.

Siguradong pagkatapos mapanood ang movie, magiging isang patotoo at lesson sa bawat bading ang Eskandalo. Ang pelikula ay para rin sa mga sa mga taong galit sa bading, may kaibigang bading, may karelasyong bading, at ayaw maging bading.

After helming the digital film Paupahan, isang komersyal na pelikula naman ang handog ni Direk Joven Tan at ng Green Light Entertainment na bukod sa mga bidang sina Emilio Garcia, Andrew Schimmer, kasama rin sa cast sina Paolo Rivera, Snooky Serna atbp.

Ang Eskandalo ay showing na sa mga sinehan on August 27.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Emilio Garcia (left) and Andrew Schimmer (right) bring life to scandals in the indie film Eskandalo. Directed by Joven Tan, this sexy film will open in theaters starting August 27, 2008.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results