John Prats co-stars with Princess Punzalan in socio-political film diYOS-DIYOSAn

John Prats says some scenes of their film diYOS-DIYOSAn are based on facts.



Umaasa si John Prats na panoorin ng mga Pilipino ang bago niyang pelikulang diYOS-DIYOSAn.

Ang pelikulang diYOS-DIYOSAn ay tumatalakay sa mga taong naghari-harian sa lipunan, mga taong gusto nilang maging diyos sa kanilang kapwa, at kuwento mismo ng Diyos.

Sumesentro ito sa buhay ni Bernard Mojica (John Prats), isang idealistikong tao na lumaki ngunit nabago ang kanyang pananaw at naging corrupt na pulitiko.

Nais ni John na makatulong ang pelikula sa mga Pilipino lalo na ngayong malapit na ang eleksyon.

Ipalalabas ito sa darating na May 4, kasabay ng dalawa pang Pinoy films: ang Just the 3 of Us nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, at ang This Time nina James Reid at Nadine Lustre.

Hindi naman daw sila natatakot na malalaking pelikula ang kanilang makakalaban dahil ibang-iba raw ang tema ng kanilang movie.

Sabi pa ni John, “Hindi po kayo kikiligin dito. Ang purpose po kasi ng movie na ‘to kasi, ginawa namin siya with a purpose.

“Since malapit na ang botohan, sana makatulong ‘tong pelikulang ‘to na makapag-decide ang mga Pilipino kung sino ba talaga ang iboboto nila.

“Some scenes are based on facts.”

Habang ginagawa daw nila ng pelikula, nagugulat daw si John sa mga natuklasan niya tungkol sa samu’t saring misteryo sa mundo ng pulitika.

“Sana makatulong siya.”

Sa presscon para sa pelikula ngayong araw, April 28, sinabi ng actor na wala naman daw pinatatamaan ang pelikula dahil ginawa nila ito unang mga araw ng October 2015 kung saan wala pang naka-rehistrong opisyal na kandidato sa matataas na posisyon.

Kasama ni John sa pelikula sina Princess Punzalan, Kiko Estrada, Ryza Cenon, Cheska Diaz, Lorenzo Mara, Vaness del Moral, at Tirzo Cruz III sa direksiyon ni Cesar Buendia.

(Present at the April 28 diYOS-DIYOSAn presscon at a restaurant in Quezon City were Cheska Diaz, John Prats, Princess Punzalan, Kiko Estrada, and film director Cesar Buendia.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN