James Reid nervous about This Time having same playdate as JLC movie: "I can't help it--it's John Lloyd."

Nadine Lustre and James Reid (middle) topbill the movie This Time while John Lloyd Cruz stars in Just The 3 Of Us. Both movies will open in cinemas on May 4, 2016.



Ang pelikulang This Time ng VIVA Films ang kauna-unahang pelikula na ginawa nina James Reid at Nadine Lustre na opisyal na sila na.

Ito rin ang pelikulang ginawa nila at mapapanood ng kanilang mga tagahanga ngayong May 4 pagkatapos ng napakatagumpay na unang teleserye nila, ang On The Wings of Love.

Pero sa kabila nito, may katapat silang isang local film na masasabing isang malaking pelikula.

Sabi nga ni James nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon ng pelikula noong April 30 ng gabi sa Le Reve, Sgt. Esguerra, Quezon City, “I can feel na mataas po ang expectation sa movie na ‘to. But we really made this movie for—it’s a family movie, it’s not the typical JaDine movie na puro kilig, puro abs, it really focus on family.

“Actually, hindi lang yung kuwento ni Ava at Coby, there’s other love story. For example, my Lolo Melchor by Freddie Webb, he goes for his search for his long lost love.

“And Coby learned a lot of lesson from his Lolo, his love story, so it goes for different ages, for children, young professionals to the elderly which still looking for love.”

Sabi nga namin kay James, noong ginawa nila ni Nadine ang Diary Ng Panget may dalawang taon na ang nakararaan, wala halos takot na sumabay sa pelikula nila.

Makalipas ang dalawang taon, masasabi niya bang “surreal” ang pakiramdam na tinatapatan na sila ngayon ng malaking pelikula rin?

“Well, I would be lying if I’ll say na hindi [kabado], siyempre John Lloyd [Cruz] yun, the King of Romance, romance rin ‘to, but I can’t help it—it’s John Lloyd.”

May kaba ba sa magiging tapatan nila dahil pareho sila ng playdate ng Just The 3 Of Us?

“Siyempre po,” ang pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Positibo naman si James sa kanilang pelikula ni Nadine at sa magiging suportang matatanggap nila, lalo na sa mga tagahanga nila.

Sabi nga ni James, “I have confidence in our fans, you know, that they won’t give-up.

Bukod dito, naikuwento ni James na ang alam niya, sa isang fans club pa lang nila ni Nadine, may 30 block screenings nationwide na agad na naka-plano.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN