Derek Ramsay was supposed to do two movies with Shaina Magdayao in the past

Derek Ramsay on My Candidate leading lady Shaina Magdayao: "I don't know why ba't hindi siya nabibigyan ng break 'til now."



Hindi tinanggihan ni Derek Ramsay ang pelikulang My Candidate kahit merong himig-pulitika ang nasabing romantic-comedy flick na dinirek ni Quark Henares para sa Quantum Films.

Ang papel niya ay si Congressman Sonny Suarez na tumatakbo bilang senador, para lamang tuparin ang “dying wish” ng kanyang ama.

Hindi naman daw talaga nakasentro sa pulitika ang plot ng pelikula nila ni Shaina Magdayao, at Iza Calzado, kung kaya ginawa pa rin niya ito sa gitna ng init ng mga kampanyahan sa darating na May 4 elections.

Pahayag ng hunky actor, "For me, I always like a challenge.

"And when they presented that there's a movie about politics...

"When you read the script, it actually shows you, or it put politics in a lighter side.

"Like what I said kanina, our politics today are dark, angry and scary.

"With this script, it shows that there's a side of politics...there are politicians with a genuine heart, and that's what I fall in love with my character.

"Someone who stands by his principle, someone who stands proudly about his family.

"It just goes to show that there are still politicians up there who really want to give back to their community, to their district, to their country."

Sa mga kasalukuyang kandidato, may nakita pa siyang kapareho ng karakter ng papel na ginagampanan niya?

Nangingiting tugon niya, "Actually, when I studied the character of Sonny Suarez, I don't wanna be associated with...I don't want any associations with the candidates out there.

"So, that's what I did for preparation.

"To answer the question, 'Can I associate it with any of the candidates?'

"No, I don't see any."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapatid actor sa May 3 presscon ng pelikulang ito na ipapalabas na sa May 11 na ginanap sa 55 Event's Place, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 Handa rin ba siyang pumasok sa pulitika one of these days?

Mariing sagot niya, "No!

"Ayoko talaga.

"You can help people in so many ways without going into politics.

"Yeah, definitely, no."

Sa puntong ito, ikinuwento niya na unang pagtatambal pala ni Shaina ito sa pelikula bagamat may two movies noon na dapat ay sila ang magkasama.

Ani Derek, "We were supposed to do movies, like may offers na sa amin na two movies even before pa those issues they're talking about.

"Sayang at hindi nga lamang nagkatuluyan.

"But now, we have the chance to work together."

Kumusta naman ang working relationship nila?

Sabi niya, "It's great working with Shaina.

"I've been wanting to work with her for a while already.

"Very close ako sa sisters [ni Shaina], kilala ko lahat ng kapatid niya, especially si Vina [Morales].

"Again like what I said, I was excited before na may offers na gagawin kami, hindi nga lang natutuloy.

"Now, nagkatuluyan kami, and she's a brilliant actress.

"I don't know why ba't hindi siya nabibigyan ng break 'til now."

Patuloy pa niya, "She's a very versatile actress, she's funny.

"She was able to put to something na she's not used to, but she was very convincing how she portrayed her character, she really put it to life.

"She really takes it seriously kasi, kapag nag-uusap kami, off-cam or through text, ang tawag pa rin niya sa akin ay si Cong.

"She's in character all throughout the film.

"It’s fun working with Shaina, we became good friends, and I wish I could still have another project with her again."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN