This Time director on having same playdate as another Pinoy movie: "Siyempre nasaktan ako in a way."

This Time director Nuel Naval (right) says about James Reid and Nadine Lustre: "Natural ang chemistry nung dalawa at ang dali nilang i-handle pagdating sa mga ganitong klaseng roles."



Ngayong araw na ito, May 4, ang regular showing ng VIVA Film’s movie na This Time at pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre sa direksiyon ni Direk Nuel Naval.

Kung pagbabasehan ang positibong feedback ng halos lahat ng nanood ng premiere night ng pelikula kagabi sa SM Megamall, gayundin ang pagbibigay ng Graded A sa pelikula, puwede na sigurong hindi makaramdam ng pressure o kaba ang director ng pelikula.

Pero ayon kay Direk Nuel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, sobra akong pressured and excited kasi, this is my first time to do a comedy. Kasi, medyo kilala ako sa mga matured, adult movies, e.

“Even sa TV, puro heavy drama ang binibigay sa akin. But I took the challenge kasi bago naman. Pinagkatiwalaan nila kong gumawa ng isang romcom at gusto ko rin namang gumawa ng isang romcom para hindi naman puro drama ang ginagawa ko,” saad niya.

Hindi naman daw nahirapan si Direk Nuel sa pagdidirek ng This Time dahil sa mga bida pa lang daw na sina James at Nadine ay mahusay na raw at natural.

Unang beses pa lang daw niyang naidirek sina James at Nadine at nagulat daw sila sa chemistry na meron ang mga ito.

“Natural ang chemistry nung dalawa at ang dali nilang i-handle pagdating sa mga ganitong klaseng roles. Nagulat talaga ko kasi, first time kong ma-handle.

“Okay, James Reid, Nadine Lustre, nakikita ko lang sila sa TV, pero nung na-meet ko sila in person, sa harapan pa lang, makikita mong may chemistry sila.

“Noong nakita ko sa monitor, ay grabe, ang lakas ng dating nitong dalawang ‘to, bagay talaga sila.”

Ipinagmamalaki rin ni Direk Nuel na kung ikukumpara raw siguro sa mga nakaraang pelikula ng dalawa, talagang nakita raw niya ang pagbu-bloom nina James at Nadine.

Aniya, “For one, they look so good in this movie at alam mong nag-bloom silang talaga, physically and professionally, nag-bloom din silang talaga kaya nag-manifest yung pag-bloom nila rito sa pelikula.”

Isa rin daw sa aabangan sa This Time ay ang mga eksenang kinuhanan nila sa isang probinsiya sa Japan.

“Nag-shoot kami sa Saga, which is isang probinsiya sa Japan. Medyo probinsiya ‘to at hinabol talaga namin ang cherry blossom. Maganda at excited ang dalawa.

“Makikita mo ang excitement nila dahil alam ko, dream ni Nadz na makakita ng cherry blossom at good thing na naabutan namin. Nakakatuwa yung dalawa.

“Si James, I think nakapunta na ng Japan kaso Tokyo. Eh this time, sa Saga at hinabol talaga namin ang cherry blossom dahil umulan, nalaglag. Lumindol pa sa south of Japan and Saga is south of Japan. Kaya pinagdasal namin kasi, we have new friends there at mababait sila. Sponsored kami ng Saga Film Commission at ang laking tulong nila sa amin during the shoot.”

Sa huli, kinamusta namin si Direk Nuel kung ano ang naging pakiramdam niya ng malaman niyang ang katapat na pelikula nila ay ang Just The 3 of Us ng Star Cinema.

Kahit sa premiere night, magkatapat din sila kagabi.

Ayon naman kay Direk Nuel, “Well, yun na nga, I’ll be honest, siyempre nasaktan ako in a way. Sabi ko nga, I wish I’m just a director pero, tao rin ako.

“Kasi, I’ve been a Kapamilya for more than 20 years. All my professional life have been in ABS. Although VIVA ang nagbigay sa akin ng first film ko, pero sina Inang [Olivia Lamasan] sina Malou [Santos], mga mentors ko ‘yan.

“But of course, siguro kaya ako nasaktan kasi, mga mahal ko sila. Kasi kung hindi ko naman sila mahal, kebs ko ba, ‘di ba, na tinapatan nila ako. I must admit na nasaktan ako.”

Ang nakausap naman daw niya pagkatapos niyang malaman na magkatapat ang pelikula nila ay si Direk Cathy Garcia-Molina na siyang director naman ng John Lloyd Cruz-Jennylyn Mercado movie na Just The 3 Of Us.

Ayon kay Direk Nuel, “Si Direk Cathy, very close kaming talaga.

“My first directorial job, si Direk Cathy ang nag-AD [assistant director] sa akin. Nag-volunteer siyang mag-AD sa akin sa MMK. At very close rin kami, inaanak ko ang anak niya.

“Talagang way back na hindi pa kami director, magkakaibigan na kaming talaga. Tinext ko siya na this is just a film and I hope na yung friendship, hindi maapektuhan.

“Sabi naman niya, of course. Sabi niya, mahal niya ko at sabi ko sa kanya, mahal din naman kita. Actually, pare-pareho kaming nagulat na magkatapat pero ang maganda rin na sinabi ni Direk Cathy, isipin na lang natin, magsasanib-pwersa tayo against a foreign movie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN